Chapter 27
Cie's Pov
Papasok na ako sa amin bahay ng mapatigil ako. May naririnig kasi ako tawanan. Daan-daan ko binuksan ang pintuan namin ng bumulaga sa akin si Ja. Na kasama ng magulang ko. Natulala ako sa aking nakita. Masaya kasi ang family ko kasama ni Ja.
"Oh! Cie, hindi ka na nakagalaw diyan. Kanina ka pa namin hinihintay. Alam mo ba si Ja nagluto lahat niyan." Pagbibida ni Mommy sa akin.
"Cie." Pag-uulit ni mommy.
Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Buong buhay ko ito lang hinangad ko noon ang magkasundo sila ni Ja pero ngayon parang nalilito na ako sa naramdaman ko. Pilit ko iniiwasan si Ja pero sa tuwing magkasama kami hindi ko maiwasan na yakapin siya."Kumain ka na ba Cie?" Unti-unti ako napalingon. Nakakita ko sa mga mata ni Bee ang labis na saya. Lumapit si Bee sa akin tsaka niya ako niyaya kumain. Hinawakan pa niya kamay ko. Napasunod na lang ako sa kaniya.
Hanggang sa pinagsilbihan niya ako. Naiilang ako pero ayaw ko naman maramdaman na hindi ko nagustuhan ang luto niya na pinaghirapan."Pasensiya na Cie, kung hindi kita hinatid. Alam ko naman na kasama mo si Krizzy tsaka si Shawn."
"Ikaw ang nagsabi sa kanila? Alam mo hindi ako tinigilan mga iyon hanggang sa hindi talaga ako umaalis."
"Hindi naman Cie ang sabi ko lang 'wag sila aalis kapag hindi nila kasama ka."
"Kumain na tayo," mahinahon sabi ko. Hindi na kami nagsalita. Tradisyon namin ito na walang magsasalita habang kumakain. Nasanay na rin si Bee sa akin ang tahimik rin ni Bee. Pagkatapos namin kumain. Ang ate ko ang nagprisenta na siya na lang daw ang maghuhugas ng kinainan namin. Nagkaniya kaniya na kami tumayo. Nasa sala na kaming lahat.
"Umupo ka Cie." Napatingin ako kay Daddy tsaka ako tumabi kay Bee.
"Cie," tawag sa akin ni mommy.
"Cie, alam kong marami ka ng pinagdaanan. Sorry Cie sa lahat ng paghihirap mo. Sorry Cie kung hindi ka namin karamay ng kailangan ka namin. Pero ngayon Cie babawi na kami. Simula sa araw na ito. Hindi ka na namin. Pinagbabawalan. Malaya ka na magmahal. Alam ko makakaya mo lahat na ito. Ikaw pa ba? Strong kang tao." Sabay yakap ni Mommy sa akin.
"Tama ang mommy Cie, nagkamali kami sa pagtiwala saiyo. Alam mo naman na ayaw ka namin masaktan. Sa sobrang pagprotekta namin saiyo. Ito pa sanhi ng pag-iwas mo. Tiniis ka namin sa loob ng limang taon pero Cie, sobra kami proud sa iyo sa mga naachieve mo ngayon.
"Oo nga kuya, sobra kami proud saiyo. Alam mo ba inistalked ka namin sa tuwing may pinopost ka achievement mo. Hindi man namin naiparamdam saiyo noon, pero kuya hindi nawawala ang pagmamahal namin saiyo." Hindi ko napigilan ang maluha sa sinabi ni Chien. Buong buhay ko ito ang hinagad ko sa kanila. Nagkamali ako sa aking pagdududa. Mahal pala ako ng family ko kahit na hindi ko sila nasilayan sa loob ng limang taon.
"Sobra po mapagmahal ni Cie, sobra po siya matulungin sa kapwa. Sorry po kung panahon na dapat kasama niyo si Cie kinuha ko po sainyo." Napatingin ako kay Bee. Pinagsasabi niya. Desisyon ko sumama sa kaniya.
"Hindi mo kasalanan Ja, kami ang may pagkukulang kay Cie. Bilang kapatid niya isa kami sa naghusga sa relasyon niyo. Oo! Tanggap namin si Cie, pero hindi lang namin matanggap na magmamahal siya same gender. Sorry Cie, babawi kami saiyo." Sabay yakap ni ate Charlene sa akin. Sobra-sobra ako naiyak sa mga nalaman ko.
"Hayayaan na namin na magmahal ka. Napatunayan mo sa amin na mali kami. Kaya Cie, hangad namin ang iyong kasayaan. Ja, 'wag mo sasaktan si Cie. Dahil kung hindi magtago ka na." Napatingin ako kay Daddy ang seryoso niya kasi.
"Opo, papangako ko po na aalagahan ko at mamahalin na higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal ko si Cie." Hinawakan ni Bee ang kamay. Napatingin ako sa kaniya. Ang seryoso niya nakatingin sa akin.
"Ma'am / Sir, kaya po ako naparito para hingin ang iyong matamis na Oo. Ma'am / sir, maari po ba ligawan ang anak niyo?" Nagulat ako sa sinabi ni Ja. Napatingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila nakangiti na may approved pa sign sa mga kamay.
"Wala sa amin ang pasya. Na kay Cie. Kung ano man ang sasabihin ni Cie. Doon kami. Ano Cie papayag ka ba magpaligaw kay Ja?" Hindi ko alam sasagutin ko kay Ja. Napatingin lang ako kay daddy na kanina pa naghihintay sa sasabihin ko. Napag-usapan na namin ito ni Ja. Pero bakit ngayon pa lang gusto ko UmuOo sa kanila. Ayaw ko iparamdam kay Bee na nerereject ko siya. Sa amin dalawa malaki ang sacrife ni Bee. Tinalikuran din niya ang family niya. Hindi siya nagpakasal sa hindi niya mahal. Sa huli napaOo na lang ako. Nakita ko sa mga mata ni Ja ang labis na saya.
"Oo siya exit na kami Ja, natulungan ka na namin. Iyong pinangako mo sa amin tuparin mo, dahil kung hindi magtago ka na." Pagbabanta ni daddy kay Ja. Anong pinag-usapan sinasabi nila. Sabay-sabay sila umalis hanggang sa kami na lang natira ni Bee.
"So! Kasabwat mo sila?" Napaseryoso nakatingin si Bee.
"Hindi naman sa ganoon. Humingi lang naman ako tulong sa kanila."
"Ganoon na rin iyon." Magtataray ko sa kaniya.
"Makakaalis ka na?" Pagtataboy ko sa kaniya. Kapag kasi hindi pa siya umalis. Malilintikan ako sa plano ko sa kaniya. Panigurado na kahit anong oras tatawag si Krizzy o kaya si Shawn
"Alis agad! Akala ko ba payag ka na ligawan ka?"
"Oo! Pero gusto ko na magpahinga." Pagkukunwari ko na lang.
"Ikaw din ang dami mo ginawang araw. Magpahinga ka rin."
"Fine! Pero bukas ah! Hatid sundo na kita 'wag ka na hahangal." Tumango na lang ako. Nagpaalam na si Bee. Buti na lang hindi niya ako kinulit. Bumalik na ako sa loob tsaka pumanhik. Nang makapasok na ako sa aking kuwarto agad ako nakadapa sa kama naipikit ko mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...