Chapter 24
Ja's Pov
Hindi ko alam anong mararamdam ko ngayon araw. Sobra saya at halong kaba ang naramdaman ko. Paano kung magalit si Bee gagawin ko ngayon. Palakad-lakad ako na hindi mapakali.
"Aalis ka ba o babatuhin kita nitong hawak ko. Ako nahihilo sa pinaggagawa mo." Napatingin lang ako sa kuya ko si Jann Rayvenn inshort na RJ. Napakabugnutin talaga nito. Kahit kailan talaga ito panira ng moment ko.
"Ano ba kasi problema na tila bay hindi ka mapakali diyan." Seryoso lang ako nakatingin sa ate ko si Charmaine.
"Paanong kung hindi siya pumayag?" mahina ko sabi sa kanila.
"Sinubukan mo na ba?" Mataray na sabi ng ate ko.
"Ngayon pa lang."
"Puwes umalis ka na at nang mapakilala mo siya sa amin." Pagtataboy ng ate ko. Sa huli umalis na ako. Pinuntahan ko si Cie na kung saan siya nagwowork. Hindi ko man siya magawang sunduin araw-araw pero hindi naman nawawala ang mensahe ko sa kaniya tuwing umaga, tanghali at gabi ganoon ko pinahalagaan si Cie. Nang mapadako ang mga mata ko sa isang tawid na kalsada na kung saan may isang babae na pinipilit ng tatlong lalaki. Napabilis ang pagdrive ng mapahinto ako agad ko bumaba at pinagsusuntok ko ang tatlo. Nang nakabulagta na ang tatlo kalalakihan tsaka ko nilapitan ang babae habang nakatalikod siya sa akin.
"Miss nasaktan ka ba?" Napalingon siya sa akin. Natulala ako nangmakita ko si Cie. Tangina si Cie ang muntik ng pagsamantalahan ng mga hayop na ito. Sa inis ko nilapitan ko ang tatlo pinagsisipa sila. Inawat ako ni Cie.
"Gago kayo!" Pinagmumura ko sila sa galit ko.
"Tama na iyan. Wala naman sa akin nangyari."
"Tangina anong walang nangyari? Muntik na Cie kung wala ako. Ang tigas kasi ng ulo mo. Ilan beses kita sinabi na hindi ka magpapagabi. Tingnan mo nangyari ngayon. Paano kung wala ako!" Hindi ko maiwasan magalit sa kaniya.
"Hindi ko naman hahayaan na mangyari ito. Lalaban ako kahit na anong mangyari. Alam naman natin kahit papaano lalake pa rin naman ako kayang-kaya ko silang tatlo." Natawa ako sa sinabi ni Cie.
"Talaga! Halos nga makahawak kamay ang tatlo saiyo. Sa tingin mo makakatakas ka sa kanila. Talo sila oh! Hindi lang isa." Panunumbat ko sa kaniya.
"Hindi lang ako lumaban. Pero hindi ko hahayaan sila. Isa pa na kaya mo nga! Ako pa ba?"
"Fine! Pero sa uulitin 'wag na mangyari ito. 'Wag magmatigas ulo. Uuwi ka kapag uuwi ang mga kasama mo. Pangako mo." Tumango lang si Cie.
"Tara na!"
"Saan tayo pupunta?" Nakasalubong kasi dalawa niyang kilay.
"May pupuntahan lang."
"Na naman! Ano na naman ba ito pakulo."
"Hanggang mapatunayan ko sa iyo na karapat dapat ako sa pagmamahal mo."
"Hindi ko naman kinikuwestiyon ang pagmamahal ko. Alam ko na naman na mahal na mahal mo ako. Kaya lang natatakot ako saktan ka. Paano kung hindi na naman kita mapagkakatiwalaan. Ayaw ko maging unfair saiyo."
"Cie, ok lang hindi mo madaliin ang bagay na ito. May mali rin ako. Alam kong nasaktan kita pero kinakausap ko pa siya kaya nangyari ang bagay sa atin."
"Sorry Bee, kung natakot na ako magmahal pero Bee alam mo na ikaw lang mamahalin ko. Pangako ko na someday buong-buo na muli ang tiwala ko sa sarili ko." Niyakap lang ako ni Bee.
"Tara na."Hinawakan ko na kamay ni Cie. Ang weird dito pa kami nag-confess ng feeling sa kalsada.
"Oras na nga natin umalis. Nasa likuran na natin sila. Gagi ang dami nila. Nagyaya pa talaga mga kasama " Tumawa lang kami ni Cie tsaka pumasok sa kotse tsaka ko nagdrive habang ang loko loko hinahabol kami. Tawa kami ng tawa ni Cie.
![](https://img.wattpad.com/cover/269277755-288-k794658.jpg)
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...