Chapter 4
"So Yani, you must be wondering right now why you are here?" tanong ni King Gabi sa akin.
Actually, kanina ko pa tinatanong yan sa utak ko. Well, may nakilala akong isang manhid at nakakatakot na lalaki na may mga kasama na kinidnap ako tapos mga prinsipe pala sila, tapos nagpakilala sila sa akin kasama ang hari na ama nila tapos... ano nga ba? Bakit ako nandito?
"I was just forced to come here in the first place," sagot ko na lang.
"I see. Having a hard time to convince her, my sons?" tanong ni King Gabi sa kanila.
"Yeah. She's hardheaded I should say" sagot ni water guy... water prince... ano ulit pangalan niya? French siya di ba? Mahirap pronunciation niyan eh, tapos iba pa ang spelling.
Sorry naman ah. Eh hindi rin kasi ipaliwanag ng prinsipe niyong yelo na tinatamad at manhid magsalita o di sana mas naintindihan ko pa at malay niyo sumama na ako agad ng di oras at hindi magtangkang tumakas pa.
"Anyways, right now you already observed these past few years of your life something strange," sabi ni King Gabi sa akin.
"Uhm uhh..." I paused. "I can control elements?" patanong kong sagot.
"That's right. The answer is already clear. You are here because of your gift..."
Gift? More like a curse. Araw-araw sinusundan ka ng malas.
"...our kinds are too many in that world. We are spread from country to country and so our mission is to take them here with us where we created a world that is meant for us. We have our own world here. We don't belong out there."
Nagulat ako sa sinabi niya dahil parang naintindihan niya ang nararamdaman ko. Pero sa hindi talaga ako makapaniwala,
"Wait does that mean that our kinds are not just hundreds, but thousands?" tanong ko.
"Yes. And each person has their own element to control..." sagot niya. Ah, kaya pala iba't iba yung kulay ng buhok nila. Ang galing.
"...but there are some more than special than us."
"Like?"
"Like you, dear," sagot niya.
Nagulat ako. "Hah? Special? Me? What's with me?" nagtataka kong mga tanong.
"Can I ask then, what element can you control?" tanong niya sa akin.
"Uhm actually..." nagsimula akong magbilang. "...eight. 8 elements, I think" sagot ko.
Lahat ng prinsipe biglang tumingin sa akin. May nasabi ba akong mali? Ang alam ko nakita naman na nila di ba? Nung naglalaban pa kami ni white haired dude? Sandali bilangin ko nga ulit...
"She can control all?" tanong ni metal guy... uhh metal prince... yung robot. Pangalan niya ulit?
Pero teka, ano raw sinabi niya? Walo lang naman yung kaya kong controlin kaya bakit niya nasabing— teka. Binilang ko ang mga prinsipe. Walo sila... o tapos?
"Yes she can control all eight elements," sagot ni King Gabi. Ah okay. Walo lang pala kasi ang elements kaya walo lang sila.
"Wow. You must be really special, I mean just like what father said, more than special than us" sabi ni nature guy. Hmm... friendly, masayahin, mahilig sa art, ano ulit yun? F ba yung simula ng pangalan niya?
Hay malay ko. Kahit kailan, hindi ko ginusto magkaroon ng ganitong kapangyarihan pero dahil sa sabi nila, sige. Special na kung special.
"Don't you know Yani that of all the people coming here, you are the only one who is able to control all?" sabi ni King Gabi.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...