Chapter 3

38 6 0
                                    

          Chapter 3

Cieron's Pov

"Kumusta pagkikita niyo kagabi ng mga kaibigan mo? Talaga na lasing ka pa. Buti na lang kasama mo ang pinsan mo. Ito inumin mo. Iinom kasi hindi kaya." Napatingin lang siya sa akin. Natawa ako sa itsura niya. Nakasimangot kasi siya.

"May nakakatawa ba?"

"Wala ang cute mo kasi. Hindi ka ba papasok sa work mo?" Tiningnan niya lang ako.

"Oh siya! Kakausapin ko si Jc na hindi ka papasok."

"Papasok ako. Tangina ayaw ko ipagkatiwala JJNL construction company." Isa rin ito kung bakit kami bumalik sa paraiso. Nagtayo kasi sila ng business ng magkakaibigan dito sa brgy paraiso sa partnership ng J and C Construction Company ng pag-aari ng parent niya na ngayon tinanggap na rin siya sa buhay niya. Masaya ako nakikita ko masaya si Bee at ngayon malapit na siya sa magulang niya samantala ako hanggang tanaw lang sa kanila sa malayo.

"Kaya mo ba bee." Tumango lang siya.

"Oh siya Bee, mauna na ako sa'yo."

"Aalis ka?" Tumango rin ako. Wala naman, kasi ako lakad. Bigla ko na lang namiss ang family ko. Gusto ko silang puntahan makita ko man lang sila. Nagpaalam na ako kay Bee. Isang sakay lang sa amin. Nag-abang ako ng tricycle. Kaba at takot ang naramdaman ko, habang palapit na palapit ako sa amin. Nakatanaw ako sa kanila, pero hindi ko magawa ihakbang ang mga paa ko. Masaya ang mama ko habang nagdidilig siya ng mga bulaklak hanggang ngayon kinakausap pa rin niya mga bulaklak. Ang tagal ko nakatanaw sa kanila si Ate Charlene ang sipag pa rin niya. Wala pa rin kupas ang kasipagan ng ate ko. Siya lang naman naglilinis sa bakuran habang si Charry at Chien mukha papasok na sila. Si Charry bilib ako sa kan'ya isa na siyang engineer. Kahit wala akong update sa kanila pero hindi ko magawa stalked sa social media proud ako sa bawat achieve nila. Si Chien naman ay graduating na sa kursong Hotel Restaurant Management, hindi na ako nagtataka hilig naman talaga ni Chien ang magluto. Bigla ako nakaramdam ng pangangalay napatayo ako ng maayos. Nang hindi ko na matanaw ang pamilya nag-decide na ako umalis. Hindi ko alam kung saan ako pumunta. Isa lang nasa isip ko. Ang best friend ko na matagal ko ng hindi nakikita. Lumakad na ako. Malapit lang kasi ang bahay ng best friend ko. Tatlo bahay lang pagitan namin. Nag-Doorbell ako. Nakailang doorbell na ako ng hindi man lang lumabas. Tumalikod na ako. Natulala ako ng makita ko ang best friend ko. Ang ganda na, kasi ng best friend, hindi ko akalain ang pagbabago niya. Siya kasi iyong taong ayaw na ayaw siya inaayusan tanging pulbo lang masaya na siya at ayaw na ayaw niya na maikli ng damit lalo na kung sando siya. Ang haba kasi ng t-shirt niya ngayon ibang iba na siya.

"Ikaw na ba iyan bessy." Sabay yakap ko sa kan'ya. Nakasimangot siya nakaharap sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" Natawa ako sa sinabi ni Krizzy.

"Anong tanong iyan, alam mo naman di ba!"

"Eh bakit naman kasi sumama ka pa. Andito naman ako." Nakakunot noo ako sinabi ni Krizzy.

"Ah?" Sabi ko sa kan'ya. Ang loka-loka tinawanan niya lang ako. Anong trip nito wala naman nakakatawa.

"Ang seryoso mo naman. Anyway, nagkita na ba kayo ng family mo." Nanahimik ako sinabi ni Krizzy.

"Ok! Sorry, akala ko kasi pinuntahan mo family mo. Nandito ka kasi."

"Pinuntahan ko, pero naduwag ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Galit sila sa akin. Kilala ko mama ko hindi ako susuyuin kapag hindi ako ang kusa humingi ng tawad sa kan'ya."

"Mali naman kasi ang ginawa mo. Nagtanan ka tapos sumama ka sa kan'ya. Alam mo hindi ko akalain na aabot sa ganito kayo ng family mo. Naiingit nga ako sa saya ng family mo tapos tinalikuran mo lang sila."

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon