Water Cabin

153 9 1
                                    

Chapter 7

Hay, ito na naman ako, nasa loob muli ng kwarto ko, nagpapahinga. Grabe talaga yung kanina. Katatapos lang ng tour ko sa Main Cabin at sobrang ganda na nangyayari pero dahil lang sa kanya na naman.

Naglalakad kaming dalawa ni King Gabi sa hallway at sa sobrang tahimik, ang tanging maririnig lang ay ang yapak ng mga sapatos namin. Paano ba, magsalita ba ako o hindi? Ano naman sasabihin ko?

"Sorry for a while back," sabi ni King Gabi na kinabasag ng katahimikan. "I never thought he will come"

"Oh uhm it's fine," sagot ko. "I wasn't scared at all even though he has that uhm dark side of his," well, yun na nga. Natakot ako sa totoo lang pero medyo lang.

Napabuntong hininga naman siya ng sobrang lalim. "I wish I could have done something," sabi niya.

"You've done enough, King Gabi. He's just not aware of it, I think," sabi ko dahil yun naman ang totoo.

Bigla siyang tumigil sa paglalakad na ikinatigil ko rin. "So, the tour ends here."

"Oh okay. Yeah. Sure," sagot ko naman.

"I'm just in my office in case you need anything. I have a lot of things to do."

"Uhm yes. Right," at tuluyan siyang naglakad paalis. "Oh by the way, thanks for the tour, King Gabi," pasasalamat ko ngunit tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Kawawa naman si King Gabi. Yang Jethro na yan, walang matinong gawin. Bakit kasi may mga taong tulad niya na nabubuhay pa sa mundong ito? Ngayon lang talaga ako nakakilala ng tulad niya na sobrang manhid na as in, hindi mo masukat kung gaano siya kamanhid. Bwiset.

Hay buhay, ang dami kong nalamang magagandang bagay tungkol sa nasyong ito at sobrang... uhm paano ko ba sasabihin, one word: AWESOME. Bawat detalye talaga nakakamangha kahit Main Cabin pa lang yan. Excited na ako sa mga susunod na cabin.

Grabe nangangati na kamay ko. Gusto kong magsulat kasi sayang itong mga pangyayari na ito. Kung may papel at lapis lang diyan eh. Ang nagagawa ko na lang matulog kahit medyo maaga pa kaya nagpalit agad ako ng pantulog at humiga. Hindi rin nagtagal, nakatulog din ako.

Kinabukasan, medyo nalalamigan ako kaya nagising ako pero hindi lang dahil doon eh.

"Hmm...mmmm"

Sandali ano yan? Bakit parang may naririnig akong humuhuni? Imposibleng mga ibon naman yun dahil winter dito saka halata na hindi ibon ang gumagawa ng tunog. Binuksan ko ang mga mata ko dahan-dahan para makita kung sino.

"Hmmmm...mmm"

Kahit medyo malabo pa ang paningin ko alam ko kung sino dahil sa kulay ng buhok niya. Si water prince lang pala. Ano ulit pangalan niya? Prince Eaux ba yun? Ah basta nasa loob lang siya ng kwarto ko ngayon.

Loading... Napamulagat ako ng mga mata ko ng di oras at kasabay nun ay napaupo ako dahil nagising ang kaluluwa ko. Hindi nga, si Prince Eaux nasa loob ng kwarto ko?!

"Oh Yani, you're awake" sabi niya. Hindi nga ako nananaginip!

"KYAAAHH!!" sigaw ko. Nagulat siya at tinakpan ang mga tainga niya ng kanyang mga kamay dahil sa lakas ng sigaw ko.

"Wait! Why are you shouting?!" sigaw niya pabalik.

"KYAAAHH!" sigaw ko pa rin sabay kumuha ako ng unan at tinapon ito sa kanya.

"Wait...*dodge*...wait...*dodge*...Yani wait!"

"BAKIT KA NANDITO?! HINDI MO BA ALAM KUMATOK?!" sigaw ko sa kanya habang nagtatapon pa rin ako ng unan.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon