The Kidnappers

200 12 0
                                    

Chapter 2

Pinanuod lamang ng lalaking puti ang buhok ang babaeng lumipad paalis hanggang sa tuluyan siyang nawala sa tingin niya.

"Bzzzt Jethro where are you? Over," tunog mula sa isang gamit na nakakabit sa tainga ng lalaki.

Nilagay ng lalaki ang kanyang hintuturo sa kanyang tainga at may pinindot. "Bzzzt at the back of the school. Over," malamig niyang sabi.

"Bzzzt have you found her? Over."

"Bzzzt Yes. She escaped. Over."

"Bzzzt...(no reply)...bzzzt."

"Bzzzt everyone assemble to where Jethro is. Over."

Mayamaya may anim na lalaki na dumating sa lugar mismo kung saan nakatayo ang lalaking may puting buhok na nagngangalang Jethro.

"So what happened?" tanong ng lalaking kulay asul ang buhok sa kanya.

"I found her classroom and trapped everybody inside including her," malamig na sagot ni Jethro.

"And you are telling us that she escaped?!" naiiritang tanong ng lalaking pula ang buhok.

"Because she is strong," walang emosyong sagot ni Jethro sa lalaking pula ang buhok. "She followed me until here and I tried to convince her but it was no use. She attacked me but I was able to shield myself."

"I see," sabi ng lalaking kulay asul ang buhok sabay napahawak sa kanyang baba para mag-isip.

"Well, there must be another way," sabi naman ng lalaking kulay berde ang buhok.

"Well, you saw how she escaped?" tanong ng lalaking blonde ang buhok.

"She flew away," sagot ni Jethro.

"That's a good thing," sabi ng lalaking gray ang buhok kaya napatingin ang lahat sa kanya. "I can track her up the sky."

"Go ahead Turuki," sabi naman ng lalaking kulay asul ang buhok.

Kinontrol ng lalaking kulay abo ang buhok ang hangin, na ang pangalan ay Turuki at gumawa ng ulap para lumipad pataas at tumingin ng malayo para malaman kung saan pumunta ang tinutukoy nilang babae. Mayamaya lang, bumaba siya agad.

"She went that way," sabay turo kung saan.

"Okay Turuki lead the way. Everyone, Bouger! (Move! in French)" utos ng lalaking kulay asul ang buhok at sinundan nga nila si Turuki.

Dahil sa may mga kapangyarihan sila, si Jethro ay gumagawa ng daan gawa sa yelo habang nag-ska-skate. Si Eaux (pronounced as "Lou") naman, ang lalaking kulay asul ang buhok, may malaking alon sa kanyang likod at nakasakay sa isang surfing board habang nag-su-surf.

Si Edmondo, ang lalaking kulay kape ang buhok, tumatalon siya nang sobrang taas tapos gagawa ng maliit na hill kung saan siya mag-la-landing at tatalon ulit at si Feesy, ang lalaking kulay berde ang buhok, tumumbling siya sa bawat sanga ng puno.

Ang natirang tatlo ay nasa himpapawid na sina Turuki, na nakasakay sa isang ulap, si Zoltar, ang lalaking blonde ang buhok na nakasakay sa isang platform at si Fuego naman, ang lalaking kulay pula ang buhok ay nagbubuga ng apoy mula sa kanyang kamay para makalipad.

Mayamaya lang, tumigil at bumaba si Turuki.

"Arret! (Stop! in French)" sabay taas ng kamay ni Eaux na ikinatigil nilang lahat.

"We're here," sabi ni Turuki, sabay na hinawi niya ang mga sanga na nakaharang sa kanilang harap at may nakitang isang maliit na bahay sa gilid ng ilog.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon