Chapter 6

22 6 0
                                    

Chapter 6

Cieron' s Pov

"Good morning Bee." Nakakunot noo lang si Bee nakaharap sa akin.

"Ang aga-aga ganyan ang mukha mo?"

"Bakit hindi mo ako ginising."

"Ginising kita po, pero ang lakas ng hilik mo." Tinawanan ko lang siya. Ang cute, kasi ng mukha kahit na nakasalubong ang dalawang kilay.

"Joke lang, hindi na kita ginising kasi ayaw kitang istorbohin. Kumain na tayo?"

"May gagawin ka ba ngayon?" Natitig ako kay Bee. Sinusuri ko ang kan'yang mukha. Wala naman ako nakita sa kan'ya kakaiba."

"Ano ka ba! Ito ang araw na bonding time natin di ba?"

"Kaya nga baka, kasi nakalimutan mo."

"Makakalimutan ko ba iyon. Ikaw lang ang mahalaga sa akin. Thank you, Bee, sa lahat ng magmamahal mo sa akin. Thank you, hindi mo ako iniwan."

"Ano ka ba! 'Wag ka ngang ganyan. Cie, ikaw ang pinili ko ay dahil ikaw ang mahal ko." Hindi ko mapigilan na naiyak sa kan'ya. Sa tuwing sinasabi niya katagang ito ay parang pakiramdam ko especial ako tao at nagawa pa niya ako piliin kasya sa pamilya niya.

"Ano ba niluto mo? Nag Drama pa tayo. Ano kaya kung mamasyal tayong dalawa?" Napa Seryoso ako nakatingin kay Bee.

"Gusto ko iyan Bee, pero 'wag na lang ngayon. Pahinga ka naman Bee."

"Hindi ko kailangan magpahinga. Ginagawa ko ito ay dahil sa future nating dalawa. Isa pa ikaw nga rin eh! Halos magkasabay lang uwi natin. Tapos wala ka pang gana kumain."

"Eh! Kasi Bee, nakakatamad kumain lalo na kapag pagod ako."

"Eh! Sabi ko naman kasi sa'yo 'wag ka ng magpapagod. Hinayaan kita sa gusto mo pero sana naman alagaan mo sarili mo." Nanahimik ako sinabi ni Bee. Gustong-gusto ko sabihin kay Bee kung ano pinagkakaabalahan ko ngayon, pero natakot ako baka hindi siya sumang-ayon sa plano ko. May pinaplano kasi kami maliit lang na restaurant na kung saan si Krizzy ang mamahala. Hilig kasi ni Krizzy magluto habang si Shawn siya ang sasagot sa lahat ng gastusin namin, pero hindi ako pumayag nakihati ako kay Shawn na ngayon ay sinimulan na namin gawin, pero hindi ko alam paano ako magsisimula.

"Tara na nga." Naduduwag ako sa sabihin sa kan'ya. Hinila ko siya. Nginitian niya lang ako. Kumain na kami na  hindi man lang kami nagsasalita.

"Anong gagawin natin ngayon araw?"

"Maglinis tayo Bee, mukha kailangan na natin maglinis may alikabok na ako nahawakan." Tumango lang si Bee. Ngayon ay naglilinis na kaming dalawa. Si Bee sa buong kuwarto at kusina. Siya ang kusang nag-prisinta samantala ako sa labas ng bahay. Ang ginawa ako ay winalisan ko at inaayos ko ang mga halaman. Ito ang isa ko sa pinagkakaabalahan ang mag-ayos ng mga halaman. Sa tuwing titingnan ko kasi, nakakaganda kasi kapag may halaman ka sa paligid mo.  Pakiramdam ko ay para akong nasa kaharian ng mga bulaklak at punong-puno ng pag-asa. Iba't-iba man ang mga kulay nito ay nagsisimbolo pa rin ng tagumpay sa anumang problema kinakaharap. Ang buhay ay parang bulaklak na ibat-iba man ang mga kulay nito ay nagsisimbolo ng ibat-ibang problema na kung saan magkaiba man ang kulay nito, pero iisa ang hangarin ay ang maging isang tagumpay sa buhay."

"Ang lalim ng iniisip mo." Napalingon ako  na kung saan nanggaling ang boses. Nang makita ko si Krizzy na seryoso ang mukha niya.. Napalapit ako sa kan'ya.

"Ginagawa mo rito?"

"Eh! Kasi po, hindi ka nagpaparamdam. Kinakamusta ka lang namin. Hindi ka kasi namin makontact. Dati kasi sa tuwing tinatawag kita, sinasagot mo. Tapos ngayon binalewala mo kami."

"Pinagsasabi mo. Hindi kasi ako nagseselpon kapag magkasama kami ni Bee. Sino naman pagkakaabalaan ko. Kasama ko mahal ko. Isa pa, asa ako sa family ko na mapapatawad nila ako unless ako lalapit sa kanila at may demand sila. Sa ngayon hindi ko kaya bitawan si Bee."

"Oo na, hindi mo naman kailangan paulit-ulit. Ikaw na ang may perfect love life." Sabay tawa pa niya.

"Oh siya, dahil ok ka naman at alam ko na dahilan. Hindi na kita istorbohin. Alis na ako." Napahiling na lang ako kay Krizzy. Siya kasi iyong tao malambing, mabait, higit sa lahat maunawain. Nagtataka ko ay bakit siya naparito. Kilala kong taong ito. May mahalaga siya sa akin sasabihin. Tinanaw ko si Krizzy habang papaalis siya. Napatingin ako sa may gilid na kung saan naghihintay si Shawn. Ibig sabihin magkasama ang dalawa mas lalo tuloy akong kinabahan. May something sa kanila na kailangan ko malaman. Nang sumakay na si Krizzy. Humakbang ako at muntik pa ako mapasubsub nang may nakaharang na bato sa gilid na hindi ko mapansin. Inayos ko na ang mga halaman at diniligan ko na rin. Nakaramdam na ako gutom at pagod. Nang mapatingin ako sa relo ko. 10:45 a.m. Mapabilis ako maglinis kailangan ko pa magluto. Nang maayos na. Napangiti pa ako sa aking ginawa. Pumasok na ako sa loob at dumeretso sa kusina ng mapahinto ako. May nakahanda na pagkain na animoy may okasyon.

"Oh! Hindi mo ba nagustuhan?" Napalingon ako, nasa likuran ko lang si Bee.

"Ikaw nagluto? Ngayon alam ko na kung bakit mo ko pilit na pinapalabas." Tanging yakap lang ginawa niya sa akin. Ang sweet ni Ja.

"Tara na gutom na ako." Hinila ko na siya. Baka magdrama pa ako ulit. Katulad kanina hindi kami nagsasalita habang kumakain. Nang matapos na kami. Ako na nag-prisinta maghugas kinainan namin ni Bee. Pasulyap ako natatawa kay Bee nakatutok kasi TV. Natawa ako sa naisip ko. Nagmadali ako maghugas ng matapos na ako. Daan-daan ako lumapit, ginulat ko si Bee. Magugulatin kasi Bee ayon natumba si Bee. Tawang-tawang ako sa kan'ya. Nakakunot noo si Bee hinarap ako.

"Sorry na! Ikaw kasi nakatutok ka masyado diyan sa pinapanood. Ano ba pinapanood mo?" Napatingin ako sa TV. Nanonood lang pala siya ng basketball. Hilig kasi ni Bee manood ng basketball.

"Umupo nga rito." Sabay hila niya sa tabi ko.

"Sana ganito lagi tayo Bee, ah!"

"Andiyan ka na naman siya, oh! Nagsisimula ka na naman." Tatahimik na lang ako.

"Bakit ang tahimik mo?" Napalingon ako kay Bee.

"May sasabihin ka ba?"

"Bee, naalala mo iyong sinabi ko saiyo. Tungkol sa mga kaibigan ko." Tumango lang siya sa akin.

"Ano kasi Bee, may business kasi kami ng mga kaibigan ko. Ano lang siya Mini Restaurant. Sumama ako sa kanila," mahina ko sabi. Tinawanan niya lang ako.

"Kung iyan ang gusto mo. Sino ba naman ako para pigilan ka. Tsaka isa lang hiling ko saiyo ay alagaan mo ang sarili mo."

"Thank you, Bee!" Niyakap lang niya ako. Si Ja ang pinaka da best na kilala ko.

"Pasyal muna tayo?"

"Saan naman tayo papasyal ng ganitong oras. Tanghaling tapat Bee."

"Sa park gusto ko mamasyal doon."

"Wag na lang Bee. Tsaka magpahinga ka naman Bee."

"Sige na nga!" Tinawanan ko lang si Bee. Nanood na lang kami TV at puro sport pinanood namin. Pagkatapos ng basketball doon naman sa isa volleyball. Nang makaramdam ako gutom naghanda na rin ako meryenda. Nagluto ako ng turon. Ito kasi ang gusto ni Bee. Naka apat nga siya ng turon halos siya lang ang nakaubos. Nang bandang hapon ay nagluto na rin ako nang adobong baboy. Ito naman ay pareho namin favorite. Tinawag ko na si Bee, kumain na rin kami. Ang aga nga namin nag-dinner. Pagkatapos nga namin kumain. Si Bee ang nagliligpit at naghuhugas ng mga kinainan namin. Siya, kasi ang mapilit kaya pinagbigyan ko. Inayos ko na rin higaan namin. Pagkatapos kong ayusin. Dumeretso muna ako sa terrace para magpahangin habang nakatanaw sa langit. Ang hirap ko abutin ang mga pangarap ko. Ang tanging hangad ko lang ay magkaayos na kami ng parent ko. Napasandal ako sa sopa hanggang sa nakaramdam ako antok. Pinikit ko mga mata ko, natulog na ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon