Chapter 23
Pinanuod lang ni Kyrie si Prince Turuki makaalis hanggang sa mawala siya sa kanyang paningin. Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat kaya nagulat siya at napalingon sa akin.
"Yani," gulat niyang sabi.
"Tara na. Tapos na ang challenge," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Oh uhh sabi ko nga," sabay naglakad kami papasok.
Andito na sa baba ang lahat.
"Kyrie!" sabi ni Femme habang papalapit sa amin. "Kyrie, okay ka lang?" tanong niya agad.
"Okay? Oo naman. Bakit naman hindi?" sagot ni Kyrie.
"Like hello girl..." sabi ni Jessy. "...ang second challenge mo ay photography at alam na namin lahat na nandito ang deepest secret mo kaya paano ka magiging okay?"
Biglang kumunot ang noo niya nang sabihin yun ni Jessy. "Oo nga pala nuh. Kung hindi lang sumigaw si Yani kanina, sinira ko na ang mga camera sa lamesa," naiiritang saad ni Kyrie.
"Ah haha. Si Kyrie ka nga talaga," sabi ni Femme.
"Tapos yang Prince Turuki na yan, nagawa pa akong picturan! Kung hindi lang talaga siya prinsipe, naku sinira ko na yang camera niya mismo sa harap niya!" galit niyang saad pero napayuko din siya. "...saka may nasabi siya na minsan ko lang narinig," bulong niya sa sarili pero dahil sa katabi ko lang siya narinig ko. Napangiti ako. Para siyang may mood swings.
"Ano yun?" tanong ni Femme.
"Wala. Basta sa lahat ng prinsipe, siya ang pinaka nakakairita," sagot niya na lang at naunang umakyat pataas.
Sumunod naman kami at pagkaupo namin, sinabi na ang mga nanalo at third place lang si Kyrie.
"Pssh. Ang ganda na nga ng sinabi ko," reklamo ni Kyrie.
"Okay lang yan. At least kasama ka sa top 3," sabi ni Femme.
"Oo nga. Panalo ka pa rin," sabi ni Donna.
Napangiti si Kyrie. "Thanks guys," pero bigla ring kumunot na naman ang noo niya. "Kasalanan naman ng mahanging prinsipe na yan eh. Nag-pi-picture na nga ng walang paalam, hindi pa marunong mag-grado."
"Grabe hah girl. Kung makainsulto ka wagas tapos sa isang prinsipe pa. Hindi mo lang nasira ang camera niya eh," sabi ni Jessy.
"Yun na nga eh! Pinagbigyan ko pa kasi dahil prinsipe siya! Eish!" puno ng irita na saad ni Kyrie.
"Talagang pinagsisihan mo pa eh buti nga ganun kundi baka makagawa ka pa ng eksena. Pero infairness hah, hugot ang sinabi mo girl. Pakipot ka pa eh" sabi naman ni Jessy habang sinisiko si Kyrie.
"Ay sandali lang hah guys. Mukhang multo ata yung isa doon sa picture kanina kasi hangin lang siya," pagbibiro ni Kyrie.
Nawala ang nakakalokong ngiti ni Jessy. "Hmpf. Bitter naman nito. Nakakainis ka talaga mang-asar," sabay tumayo siya at naglakad paalis.
"Ay nagtampo," sabi ni Kyrie. "Hoy joke lang! Hindi ka mabiro! Friends naman talaga tayo!" sigaw niya.
"Baliw! Ako na ang susunod na challenger!" sigaw pabalik ni Jessy.
"Ah okay. Sabi ko nga," sabi naman ni Kyrie.
"Goodluck Jessy! Kaya mo yan!" sigaw naman ni Femme.
Pagkarating ni Jessy at lahat ng mga players sa field,
"Good morning ladies and gentlemen. Let's proceed to this year's Earth Challenge..." sabi ni Prince Edmondo at lahat nagsipalakpakan. "Looks like our challengers are ready so without further ado, let the challenge begin!"
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...