Chapter 16

22 4 0
                                    

Chapter 16

Ja' s Pov

Maaga akong nagising pero hindi ko na nasilayan si Cie. Natampal ko na lang ang ulo ko. Bakit ganito na lang ang set up namin dalawa. Kulang na lang hindi kami magkakilala. Hindi ko alam kung ano na matatawag sa relasyon namin dalawa. Pakiramdam ko na unti-unti na nawawala ang pagtingin ni Cie sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kaniya. Nong gabi umuwi ako. Gusto ko lapitan si Cie pero naduwag ako na parang nanghina ako ng makita kong umiiyak si Cie. Hindi ko siya nagawang lapitan ay dahil ayaw niya  nakikita ko siyang umiiyak. Bumaba na ako ng makaramdam na ako ng gutom at may tatapusin rin ako ngayon araw ay dahil malapit na matapos ang aking muntik bahay na gusto kong puntahan ngayon araw.

"Oh! Gising ka na?" Napalingon ako kay Jc na bagong ligo ang loko. Dito ba ito natulog? Napalapit pa siya sa sakin.

"Oh! Siya kumain na raw tayo sabi ni Cie. Maaga nagluto para pagsilbihan ka."

"Nasaan si Cie?" sabi ko na lang sa kaniya.

"Umalis, walang sinabi. Hindi ba saiyo nagpaalam?" Hindi na lang ako nagsalita. Napaupo na lang ako. Tsaka napatitig na lang ako sa nakalapag sa lamesa. Ang dami
ni Cie niluto. Tsaka ako kumuha para kumain.

"Hindi ka man lang nagyaya." Sabay upo ni Jc

"Teka nga! Bakit nandito ka ang aga pa ah! Tsaka nandito ka ba naligo basang-basa ang ulo mo."

"Obvious ba! Kita mo nagpapatuyo ako."

"What! Ano sabi mo?"

"Problema mo hoy! Dati naman dito ako natutulog. Pagalitan mo kapatid ko. Hindi kasi ako pinagbuksan."

"So! Dito ka natulog. Sino nagbukas saiyo?"

"Sarili ko." Tumawa pa ang loko.

"Gago ka. Nilock mo ba maayos."

"Hoy! Relax lang. Ipapahamak ko ba kayo. Syempre, hindi!"

"Gago ka Jc. 'Wag mo kami idamay diyan sa kalokohan mo. Isusumbong kita kay Bea kita mo."

"Isa pa iyong, hindi ko na maagilap simula ng magkatrabaho."  Napatingin ako kay Jc. Ibig sabihin hindi lang ako nakaramdam ng kakaiba ng ganito. Ganoon ba talaga kahirap ang mag-usap at kumustahin ang isa't-isa. Napatingin si  Jc sa akin. Nakasalubong kasi ang kilay ko.

"Bakit?"

" Ganoon ba talaga?" Napakunot noo siya hinarap ako.

"Ah?"

"I mean ganoon ba talaga kahirap ang walang komunikasyon sa isa't-isa. Dahil ba wala ng oras o dahil iniiwasan na mag-usap man lang." Tinawanan ako ni Jc. Seryoso ako tapos ang loko nakangiti lang siya.

"Kaya ba ganyan ang mukha mo. Kung tinatanong mo ako kung ganoon kahirap ang isang relasyon. Well, magiging honest ako. Mahirap na proud ako. Mahirap kasi nawalan na kayong oras sa isa't-isa. Iyong oras na magkasama kayo. Iyong oras na siya lang ang kausap mo. Iyong nasanay ka na rin siya saiyo.  Pero proud ako dahil nakuha na niya ang matagal na niyang pangarap. Pangarap na maging isang sikat na model. Pero may pangamba pa rin ako. Alam mo, na sikat na. Pero mahal eh! Kaya anong gawin niya tanggap ko. May tiwala ako sa kaniya." Napaisip ako sa huli na sinabi ni Jc. May silbi rin isang 'to. Hindi ko akalain na magseseryoso si Bea kay Jc na alam naman niya na ubot ng gulo ang isang 'to. Nagulat nga ako na sila rin nagkatuluyan. Na si Bea na iba ang pananaw niya sa pagdating sa usapin love, siguro nakulitan sa kalokohan ni Jc.

"Kumain ka na nga. Ang dami ko sinabi." Ipinagpatuloy ko ang kinakain ko. Habang si Jc busy na rin sa kinakain niya ng matapos na si Jc. Nauna pa siyang umalis kadahilan may gagawin pa raw siya. Hindi na ako nagtanong. Niligpit ko na rin ang kinainan namin. Nang maayos na at wala ng gulo sa kusina. Umalis na rin ako. Pumunta ako sa barangay paraiso. Hindi ko na pinansin si Tres na busy rin sa kaniyang ginagawa.  Lumabas ako upang bisitahin ang aming muntik bahay.

"Ang ganda noh!" Napalingon ako sa katabi ko habang nakatitig sa bahay na pinagawa ko.

"Ganyan din ang ipapatayo kong bahay." Napalingon ako sa sinabi ni Leck. Seryoso ba siya. Oh! Umiral na naman ang kayabangan nito.

"Seryoso ako. Gusto ko rin katulad niyan saiyo. Diyan ako magpapatayo sa may bakante lote
Oh diba magkapit-bahay tayo."

"Seryoso ka!" sabi ko na lang sa kaniya. May napansin nga ako. Iyong katabi lote namin mukha malinis na nga.

"Oo! Mukha ba ako nagsisinungaling. Isa pa napagkasunduan namin na magkakatabi tayo. Para naman kapag may kailangan anytime  nandiyan agad."

"What? Seryoso kayo! Kailan pa kayo nagdesisyon nito." Nag iba ang timpla ng mukha ni Leck. Tsaka niya ako tinawanan.

"See! Dahil diyan sa love na iyan nakalimutan mo kami. Kaya ang sarap mo sapakin. Iba ka kasi tamaan ng love. Ang tanong magkakatuluyan ba kayo?"

"Problema mo?" Galit ko sabi sa kaniya.

"See! Ganyan ka. Napipikon ka sa tuwing binibigkas iyan mahal mo."

"Gago ka ba? Sa tingin mo hindi nakakapikon. Ang hirap saiyo ang hilig mo mag-iba ng usapan. Wala ginawa saiyo iyong tao pilit mo sinisiraan."

"Relax lang. 'Wag na ng highblood isa pa sinusubukan lang kita. Oh! Nga pala may opening sa teen bar mamaya. Alam mo na si Jary  may bagong pakulo. Nga pala iyong sinabi ko saiyo kanina. 'Wag mo sabihin sa kanila na alam mo na. Ewan ko sa trip ni Jc na ayaw sabihin saiyo. Iyong kaharap ng lote mo. Tingnan mo?" Napatingin nga ako.

"Anong meron?"

"Diyan lamang ang pinsan mo. Kaya kami wala nitong nakaraan ay dahil sa nakipagdeal kami sa may-ari nito. Buti na lang sumang-ayon. Gagi ang hirap kumbisihin tapos nagpadagdag pa."

"So! Ang ibig mo sabihin diyan kayo busy nitong nakaraan buwan." Tumango na lang si Leck.

"So! Ano meron sa teen bar?"

"Nakikinig ka ba? Si Jary may bagong ipakilala."

"Si Jary?" Pag-uulit ko.

"Oo! 'Wag ka ng magulat. Next time 'wag masyado busy o sa ibang bagay lang nakatutok. Oh! Siya alis na ako." Sabay talikod niya sa akin.

Ako naman napatingin sa mga sinabi ni Leck. Kaya naman pala malinis ay dahil may pakulo mga ito. Sumakit ang ulo sa mga sinabi ni Leck. Ang dami ko nga pala hindi alam sa kanila. Bumalik ako sa loob ng aking opisina. Nakasalubong ko si Tres mukhang pauwi na siya.  Tumango lang ako sa kaniya. Tsaka tinalikuran ko si Tres mahirap na magdada si Tres. Nang makarating ako sa aking Chair. Hinulot ko ang aking ulo tsaka ako napasandal at unting-unti ko pinikit ang aking mga mata.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon