Chapter 25

26 5 0
                                    

       Chapter 25

Cieron's Pov

"Hindi ka ba magkukuwento sa amin ni Shawn?" Tiningnan ko lang sila. Ginising nila ako para lang makimarites sila.

"Anong ikukuwento ko. Teka nga niyaya niyo ako mamasyal para usisain ako."

"Hindi! Niyaya ka namin ni Shawn kasi puro ka na lang work, work, work. Minsan hindi mo na naisip na magsaya."

"Krizzy kahit naman iyan magwork may taga hatid sundo naman."

"Tigilan niyo ako ah! Kung alam ko lang hindi na sana ako sumama sainyo magpicnic.  Dapat kasi kayo dalawa ang nagpipicnic hindi iyong isasama niyo pa ako. Anong balita sainyo dalawa? May status na ba?" Ngumiti ang dalawa. Natulala ako sa akin natuklasan magkahawak kamay kasi ang dalawa.

"Omg! Talaga totoo ba ito! Na kita ko." Para akong bata na labis akong namangha sa nakita ko. Totoo na ito sila na talaga.

"Oo! Kaya ka namin ni yaya ni Shawn para ibalita saiyo."

"Kailan pa?"

"Actually mag-iisang buwan na kami ngayon araw."

"Oh! Talaga. Happy monsary sainyo." Sabay ko sila niyakap.

"Masaya ako para sainyo. Noon  pa man alam ko na may feeling kayo sa isa't-isa. Kaya lang iniwan tayo ni Shawn.

"Tumpak, kaya nga naiinis ako sa pag-alis niya tapos hindi man lang tayo kumustahin kung hindi pa tayong dalawa magpapansin sa mga post niya hindi pa tayo mareplyan."

"Paano nakakainis kayong dalawa. Palagi niyo ako binibuwisit. Kita niyo may pinopormahan ako tapos sisirahin niyo lang dalawa."

"Alam mo Shawn nagselos nga iyan noon may pinost ka kasama nong girl. Kaya todo lait siya saiyo."

"Eh! Manhid kasi isa diyan." Natawa kami sa sinabi ni Krizzy.

"Kumain na tayo nagugutom ako. Ano ba dala niyo?"  Tsaka nilapag nila dalang pagkain.  May barbecue, spaghetti, fried chicken softdrink at may malaking chitsirya sila dala-dala. Nandito kami sa isla na walang naninirahan kung kaya't malaya kami nakakapunta rito ng mga kaibigan ko. Bata pa lang nadiskubre na namin ito. Halos dito kami maghapon na katambay o kaya't naman naliligo. 

"Parang ang sarap maligo." Sabay-sabay namin bigkas. Ito bagay ang nagustuhan namin tatlo. Minsan kasi pare-pareho ang laman ng utak namin.

"Tara simulan na natin." Sigaw ni Shawn. Patayo na kami nang bigla naalala ko.

"Teka lang may dala ba kayong pamalit?"

"Oo, girl scout kaya ito." Sabay bigay ni Krizzy sa akin na pamalit ko.  Sa huli na ligo na kaming tatlo para kaming bata nag-aaliw aliw.

"Sana bata na lang tayo. Na walang problema." Nakatingin sila sa akin.

"Bakit Cie, hanggang ngayon nagdududa ka pa rin ba sa pagmamahal saiyo ni Ja?"

"Hindi naman sa nagdududa ako, ako ang may mali. Paano nga kung iwan niya ako sa hindi sinasadya."

"Cie,  hindi ka niya iiwan. Cie kung ano man ang nasabi namin saiyo noon, dala lang na labis namin magmamahal saiyo. Pero magkamali kami sa paghusga kay Ja. Mahal ka ng tao. Mahal na mahal ka."

"Oo Cie, mahal ka ni Ja. Biruin mo hindi nawawala ang pagmamahal niya saiyo."

"Pero ayaw ko na siya saktan."

"Hindi mo naman siya sasaktan." Napaakbay na lang si Shawn sa akin.

"Dapat ba sagutin ko na si Bee?"

"Oo! Papatagalin mo pa ba?"

"Sige pero tulungan niyo ako."

"Anong tulong? 'Wag mo sabihin ikaw magpropose?" Paninita ni Shawn sa amin.

"Anong mali doon Shawn."

"Naririnig mo ba sarili mo?"

"Ito na naman si Shawn. Hindi ko alam kung may sinaunang panahon ka ba?" Naguluhan ako sa sinabi ni Krizzy. Anong sinaunang panahon sinasabi niya.

"Kahit na. Kahit na sa millenial world na tayo hindi ibig sabihin makipagsabayan na kayo. Hindi porke't hinahayaan na ng lahat na puwede na mangligaw ang babae. Ganoon-ganoon na lang."

"Ito naman hindi na mabiro. Oh! Siya Bessy ano iyong maiitulong namin saiyo. Magbago pa isip nito isa."

"Ganito iyon. Gusto ko may action sana."

"Ah!"

"Patapusin mo muna kaya ako."

"Gagi! Anong action sinasabi mo?"

"Sabi na kasi makinig. Paulit-ulit." Hindi ko napigilan tarayan si Krizzy. Ang kulit kasi.

"Ganito iyon. Kaya sinabi ko na action. Kikidnappin niyo si Bee."

"What! Sa lakas ni Ja."

"Syempre kasama natin sa plano ang mga kaibigan niya. Ano game kayo?"

"Ako game na game. Pero dahil sa may action. Hayaan niyo muna ako makaganti sa kalokohan ni Ja saiyo noon." Napatingin ako kay Shawn na napasuntok pa siya sa kawalan.

"Sabi ko kidnap walang pisikalan."

"Hayaan muna Bessy. Isa pa hindi magiging epektive ang kidnap kung hindi makatotohan. May naisip ako." Sabay tawa ni Krizzy.
Hindi ko gusto sa utak nito. Mukhang may binabalak. Napabulong pa nga siya kay Shawn tapos nag-apir pa ang dalawa. Parang mali na sila ang sinabihan ko.

"Game na kami diyan." Sa huli tumango na lang ako. Hindi ko na inalam ang binabalak nitong dalawa.

"Tara na uwi na tayo." Niligpit ko na ang kinainan namin. Iyong dalawa kasi nagharutan na mukhang hindi nila ako pinapansin.

"Hoy! Natapos na ako lahat-lahat. Wala ba kayo balak umuwi. May work pa tayo bukas.

"Work agad. Pahinga muna tayo ng 1 week di ba paplanuhin pa natin ang pagkunwari." Tinawanan lang ako ni Krizzy. Tinalikuran ko na lang sila. Sa huli nakasunod ang dalawa. Sumakay na ako sa likod ng kotse ni Shawn. Habang ang dalawa nasa unahan. Ang sweet nilang titingnan.  Tahimik lang ako pinagmasdan ang dalawa hanggang sa nakauwi na kami. Nagpaalam na ako sa kanila. Hindi ko na hinintay pa magsalita ang dalawa. Tinalikuran ko na lang sila. Pumasok na ako ng wala ako napansin na kahit isa sa kanila. Nasaan mga tao rito? Hindi ko na hinanap mga kasama ko. Baka namasyal lang mga iyon kasama ng mga bata. Napatingin ako sa relo ko alas siete ng gabi. Sabay maaga pa naman baka sinulit ang bonding nila. Dumeretso na ako sa aking kuwarto. Nadapa ako bigla sa aking kama tsaka ko naramdaman ang pagod. Biruin mo 30 mins kami naglakad papunta sa isla tapos marami pa kami ginawa sa maghapon ng doon na maligo kami na parang bata. Naglaro kami sa buhangin. Kaya ramdam ko ang pagod ko. Naipikit ko mga mata ko tsaka natulog na ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon