Chapter 7
Ja's Pov
"Napapadalas ata gimik mo Bee?"
"Akala ko ba ok lang sa'yo?"
"Oo naman Bee, pero kasi halos tatlo buwan ka nang ganyan. Minsan umuwi ka na ng madaling araw tapos minsan naman halos dalawang araw ka bago makauwi. Gaano ba kahirap work mo Bee, lagi ka na lang ganyan. Pasensiya na napapansin ko na siya nitong nakaraan buwan." Ginawa ko ito para matapos na ang pinapagawa kong bahay at nang makalipat na kami.
"Pasensiya na Cie, babawi ako ngayon weekend," nginitian niya lang ako.
"Sige na Bee mauna na ako sa'yo." Tinalikuran ako ni Cie na hindi man lang niya ako niyakap. Mukha nagdududa na si Cie. Konting tiis na lang matatapos na rin ako. Siguro mga 2 years pa. May dinagdag pa kasi ako. Naiimagine ko na ang itsura ng bahay namin. Bukod sa malaki na siya, hindi katulad dito na maliit lang. Ito ay ang design namin Cie. Ang gusto kasi ni Cie Pito ang kuwarto para raw ready kapag may okasyon at gusto mag stay rito may kuwarto para sa kanila. Inalala pa niya ang iba. Umalis na nga si Cie na konti lang ang kinain niya. Pagkatapos ko kumain naghugas na ako kinainan namin at tumuloy na ako sa aking trabaho matagal na rin kasi ako walang balita sa aming business ang JJNL construction company. Natatakot na naman ako ipamahala sa mga kaibigan ko, baka isang raw nabalitaan ko na bankrupt na kami ay dahil sa kalokohan ng mga kaibigan ko. Pumasok na ako ng nakasalubong ko Si JC na may pasa naman ang loko. Ano na naman ang ginawa ng loko.
"Nangyari saiyo?"
"Wala ito, may hindi lang pagkakaunawaan." Hindi na ako umusisa. Mukha wala rin sa mood isang ito. Napakunot noo ako ng bigla na lang niya ako tinalikuran. Teka saan punta ng loko. Eh! Kakapasok ko pa lang, aalis agad siya. Hindi ko na siya tinawag nagpatuloy ako sa paglalakad. May mga ilan empleyado ako nakasalubong at panay bati nila sa akin. Pumasok na ako sa aking opisina. Napasandal ako parang namiss ko rito.
"Good morning, sir!" Nagulat ako sa bati ng secretary ko.
"Nakakagulat ka naman Tres."
"Pasensiya na sir, may papipirmahin sana ako saiyo. Inyong tatlo kasi sir na kaibigan mo. Napapadalas rin wala sila rito. Este hindi naman napapadalas sir. Para kasi may nakatoka sa kanila. Kapag absent ang isa ngayon araw, iba naman ang papasok ganoon sila sir. Hay pala sir. Ano-- kasi, 'wag mo ako isumbong sa kanila." Si Tres ang napili ko una pa lang kasi ang daldal na niya. Ang dami na kinukuwento. Isa siyang tao na hindi nagsisinungaling. Sasabihin niya ang gusto niya sabihin katulad nito. Hindi pa nga ako nagsimula andiyan na siya sa walang sawa niya kuwento.
"Sir promise mo ah! 'Wag mo akong isusumbong ah! Pero sir bakit ba wala ka nitong nakaraang buwan. May pinagkakaabalahan ka raw sir. Ang sabi ng tatlo tinamaan ka raw sa pag-ibig." Napatingin ako sa kan'ya.
"Hay sir, sorry sir."
"Gusto mo isumbong kita sa kanila."
"Ok lang sir, hindi naman sila amo ko." Tinawanan pa ako ni Tres.
"Eh kung ako tanggalin kaya kita."
"Hala sir, 'wag naman. Promises rin hindi na ako magdadaldal atsaka sir need ko ng work sir. Alam mo naman po na kailangan ko. Ako lang po inaasahan sa kanila." Natawa ako sa palusot niya. Hindi ko naman siya tatanggalin sino naman ako para pigilan siya sa kan'ya pangarap. Kaya nagtayo ako para makatulong sa mga mahihirap at masaya ako may nagtutulungan ng ibang tao. Katulad ni Cie, gusto niya may tinutulungan ng ibang tao. Kung may kakayahan ako makatulong gagawin ko para naman umangat ang buhay nila.
"Binibiro lang kita. Bakit naman kita tatanggalin. Isa ka spy kita sa tatlo. Ano may ginawa ba sila kapag nandito sila?"
"Actually!" Nag-isip pa siya ng sasabihin niya.
"Oo na hindi sir. Ewan ko lang sir. Madalas kasi panay tawanan nila at may lagi kausap sa phone tapos sa oras ng work magkasama sila. Pero sir, masipag naman sila sir. Lalo na po si Nate sir mabait po iyon hindi tulad ng dalawa sir. Naku sir si Leck ang sarap iuntog ako lagi niya binubuwisit."
"Anong ikaw lagi binubuwisit?" Mukha may tsismis ako nasagap maliban sa hindi pala sila pumasok. Humanda sila sa akin mamaya.
"Eh! Sir, wala po."
"Sasabihin mo, o isusumbong kita sa kan'ya."
"Eh kasi naman sir nakakainis naman talaga siya. Eh gusto ako pormahan. Ayaw ko nga sa kan'ya ang hangin sir. Sabi pa naman gagawin daw niya ako reyna. Hindi ko na raw kailangan mag-work tsaka ang sabi niya mas mayaman daw siya saiyo. Ang yabang sir. Napakayabang sir ng kaibigan mo. Akala mo naman papatol ako sa kan'ya sa sinabi niya. Kahit naman sir manligaw ka sa'kin." Nabulunan ako sinabi ni Tres. Hindi ko kinaya ang naprangkaan niya. Pati ako nadamay.
"Ok lang sir, nakakasakit ka ng feeling sir ah! Ayaw mo sa akin. Pero kunwari lang iyon sir. Sino naman ako mahalin. Ang ibig ko sabihin sir kung sakaling liligawan mo ako. Hindi naman kita sasagutin kahit mayaman ka tsaka may mahal kang iba. Ayoko kaya makasakit ng taong minamahal. Tsaka may crush kaya ako sir." Ang dami niya sinasabi wala naman akong sinabi.
"Sino naman Crush mo?" Namula ang mukha niya.
"Nakakahiya sir, langit at lupa kami sir." Nakakunot noo ako sinabi niya.
"Sino?"
"Si a--no sir, si Nate si pero sir hindi kami bagay. Crush lang sir ah!" Tinawanan ko lang si Tres. Hindi ako makakasimula nito kapag hindi ko pa putulin ang usapan."
"Oh siya, iwan mo na ito at sisimulan ko na."
"Hay sorry, sir." Nilapag na Tres ang mga document na pipirmahan ko.
"Gusto mo sir ng kape?" Humiling na lang ako. Hindi kasi ako mahilig sa kape. Ayaw kasi ni Cie. Nasanay na rin ako na si Cie ang nagtitimpla sa akin.
"Oh siya sir, tawagan niyo ako kapag may kailangan ka andito lang ako." Umalis na siya. Hindi ako matatapos kung hindi ko iniba ang usapan. Panigurado ubos ang oras ko sa kan'ya. Sinimulan ko na pirmahan ang naiwan ng tatlo. Nasaan na sila, hindi ko man lang nakita. May ilang rin ako kausap sa phone. Tangina malilintikan sa akin ang tatlo. Nang may tumunog ulit ng phone ko. Si Cie lang tumatawag sa akin. Tinatanong lang niya kung kumain na raw ako. Ngayon ko lang nalaman na lunchtime na pala. Pagkatapos namin mag-usap ni Cie. Tumayo ako nakaramdam ako ng gutom. Tumuloy ako sa baba na kung saan may Mini Restaurant kami at ito ay pag-aari ni Jary. Ang yaman ng loko May Teen bar na siya may Mini Restaurant pa siya. Pagkatapos ko mag-lunch bumalik na ako sa loob. Tinawagan ko ang tatlo. Tangina na sa muntik paraiso si Nate at Leck habang si Jc hindi ko makontact at hindi na bumalik. Tumutok na ako sa ginagawa ko hanggang sa hindi ko namalayan. Umuwi na rin ako ng nakasalubong ko si Jc. Tangina saan nagpunta ito at ngayon lang bumalik.
"Wow, ah! Talaga bumalik ka pa gago ka."
"Bumalik ako kasi yayain sana kita. Wala ako makausap. Tara na sa teen bar na sila."
"Fine! May pag-uusap tayo." Tangina masasapak ko sila. Pinaggagawa nila.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...