Chapter 20

26 6 0
                                    

            Chapter 20

Cieron's Pov

2 years................

Dalawang taon namuhay ako na hindi ko kasama si Bee. Ngayon masaya ako nakabalik sa family ko.

"Kuya Cie, este Ate Cie." Natawa na lang ako napaharap kay Chien. Habang dalawa kong kapatid nakangiti rin sa amin ni Chien.

"Kung saan masaya kayong tawagin ako, ayos lang sa akin."

"Kumain na tayo." Sigaw sa amin ni mommy. Napalapit na lang kaming apat na magkakapatid. Kumain na kami na walang nagsasalita ganito sa amin. Hindi ka puwede magsalita hangga't nasa hapag kainan ka. Matapos ko kumain tumayo na ako at nagpaalam sa kanila.

"Saan ka pupunta?" Puna sa akin ni Ate Charlene.

"May lakad kasi kami ngayon ng mga kaibigan ko."

"Lakad?" Pag-uulit ni Chien.

"Magkikita kasi kami ng batchmate ko noong highschool." Lahat sila nakatingin sa akin ng seryoso. Nagtaka ako sa kanilang reaksyon.

"Lahat ba?" sabi ni daddy. Napatingin ako kay daddy. Bihira lang kasi siya magsalita.

"Hindi  po. Ang alam ko lang po kami-kami lang nandito na palapit na lugar. Iyong ibang malalayo hindi ko na alam tsaka birthday kasi ni Cha kaya kami po nayaya."

"Oh siya mag-ingat ka. 'Wag masyado magpakalasing ah!" Tumango na lang ako sa daddy ko. Hanggang ngayon pinoprotektahan  pa rin nila  ako.
Nagpaalam na ako sa kanila. Umalis na ako. Hindi ko na hinintay si Krizzy, alam ko naman na magkasama sila ni Shawn na ayaw ko naman guluhin ang kanilang namumuo love life. Nangmakarating na ako sa event ng aking kaklase. Namangha ako sa ganda ng lugar. Ewan ko ba bakit sa dinami rami ng lugar dito pa sa lugar na malapit sa puso ko.

"Good evening ma'am!" Nagulat ako kay manong guard bigla-bigla na lang nagsalita.

"Nakakagulat ka naman po." Nginitian niya lang ako tsaka niya ako hiningian ng invitation. Oo nga pala! Sa kakamadali ko nakalimutan ko ang invitation. Bigla ako kinabahan hindi ko alam kung nasaan ko nilagay ang invitation.  Hindi ako nagpahalata. Hinanap ko sa aking shoulder bag ang invitation ko. Nilabas ko na isa-isa ang lagay sa aking shoulder bag. Wala akong nakita. Tsaka ko binalik na kakalat sa sahig mga gamit ko na lips stick, pulbo, suklay tsaka cp ko. Hindi naman ako naglalagay na kahit na ano sa shoulder bag ko. Ito lang mahahalaga sa akin. Napatingin ulit ako kay Manong guard nakatingin din siya sa akin. Mukhang nahalata niya ako.

"Pasensiya na Miss, maingat ang habilin sa akin na hindi ako magpapasok na walang invitation. Para lang kasi ito sa mga importante tao."

"Ano po kasi Manong malayo pa uwian ko. Tsaka kilala ko ang may birthday diyan."

"Pasensiya na miss. Ito po kasi ang utos." Hindi na lang ako nakipagkulitan kay manong. Patalikod na ako ng may nagsalita. Ang seryoso ng pagkasabi niya. Kilala ko boses na ito. Kahit na wala akong balita buhat sa kanila. Daan-daan ako napalingon. Nagulat ako nakatingin siya sa akin. Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko.

"Sir, ikaw po pala iyan." Magalang na sabi ni Manang. Tumango lang si Jary kay manong.

"Tara na. Magsisimula na ang event." Naistatwa ako makita siya.

"Hoy!" Pinitik pa niya ang ilong ko. Mahilig siya pumitik sa ilong na hanggang ngayon iyon pa rin ginagawa niya.

"Di ba! Diyan ang punta mo?" Sabay hila ni Jary sa akin. Napasunod na lang ako sa kaniya hanggang nasa loob na kami. Ang daming bumati sa amin. Nilibot ko mga mata ko, hindi ko makita si Krizzy. Ang sabi niya maaga siya sinundo ni Shawn.

"Mas lalo ka gumaganda." Napalingon ako nakatingin kay Jary. Tinarayan ko na lang siya.

"Wala ka bang sasabihin. Hindi ka man lang magpasalamat sa akin. Niligtas kita kay manong." Oo nga pala ang bilis niya na pa oo si manong samantala ako ilang beses ako nakiusap kay manong hindi ako pinagbigyan pero ito si Jary isang sabi lang sumang-ayon si manong. Mukhang may favoritism si manong ah!

"Wala ka bang kasama?" Ewan! Bakit  iyon ang nasabi ko. Tinawanan niya ako.

"Bakit may iniexpect ka na ba kasama ko." Hindi na lang ulit ako nagsalita.

"Tinatawag ka oh!" sabi ko sa kaniya. Alibi ko lang iyon para umalis na siya sa tabi ko. Simula ng magkasama kami hindi na siya umaalis.

"Sino?" sabi niya. Napaisip pa ako. Tsaka ko napalingon sa grupo nila brandon.

"Si Brandon tinatawag ka." Sabay turo na kung saan si Brandon.

"Hayaan mo na siya. Mamaya na lang ako makikipag-usap sa mga mokong na iyan. Isa pa wala kang kasama."

"Meron ako kasama?"

"Sino?" Tawang-tawa niya sabi.

"Si Krizzy, hahanapin ko sana siya kaso hindi ako makaalis kapag magkasama tayo."

"Hayaan mo na iyon malaki na siya. Isa pa na miss kita. Hindi ka man lang dumadalaw sa akin. Na alam mo naman kung saan lang ako." Nagtaka nga ako hindi siya sumama sa mga kaibigan niya. Ang alam ko lang kasi    nangimanbansa silang lahat maliban sa kaniya na nandito ngayon.

"Gusto mo ba maiinom?"  Sabay alok niya sa akin. Kinuha ko na lang, ayaw ko na makipag-usap sa kaniya. Nanahimik na lang ako sa isang tabi.

"Good evening Batchmate!" sigaw ni Cha. Napatingin ako sa kaniya na ngayon nagsasalita. Grabe ang ganda ni Cha. Siya kasi lagi ang muse namin noon. Bukod na sa matangkad. Sexy, makinis ang kutis, maputi tsaka ang tangos ng ilong. Pinagmasdan ko si Cha habang nagsasalita.

"Lapit daw tayo." Kalabit sa akin ni Jary. Ito na naman siya ang kulit.

"Tara na!" Hinila na naman niya ako. Nasa unahan na kaming lahat ng mapadako ang mata ko sa taong kanina ko pa hinahanap. Aalis na sana ako ay para puntahan ko si Krizzy nang bigla ako hawakan ni Jary. Nakaramdam ang loko iwan ko siya. Hindi na lang ako nakaalis.

"Guys! Hindi ko alam anong sasabihin ko ngayon. Sobra-sobra ako nagpapasalamat sainyo.  Una sa lahat maraming salamat sa pagdalo niyo sa aking kaarawan. Alam ko ang iba sa inyo ay mga busy na sa kanilang trabaho pero pinagbigyan niyo ang aking kahilingan. Salamat sa mahabang panahon na nagkita ulit tayo. I think 10 years na ba?"

"Hoy! Ano 'to na paghalataan na tayo matanda," mataray na sabi ni Monique. Ang arte talaga nito bruha na ito hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago.  Napahiling na lang ako.

"Guys, hindi ko na patatagalin ito para masimulan na natin ang munting celebration ko. Nagpapasalamat ako sa taong ito. Naipinagkatiwala niya sa akin ang kaniyang tinayong bagong C and J resort and restaurant at ngayon araw ang grand opening nito. Kaya hindi lang birthday ko ang icelebrate natin kasama na ang C and  J. Ang taong ito ay sa likod ng C and J Resort and Restaurant ay  si----." Pinutol pa niya sasabihin.

"Kilala niyo ba?" sigaw ni Cha sa amin.

"Gago! Sabihin mo na. Ano kami manghuhula." Sigaw rin ni Brandon sa kaniya.

"Manahimik ka?" Mataray na sabi ni Cha sa kaniya.

"Ito na! Ang isa diyan atat na atat na. Ang taong ito ay si--- John Andrew Guavas." Parang nabingi ako sa aking narinig. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Natulala ako napatingin sa kaniya habang paakyat siya sa stage. Patalikod na ako ng magtama ang aming mga mata. Ako unang sumuko sa amin dalawa. Napatingin ako kay Jary na ngayon ay tawang-tawa siya nakangiti sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Ja.

"Sana naman sa muli niyong pagkikita ay magkaayos na kayong dalawa." Sabay tapik ni Jary sa akin. Hindi ko alam anong gagawin ko. Palapit na kasi si Ja sa puwesto namin. Napatalikod na lang ako.

"Mauna na ako saiyo tsaka tinatawag na ako mga kaibigan ko.  Nandiyan naman ang  mahal mo." Tsaka ako iniwan ni Jary. Napatingin lang ako kay Jary habang paalis siya.


-------------
Cha
Brandon

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon