Chapter 22
Lumabas na ako sa tinataguan ko at nilapitan si Hera na nakatulala pa rin. "Uhm Hera," sabay tapik ko sa kanyang balikat.
Nagulat siya at napalingon sa akin. "Uhm Yani. Uhh ano pong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong niya.
"Uhh well, nakakapagtaka kasi na bigla kang nawala kaya uhm... sinundan kita," sagot ko.
"Ala sorry po hindi po ako nakapagpaalam. Hindi na po mauulit. May kinausap lang po ako," paghingi niya ng paumanhin
"Alam ko."
Nabigla siya at napatingin sa akin. Nginitian ko lang siya na nakakaloko na sinasabing 'nakita ko ang lahat ng nangyari'. Hindi na siya nakaimik at halatang namula na lang siya. Lumapit ako sa kanya. "Hayaan mo. Ating dalawa lang ito," bulong ko sabay kinindatan din siya.
Ngintian niya naman ako pabalik. "Salamat po Yani."
"Tara. May next challenge pa. Baka magtaka pa sila na wala tayo doon" alok ko at naglakad kami pabalik sa lugar namin.
Pagkarating namin sa bleachers, "Yani, Hera, saan kayo galing?" nag-aalalang tanong ni Femme.
"Ay sa ano uhm may pinuntahan lang," sagot ko.
"Saan naman?" tanong muli ni Femme.
"Ano po may kinausap lang po ako tapos sinamahan po ako ni Yani," sagot naman ni Hera.
"Sino?" tanong naman ni Donna.
"Ah uhm metal girl din," sagot ko.
"Yung isa sa mga bully ni Hera?!" biglang tanong ni Donna.
"Hah? Hindi. Ano uhm nagpa-autograph siya kasi nagalingan siya kay Hera kanina."
Napataas naman silang lahat ng kilay sa akin at nagtaka.
"Okay. Welcome to this year's Air Challenge..." sabi ni Prince Turuki kaya lahat kami ay napabaling ang tingin sa field.
"Uy magsisimula na," excited na saad ni Femme. Whew. Buti na lang. Oo na. Ako na ang hindi marunong magsinungaling.
"First of all, I would like to thank my brother Feesy for making this event happen. A round of applause for him..."
Nagpalakpakan naman kaming lahat.
"So for our first challenge, an air battle with the use of animals. For the instructions, we will release nine flying animals and it's up to you to choose which and they are all wild so it's also up to you to tame it. After you picked and tamed one, bring down the animal of the other. The 5 persons left with their animal will be the players for the second challenge. So, are there any questions?"
Walang umimik at nagtinginan lang ang mga manlalaro sa isa't isa.
"None. Well then, let the challenge BEGIN!" sabay nagsibukas ang mga malalaking pinto at may mga nagsilabasan na mga hayop. Lahat may pakpak pero ang iba nasa lupa lang naglalakad habang ang iba nagsiliparan.
Grabe, ang babangis nila. Ang iba, sobrang laking mga ibon, ang iba mga dragon tapos ang iba pagkalaki-laking ahas na may pakpak at kung ano-anu pa. Tapos ang isa nagbubuga ng apoy, ang isa yelo naman, ang isa ang bilis lumipad, ang isa umaatake gamit ang kidlat at iba pa. Nagsimulang maghanap si Kyrie. Sana makahanap siya ng matino.
Habang naghahanap siya, nakaharap niya ang pinakamabangis sa lahat. Isang dragon na puno ng pagkalaki-laking tusok ang katawan at pakpak. Sobrang laki ng mga ngipin na kahit anong bagay kahit ata bato, masisira agad. Nakakatakot naman.
Tingin palang sa mukha ni Kyrie, yun na ang napili niya kaya agad niya itong nilapitan. Nahirapan siya sa una pero unti-unting napaamo niya ang dragon at mayamaya, nakasakay na siya sa likod nito. Galing niya noh.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...