Dance with my Father

114 7 1
                                    

Chapter 17

Nanigas ako sa kinakatayuan ko dahil sa nakikita ko ngayon. Nasa harap ko si King Gabi na nakaupo sa sahig at nakasandal ang half body sa pader na puno ng dugo ang kanyang katawan. Bigla na lang bumuo ang mga luha sa aking mga mata.

"Ya-ni... it's... it's al-right," paputol-putol niyang sabi.

Hindi ako nakaimik. Pagnakikita ko ang dugo, naalala ko ang mga nagawa ko nung bata pa ako. Napatakip ako ng bibig sabay na ring nahulog ang mga luha sa aking mata.

"Ya-ni... please... don't... cr-cry..."

Humikbi lang ako. "...it... makes... me... sad"

"What... happened?" tanong ko habang humihikbi.

"...a... long...story," paputol-putol niyang sagot.

Akala ko hindi na ako muling iiyak pagkatapos ng nangyari kanina pero meron pa palang parating. Sandali, namamatay na siya, wala man lang akong gagawin.

"Oh God. I'm so sorry King Gabi. I'll just call for help or maybe I'll just call your sons instead" sabay punas ng luha at lalabas na sana ng kwarto nang,

"NO YA-NI!" mariin niyang saad sa natitira niyang lakas. "Pl-please... don't... call... anyone," pagmamakaawa niya sa akin.

Napalingon ako sa kanya ng di oras dahil doon. "Bu-but you need some help... and they can help you."

"It's okay... my... time... is up."

"No!" hinarap ko siya. "Please don't say that. You have to live."

"Please Yani... don't call them..."

Tinignan ko siya ng mabuti bago ako sumagot. "No. I have to do this" matigas na ulo kong sabi sa kanya sabay tumingin sa buong paligid makakita lang ng paraan para matawagan sila agad-agad.

"Yani... please..."

Hindi ko siya pinansin. Kailangan niya ng tulong. Pag hindi ako nakagawa ng paraan matulungan siya, para na ring ako mismo ang pumatay sa kanya. Pumunta ako sa lamesa niya at may nakita akong papel. Titignan ko na sana kung ano ang nakasulat nang magsalita siya,

"Yani... if you... call them... I'll state... in my last... testament... that... you killed me."

Napatigil ako at nagulat sa sinabi niya. Tinignan ko siya at binalikan niya lang ako ng tingin. Binalik ko ang tingin sa papel at nakita ang nakasulat sa taas na magandang cursive na "Last Testament". May mahabang mensahe pagkatapos nito at sa tingin ko, patapos na siya. May namuong luha sa mga mata ko muli.

"Why? Why are you doing this? Don't you wanna live?" paiyak kong mga tanong.

Hindi siya umimik kaya tinignan ko siya. Sobrang napaiyak ako sa nakita ko.

Nakangiti siya sa akin pabalik kahit puno ng dugo ang labi niya. Tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

"Why are you smiling?" umiiyak kong saad. "This nation needs you. You're the king and everyone looks up to you and... and I can't do anything to save you. If I don't do something they might think I killed you."

"I'm not... worthy... to be... this nation's... king," natitira niyang lakas na sagot.

"What? What are you talking about?"

"I'm not... like anyone... in this... nation... I'm just... a normal... human... you know that... right?"

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya. Kahit paputol-putol iyon, naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Nginitian niya na naman ako.

"Don't worry... I have chosen... a better ruler," sabi niya.

"Who?" tanong ko habang umiiyak pa rin.

Hindi niya ako sinagot imbis, "Yani... can you... do me... a favor?" tanong niya.

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon