Chapter 26
Sinusundan ko si Elesa. Ang bilis niyang maglakad kaya tumatakbo ako para mahabol lang siya.
"Elesa sandali—"
"Iwan mo ako" mahina niyang saad pero rinig ko. Halata sa boses niya ang galit.
"Pero Elesa—" hinawakan ko ang kanyang braso. "Aray!" sabi ko. Nakuryente ako. Sign na ito. Galit na talaga siya sa akin. Napatigil siya.
"Elesa sorry—"
"SORRY?!" sabay lumingon siya sa akin. "Sa tingin mo may magagawa pa ang sorry mo?! Akala ko ba tutulungan mo ako na maging kami ni Prince Zoltar?!" sigaw niya.
"Sinabi ko lang naman ang pangalan ni Femme," mahina kong sagot dahil sa takot.
"Ay ganun. Well fun fact Yani dahil minsan lang ngumiti si Prince Zoltar ng ganun at ang ibig sabihin lang nun natamaan na siya! Sana man lang hinayaan mo muna na sabihin ko ang nararamdaman ko bago ka sumingit para sagutin siya!"
"Pero hindi ba mas maganda na sinabi ko yun kaysa sa nag-confess ka tapos i-re-reject ka niya lang?" sabi ko.
Napatahimik siya at natulala at namuo lang ang katahimikan sa pagitan namin.
"Pa-paano ka nakakasiguro na i-re-reject niya ako?" tanong niya at kita sa mukha niya na paiyak na siya.
"Hindi ba kita mo na may lihim na pagtingin siya kay Femme? Bakit mo pa ipipilit? Kailan ba na tumingin si Prince Zoltar na ganun sa iyo?"
Nagulat siya sa sinabi ko. Ako rin nagulat. Shacks! Anong bang mga pinagsasabi ko? Maling salita ang lumalabas sa bunganga ko.
Bakas sa mukha niya ang galit. "Akala ko ba, kaibigan kita," sabi ni Elesa sabay may tumulo na luha sa mata niya.
"Elesa, gusto kitang tulungan pero para sa ikabubuti mo ito," sagot ko out of pity. "Nabubulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya pero hindi mapapatunayan na kahit mahal mo siya ng tatlong taon, para na siya sa iyo. Sa una palang, ikaw lang naman ang nagmahal, hindi ba?"
Dahil sa mga pinagsasabi ko, nagalit na siya ng tuluyan at inatake ako ng kuryente. Medyo mabilis ang pangyayari kaya ang nagawa ko na lang ay napapikit ng mata.
Pero wala akong naramdamang kuryente. Binuksan ko mata ko at nagulat nang makita kung sino ang nasa harap ko ngayon.
May isang bakod ng yelo sa harap niya pero agad din itong naglaho. "Jethro," bulong ko habang puno pa rin ng gulat ang mukha ko.
"Anong ginagawa mo?" puno ng awtoridad na tanong ni Jethro kay Elesa.
Napaatras naman si Elesa at nanginig sa takot. "Pri-prince Jethro."
"Bakit kayo gumagawa ng eksena rito?" seryoso niyang tanong. Hindi makaimik si Elesa.
"Kung mag-aaway kayong dalawa rito sa lugar na ito at sisirain ang hallway na ito, pwede ko kayong ipaaresto," malamig niyang saad.
Nagulat kaming dalawa sa mga sinabi niya kaya hindi kami nakaimik.
"At ikaw..." dagdag ni Jethro at seryosong tinignan si Elesa. "...alam mo na isa kang taong kuryente at maaari kang makapatay ng tao kung galit ka. Hindi ka ba naturuan ng pinakamamahal mo na prinsipe kung paano kontrolin ang iyong emosyon?"
Hindi na muling umimik si Elesa at tumakbo paalis.
"Elesa sandali—" Hinarangan ako ni Jethro gamit ang braso niya para tumigil ako.
"Sa lahat ng pwede mong galitin, huwag lang ang electric at fire people," sabi niya.
Napatahimik na lang ako at napayuko ng ulo.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomantiekShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...