Last Testament

106 8 0
                                    

Chapter 18

Lumipas ang isang linggo, nakaupo ako ngayon habang nakapatong ang aking mga braso sa aking tuhod at diretso lang ang tingin.

"Is this deep enough?" rinig kong tanong ni Prince Edmondo kaya napatingin ako sa baba.

"That will be fine. Thank you Edmonodo," sagot ni Prince Eaux. Sumilip ako sa baba para tignan kung paano nila nililibing ang kabaong niya. Burol ngayon ni King Gabi at dumalo ako pero nakaupo ako ngayon sa isang ulap na lumulutang sa langit sa ibabaw lamang ng burol.

Alam kong nahihiya ako at baka may maganap na gulo kung maglakas-loob akong sumama sa kanila. Buti na lang naisip ko ito para sana man lang makita ko kung paano nila ililibing si King Gabi.

Tulad sa mga traditional na nangyayari pag may ililibing, lahat silang walo ay nakaitim ang suot. Alam na ng buong nasyon ang pagkamatay ng hari pero ang mga meron lang sa libingan ngayon ay ang walong prinsipe.

Sobrang lungkot ng paligid, syempre nga naman dahil sa may namatay pero ramdam ko yun kahit nasa taas ako. Buti na lang hindi siya tulad sa nangyayari sa ibang kwento na umuulan tuwing ganito ang nangyayari pero makulimlim ang mga ulap ngayon na hindi magtatagal, bubuhos ang ulan pero kahit tapos na ang libing, hindi ito bumuhos.

King Gabi, kung saan ka man ngayon pangako kong titiisin ko lahat ng sakit sa pagsisi nila sa akin. Alam kong magiging okay din ang lahat. Kahit ganun ang tingin nila sa akin, aalagaan ko sila at tutulungan ko sila dito sa nasyong ito.

Salamat sa lahat King Gabi. May you rest in peace.

Pagkatapos ng libing, umalis din ako. Pagkapasok ko sa Main Cabin, napag-isipan kong pumunta sa opisina ni King Gabi. Gusto ko lang masulyapan ang lugar kung saan una at huli ko siyang nakita. Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako at napatigil na tuluyang buksan ang pinto.

Andito si Jethro na nakaharap sa mesa ni King Gabi. Lumingon siya sa akin nang marinig ang ingay ng pinto.

"Sorry, sorry ah—" napatigil rin akong magsalita. Shacks. Ano ba yan. Kabilang ba ang sorry sa dapat hindi ko sabihin?

Hindi siya umimik at binalik lang ang tingin sa harap. Naisipan kong umalis na lang since nandito siya pero isasara ko na sana ang pinto nang,

"Pumasok ka." Nagulat ako at napatigil dahil kung paano niya sinabi iyon. Para siyang nang-uutos.

"Hi-hindi na. Aalis na lang ako—"

"Sabi ko pumasok ka," seryoso niyang ulit.

Mukhang nang-uutos nga siya. Pumasok na lang ako pero hanggang dito lang ako sa tapat ng pinto.

May namuong katahimikan sa silid. Hindi ko sinubukang magsalita.

"Anong kailangan mo rito?" tanong niya. Hindi ako muling nagbalak magsalita. Ayaw kong magsimula ng usapan.

"Sumagot ka," utos niya.

Ay ganun? "Wala," sagot ko agad. "Ano bang pakialam mo?"

May namuo na namang katahimikan sa loob ng opisina pero agad din siyang humarap sa akin and the next thing I knew, I was pinned on the wall.

"Kailan ka pa natututong managot? Nakalimutan mo na ba na isa akong prinsipe?" seryoso niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakaimik dahil sa lapit ng mukha niya sa akin. Normal naman ang reaksyon ko na kumakabog ang puso ko ngayon dahil sa ginawa niya pero hindi ko alam kung anong rason.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ang baba ko at inikot ang aking mukha dahan-dahan papunta sa kanya. Hindi ko inaasahan yun kaya sumabay ang mukha ko sa kamay niya.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon