Chapter 11
Nakatayo pa rin ako rito sa labas at bahagyang prinoproseso ang nangyari kanina lang. So ano yun, uulan lang ng snow sa isang lugar pag masaya siya? Siguro nga kasi tumigil din nung umalis siya, pero ano namang ikakasaya niya?
Tumalikod na lang ako nang biglang may tumamang sinag ng araw sa aking mukha kaya hinarang ko ito ng aking kamay. Sandali. Winter, may sinag ng araw?
Naramdaman ko namang unti-unting uminit ang temperature ng paligid ko. Sandali ano ito, change of seasons? Hmm... kung tama ang nabasa ko, pagkatapos ng winter ay... spring, di ba? Spring na? Wow hah. First time kong makikita ang changing of seasons ngayon.
Dahil sa wala naman na akong gagawin dito, naglakad ako pabalik sa loob ng Main Cabin at habang naglalakad ako sa gubat, kita ko kung paano unti-unting natutunaw ang snow sa mga puno sabay nagsimulang tumubo naman ang mga dahon. Sa iba, may mga bulalak na namulaklak. Ganito pala ang pakiramdam. Ang ganda. Tinanggal ko pa ang coat ko dahil mainit naman na.
Bago ako dumiretso sa kwarto ko, pumunta muna ako sa opisina ni King Gabi. Hindi na ako nag-abalang kumatok at binuksan na lamang ang pinto. I know it's rude pero sandali lang naman na kakausapin ko siya pero pagkabukas ko palang ng pinto, pinagsisihan ko na hindi ako kumatok.
Napatingin agad si King Gabi sa akin at ang kanyang kasama at sa lahat ng pwedeng kasama niya ngayon sa opisina niya...
"Yani," sabi ni Prince Fuego at tumayo siya mula sa sofa.
Boogsh. Napalabas ako agad at sinara ang pinto. Shocking bells, andito si Prince Fuego, ang fire prince, ang lalaking muntikan na akong— ayaw ko nang ituloy! Anong ginagawa niya rito?!
Nakasandal ako sa pinto at nagulat ako ng sinusubukan niyang buksan ang pinto kaya hinila ko ito para hindi niya mabuksan.
"Yani, please listen to me. I need to explain what happened back in the Fire Cabin" sabi niya sa kabila ng pinto.
"Yo-you don't need to. I'm okay now so leave me alone," nauutal kong saad habang hinihila pa rin ang pinto.
"It's not what you think. I didn't mean for that to happen."
"Wha-what are you talking about?"
"Yani, please listen to—"
Bigla siyang tumahimik. Napatingin na lang ako sa pinto na puno ng pagtataka. Anong nangyari?
"Yani?"
Nagulat ako dahil iba na ang boses. "Ki-King Gabi?"
"Yes it's me dear," sagot niya. "If you can hear me, I have something to tell you."
Hindi ako nakaimik at muli nagtaka.
"Guess what... it's already spring," masaya niyang sabi.
Nagulat ako at hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon pagkatapos niyang sabihin yun. Ang saya niya hah.
"Yeah. I saw it" sabi ko na lang.
"Wonderful right?"
"It's amazing I guess."
"Dad, this is no time for jokes—"
"Oh and Yani," singit ni King Gabi. "Please don't block the door and come in my office. I always want someone to talk to. Don't worry, Fuego doesn't bite anymore."
Hindi ako umimik sa sinabi niya. Parang nagdududa pa rin ako.
"If ever he will, I will make sure to pour water on him."
Nagulat ako nang idagdag niya yun. Na-gets ko yun. Ayaw ng mga fire people sa tubig.
"What the— are you serious?" gulat namang tanong ni Prince Fuego.
BINABASA MO ANG
My Nation (Completed)
RomanceShe's just a teenager girl who wants to have a normal life pero mukhang pati siya mismo hindi siya normal. She thought life would be 'okay' kahit meron siyang kapanyarihan but living in her world, alam niyang hindi nababagay ang isang tulad niya. He...