Chapter 3
Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko sabay napatingin sa aking paligid. Nasaan ako? Napalingon ako sa aking kanan at may nakitang nakaupong white haired guy sa tabi ko. Bakit ang lamig ng pakiramdam ko ngayon? Nakakumot naman ako.
Ang ganda na kaya ng panaginip ko. Napapikit muli ako ng mata at lumipas ang ilang minuto pero hindi ako makabalik sa tulog hindi lang dahil sa lamig kundi may gumugulo sa utak ko. Napaupo na lang ako at kinamot pa ang mata ko.
"Gising ka na pala."
Napatingin ako muli sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita si white-haired dude na nakaupo sa isang silya na walang buhay ang mukha. Weird. Parang siya yung lalaki sa panaginip ko. Bakit siya nandito sa loob ng bahay ko?
Loading... teka... Inikot ko ang aking tingin sa paligid ko. Teka, bahay ko? Loading... binalikan ko siya ng tingin...
Loading complete. Napamulagat ako ng mga mata ng di oras dahil sa gulat. Parang alam ko na ata ang NANGYARI!
"KYAAHH!" sigaw ko at kasabay nun, umalis ako sa kama at tumakbo sa isang sulok.
"Sandali—" walang buhay niyang sabi.
"Anong ginagawa ko rito?! Bakit ka nandiyan?! Anong ginawa niyo sa akin?!" panic ko.
Tinignan niya lang ako at bakas sa mukha niya na parang wala siyang pakialam sa nangyayari at dagdag mo pang pinikit niya pa ang mga mata niya.
"Bakit ganun?! Bakit ang kalma-kalma mo pa rin kahit nagwawala na ako rito?! Anong ginawa mo sa akin?!"
Hindi pa rin siya umimik. Seryoso?! Kahit nagpapanic na ako, nagawa niya pa ring hindi umimik? Ganito ba talaga siya kamanhid? Alam ko may damit pa ako pagkagising ko pero sinong hindi magpapanic na pagkagising mo may lalaki na nakaupo sa tabi mo at nasa ibang lugar ka na?!
Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. "ISA! Huwag kang lalapit!" banta ko.
Buti naman tumigil siya mga isang metro ang layo sa akin at tinitigan ako. Mayamaya lang may iniabot siya sa akin na ikinataka ko.
"A-ano ito?" tanong ko sa kanya.
"Magpalit ka," tipid niyang sagot. Damit Yani.
"Hah? Sandali, akin yan?"
Hindi siya nagsalita. Kaya nga inaabot sa iyo Yani diba?
"May naghihintay sa iyo," sabi niya.
"Ano?!" sigaw ko pa rin. "Sandali nga lang! Nanaginip lang ako kanina na naglalaban pa nga tayo tapos biglang nandito ka ngayon sa harap ko?! Anong nangyayari?! Nanaginip pa rin ba ako?!"
"Magpalit ka muna," tipid niyang sagot.
Sa sagot niya, tuluyan na atang nawala ang pasensya ko. "Baliw ka ba?! Nagtatanong ako dito ganyan sagot mo?! Ganyan ka ba talaga KAMANHID?!"
Nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napayuko ng ulo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero bigla siyang napaligiran ng itim na aura.
Inangat niya ang kanyang ulo at binigyan ako ng seryosong tingin. "Sabing mamaya" nakakatakot niyang saad.
Hindi ko alam kung bakit pero nanginig ako dahil sa ginawa niya. Sabay kinuha ko agad ang damit at boots na inabot niya.
"O-okay. Ito na. Pupunta na ako sa CR" at agad akong tumakbo sa CR para magpalit.
Siya na ata ang pinakaweird na lalaking nakilala ko: manhid at nakakatakot at hindi ko maintindihan. Pero kaysa problemahin natin ang lalaking iyan... nasaan na ba ako?! Anong lugar ba ito?!

BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
Lãng mạnShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...