Metal Cabin

114 8 0
                                    

Chapter 12

YANI

Naririnig ko ang huni ng mga ibon sa labas ng aking bintana at kasabay nun ay tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Umaga na pala. Bumangon ako agad at dumiretso sa CR para maghanda pero pagkakita ko ng itsura ko sa salamin...

Itsura ko ngayon: puyat. Bakit nga ba ako napuyat at hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi?

"LOVE... is a warm feeling expressed by someone that can thaw a frozen heart..."

Iniling ko agad ang ulo ko. Ano ba Yani! Bakit ko ba iniisip yun? Pero bakit kasi nasabi niya yun? Masyadong malalim mga pre. Sinampal ko ang cheeks ko para magising. Yani, tumino-tino ka dahil may tour ka pa ngayon.

Pagkatapos kong mag-ayos, binuksan ko ang pinto at bumungad ang isang napakagwapong prinsipeng robot, you know who I mean. Ang angas ng dating niya. Nakasandal siya sa kaharap na pader ng pinto ko habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. Nakayuko rin siya habang nakapikit ang mga mata. Sandali, tulog ba siya?

"Uhm uhh good morning uhh..." Ano ulit pangalan niya? Inangat niya ulo niya at binuksan ang mga mata at binigyan ako ng ngiti.

"Oh Yani. Good Morning," bati niya pabalik. Shems. Ang gwapong robot niya talaga pero halata sa mukha niya na pagod siya. Siguro natutulog nga siya kanina.

"Uhm, are you okay?" tanong ko.

"Yes I am. Just a little sleepy," sagot niya sabay humikab pa siya.

"Uhm you slept late?"

"Yeah. Got a lot of work to do," at kinamot ang kanyang mata.

Hayaan mo pre. Parehas tayo. "Uhm you can rest for now if you want. We can move this tomorrow," sabi ko. Gusto ko ring matulog eh.

"No it's fine. My battery is about 3/4 full so I'll be okay"

"Oh..." Okay? 3/4 full, saan niya nakuha yun?

"So, you're good to go? You haven't forgotten anything?"

"Uhm yes uhh prince..."

Nginitian niya ako. "Aes is okay."

Ah, so Prince Aes ang metal robot na prinsipe. "Let's go," alok niya.

Naglakad kami palabas ng Main Cabin sa isang daan na gawa sa metal at tumigil din kami sa harap ng isang malaking metal door pero pagkatigil namin, at dahil nasa unahan si Prince Aes, may nag-scan sa kanya.

"Prince Aes, you have no broken screw or any broken machine in your body so you're good to go," salita ng isang boses na sa tingin ko ay nanggaling sa scanner.

Bumukas din agad ang metal door sabay pumasok si Prince Aes at papasok na rin sana ako pero nagsara ito agad.

Uh-oh. Parang de javu ang nangyayari sa akin. Pagkatapak ko sa entrance, ganun na nga, nag-scan siya at...

"I cannot recognize any metal or even a single screw on you which only means that you're not a metal person otherwise an intruder," salita ng scanner sabay naglabasan bigla ang mga iba't ibang baril sa paligid ko.

Sa gulat ko, at dahil first time ko ito, nanigas ako sa lugar ko dahil sa takot. Never ko pa naranasan matutukan ng baril, paano pa kaya pag more than 20 ang nakatutok sa iyo?!

Pero sa hindi ko inaasahang pangyayari, wala pa akong ginagawa, nagsitago agad ang mga baril kaya nagulat ako at isa pa, bumukas ang metal door at bumungad si Prince Aes.

"The prince permitted you to go in," sabi ng scanner.

"Sorry about that Yani," paumanhin ni Prince Aes. "I forgot to tell you about the strict security we have."

My Nation (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon