Chapter 4
Cieron's Pov
"Hoy ang aga-aga para matulog ka." Napabangon ako na kahit na matagal ko na hindi naririnig ang boses nitong mokong na 'to. Hindi ko pa rin makakalimutan ang tawa ng loko. Napa Seryoso lang ako nakatingin sa kan'ya.
"Oh! Bakit nakasimangot ka."
"Kahit kailan panira ka pa rin, kita mo natutulog ako." Tanging tawa lang sinagot niya sa akin. Tumayo ako iniwan ko siya. May toyo isang 'to. Napipikon ka sa bawat tawa niya. Ganyan na ganyan siya, kapag gusto niya kami asarin. Nasanay na lang kami sa kan'ya na kahit sa tagal ng panahon ng nawala siya sa amin, hindi pa rin namin makakalimutan ang bawat isa.
"Oh! Bakit ganyan ang mukha mo. Mukha hindi maganda ang gising mo." Lumapit sa amin si bessy.
"Eh! Paano ginising ko. Nagsasalita kasi mag-isa. Sino ba iyong sa panaginip mo?"
"Pinagsasabi mo?"
"Oh siya, kumain na tayo. Namiss ko ito. Ang tagal kasi matulog ng isang ito. Gutom na ako."
"Anong oras na ba?" Sabay pa nila pakita sa akin ang cp nila. 8:30 na ibig sabihin matagal akong nakatulog. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos. Naglasing ba naman si Bee at hindi ako makatulog. Naawa naman ako sa kan'ya maya't-maya kasi nagsusuka at ako pa ginawa pa niyang nagalinis. Hindi ko na sila pinansin naupo na ako kung saan may nakahanda na pagkain na kami nag-luto ni Bessy.
"Wait, may nakalimutan ako." Tiningnan ko lang si Shawn lumabas kasi ang luko.
"Kinukulit ka pa rin ng best buddy mo."
"Oo, ginawa lang niya kiniliti ang ilong ko."
"Yaks kadiri."
"Anong kadiri." Paglingon ko may dala na siya lechon baboy. Nakasimangot ako nakaharap sa kan'ya. Mauubos ba namin ito. Apat lang kami kakain.
"Anong meron, ba't bumili ka?"
"Iinom tayo magdamag. Babawi sa 5 taon na wala ka." Tawang-tawa lang si Bessy sa amin.
"Anong babawi gago ka. Iniwan mo kami ni Krissy. 10 taon na wala ka. Na wala kami balita buhat sa'yo. Nauso na kaya ang UB. Tapos ikaw dedma lang." Tanging tawa lang ginawa niya sa amin. UB, means ultimate barkada na kung saan kaming tatlo lang magkasama sa isang grupo chat na ginawa ni Krizzy upang magkaroon kami kumonikasyon sa isa't-isa.
"Pasensiya na, alam niyo naman ang dahilan."
"Naano ayaw mo sa amin?" Pagbabara ni Krizzy sa kan'ya. Napatingin na lang ako kay Shawn na siya naman ang tahimik ngayon.. Nagkatinginan kami ni Krizzy. Mukha may problema isang ito. Mamaya ko na siya kakausapin kapag lasing na ito. Ganito kasi ito kapag lasing ang daldal. Kumain muna kami bago kami umiinom.
"Wala pa ba pinsan mo?" Napatingin si Krizzy sa akin.
"Mamaya pa iyon. Bakit ba tinatanong mo, crush mo?"
"Oh! Nagbago na isip mo?" seryoso sabi ni Shawn na nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya. Napa Seryoso ako nakatingin sa kan'ya.
"Bata pa lang alam ko na ang galawan mo. Kaya 'wag ka na magtaka kung alam ko. Pilatik pa lang nang kamay mo. Alam ko na kung sino ka."
"Alam mo?" Taka kong tanong sa kan'ya.
"Oo, bakit iniiexpect mo ba na kapag nalaman ko tatalikuran kita. Kung iniisip mo bagay na iyan. Hindi! Hindi kita tatalikuran base sa ano at sino ka. Cieron, minahal ka namin sino at ano ka ay dahil sa napakabait mong tao at deserve naman na suklian ka at hindi para husgahan ang base sa ano ka. Cieron, alam ko pinagdaanan mo. Mahirap para saiyo maintindihan ng mga tao sa paligid mo. At iyon ay iparamdam mo sa kanila kung sino ka talaga. Alam mo darating ang araw magkaayos rin kayo. Naiintindihan kita ay dahil nagmahal ka lang at hindi mo ginusto ang lahat ng ito. Pero naunawaan ko naman ang hinaing ng magulang mo saiyo. Gusto lang nila para sa kabutihan mo. Natatakot lang sila para saiyo. Paano kung nasaktan ka lang? Paano kung iwan ka sa huli at sumama sa iba?"
"Gagi lasing na siya, oh!" Ang daldal na niya. Nakaakbay pa sa akin si Krizzy. Mukhang lasing na rin isang ito.
"Hindi pa ako lasing. Basta kapag niloko ka, tawagan mo lang ako babasagin ko ang pagmumukha niya.
"Hindi mangyayari iyon ang bait ni Ja hindi niya ako iiwan. Isa lang agad ko Someday matanggap rin kami ng family ko. Someday ipapaunawa ko sa kanila na kahit ganito lang ako, karapat dapat naman akong mahalin. Hindi porket iba ang minamahal wala na karapatang lumigaya sa taong mahal. Someday, na sana matanggap na ako at ng mga taong sa paligid ko at maunawaan nila na kasama rin kami sa mundong ito. Oo inaamin ko, mali ang magmahal ng same gender iyon ay nakasaad sa mundo natin kinabibilangan pero tao lang kami nagkakamali. Tao lang kami na iba ang pananaw sa mundong ito pero hindi namin sinasadya maging iba kami sa inyo. Na magkagusto sa same gender iyon ang bagay na labis namin inahin na sana magbago na ang lahat. Na sana someday maging pantay ang lahat.
"Sana nga Cie, iyan someday mo matupad. Iyon isa nating kasama. Gagi nakatulog na."
"Tulungan mo ako. Ayusin natin loko ito." Hinalalayan nga namin si Shawn.
"Saan tayo?" sabi ko sa kan'ya.
"Sa kuwarto ko. Baka kasi sukahan niyo, mahirap na. Mapagalit pa ako ni Kuya Klent." Hindi na ako nakikipagtalo. Kilala ko si Klent ang arte daig pa babae. Hanggang sa nadala na nga namin, si Shawn.
"Gagi ang bigat ng gago." Nginitian lang ako ni Krizzy hanggang sa nagpaalam na siya at maglilinis pa raw siya. Pagkaaalis ni Krizzy. Napaupo ako sa tabi ni Shawn pinagmasdan ko ang kaibigan ko. Sa tagal na hindi ko siya nakita ang dami na nagbago. Pero isang bagay na nag-tagos sa puso ko ng sabihin niya kataga na kahit ganito ako minahal niya ako at tinanggap bilang ako.
"Salamat," mahina ko sabi sa kan'ya. Kahit na tulog na ang loko. Tumayo na ako nakaramdam na ng hilo. Nagcr muna ako at naghilamos atsaka ako bumalik. Sa sopa ako natulog baka sabihin nito na sinasamantala ko siya. Iba rin ang trip nito minsan. Iyon napipikon ka sa kan'ya hanggang sa ikaw ang sumuko samantala siya tawang-tawa lang nakatingin saiyo. Humiga na ako sa sopa pinikit ko na mga mata ko at natulog na rin.
![](https://img.wattpad.com/cover/269277755-288-k794658.jpg)
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...