Maraming damit ang nakalatag sa kama ko pero nakatingin lang ako sa labas ng bintana ko habang nag-iisip. Ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat.
Knock, knock. Napalingon ako agad sa pinto. "Yes?"
Bumukas ang pinto at nagpakita si Aes. "Hi Yani," sabay nginitian niya ako.
Nginitian ko siya pabalik. "Hi Aes."
"So, are you ready?"
Napatingin muna ako sa loob ng kwarto at sa mga damit na nakalatag sa kama ko bago binalik ang tingin kay Aes. "I think so," sagot ko.
"Then let's go."
Naglakad kami sa hallway and we stopped in front of a door. Aes opened it at nasa loob ng kwarto si Donna, Jessy at Kyrie.
"Aes, you're here," ngiti ni Donna.
Aes smiled back to her. "Hello Donna. You look beautiful today."
Hindi nakaimik si Donna and just smiled back at him.
"Where is Yani?" tanong ni Kyrie.
"Oh she's here," sagot ni Aes sabay tumabi siya at nakita nila ako sabay pumasok ako.
"O yan na pala ang prinsesa natin," sabi ni Jessy.
"Aes, thank you for bringing her here," sabi naman ni Donna.
"No problem ladies," sabay sinara niya ang pinto.
"So Yani, ready for a make-up?" tanong ni Jessy.
"Hay malay. Hindi ko pa nasubukag maglagay ni minsan. Bahala na kayo hah. Basta siguraduhin niyo lang na hindi ako magiging clown," sagot ko naman.
"Naku kamahalan pag ikaw naging clown, sisihin mo lang si Jessy," sabi naman ni Kyrie.
"Oo na. Ako naman lagi eh." Jessy started putting make up on my face.
"Close mo eyes mo ulit," sabi ni Jessy sabay pinikit ko nga ang aking mga mata at nilagyan niya ulit ito ng make-up.
"Ayan. Ano sa tingin mo Kyrie?" tanong niya sa kanya na katabi niya lang sabay binuksan ko ang aking mga mata.
"Pangit," komento agad ni Kyrie.
"Pssh. Ang sama talaga ng babaeng ito," irap ni Jessy kay Kyrie. "Eh ikaw Donna, what do you think?" tanong naman ni Jessy kay Donna.
"Ang galing Jes. Sigurado akong babagay ang dress sa make-up niya" masayang sagot ni Donna.
"Thank you Donna. Buti ka pa, matinong kausap," ngiting sabi ni Jessy.
Knock, knock, "Pasok! Este come in," sabi ni Kyrie.
Bumukas ang pinto at nagpakita si Callie. "Tapos na ba kayo?" walang buhay na tanong ni Callie.
"Well sort of. Bakit?" sagot naman ni Jessy.
"Magsiayos na kayong tatlo dahil malapit na magsimula ang event," sagot naman ni Callie.
"Okay. Okay lang ba sayo Yani na iwanan ka muna namin?" tanong ni Donna.
"Oo naman. Bilisan niyo na baka ma-late pa kayo," sagot ko.
"Naku girl. Mabilis lang kaming mag-ayos," sabi ni Jessy.
"Nagsalita ang laging late sa mga parties," sabi naman ni Kyrie.
"Uy hindi lagi ah," sabay lumabas silang tatlo.
Ngayon ay April 1 na, isang linggo pagkatapos ng tradition at naghahanda kami para sa isang event.
Knock, knock. "Come in," sabi ko agad.
Bumukas ang pinto at nagpakita si Zoltar. "Good day princess," bati niya sa akin.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...