Chapter 8
Ja's Pov
Naabutan nga namin nagsimula na ang dalawa at talagang nauna pa uminom; hindi man lang kami hinintay, tapos ang saya-saya pa nila.
"Ang saya ah!" Basang trip ko sa kanila. Tinignan lang nila ako na para bang wala lang sa kanila.
"Anong ginawa niyo maghapon?" saad ni Jc sa kanila.
"Iyong iniwan mo trabaho sa paraiso kami ang gumawa," Sambit naman ni Nate. Napatingin ako kay Jc.
"Gago ka bakit, hindi ka bumalik? Hinintay kita!"
"Eh, basag trip kasi iyan secretary mo. Sinimangutan ba naman ako."
"Si Tres! Bakit ano naman ba ginawa mo?" Nakatawa lang si Nate sa kan'ya.
"Inutusan ko lang magtimpla ng kape. Aba! Sabi ba naman sa'kin. Secretary ko ba raw siya? At ang tanging susundin niya ang boss niya. Hindi man lang matakot na sabihin ko na tatanggalin ko siya kapag hindi niya ako sinunod. Tapos ang dami sinasabi kaya iniwan ko siya. Ang aga-aga sermon agad. Daig pa ang mommy ko."
"Ako nga! Nakabusangot ang mukha niyan lagi, pero kapag si Nate labas ang dimple niya."
"Tangina tinamaan ka gago ka kay Tres, ang tanong type ka ba niya?"
"Gago ka Jc, kung hindi mo ako siniraan, eh! Sana kami na."
"Lakas ng confident mo. Iba crush noon?" Lahat sila napatingin sa akin. Natampal ko ang mukha ko. Mukha naawahan ako sa pagka daldal ni Tres. Muntik ko pa mabisto si Tres. Nangako pa naman ako na hindi ko sasabihin kahit kanino. Baka nga pagpasok ko pa lang talakan lang niya ako. Ang ending siya pa ang naging boss ko.
"Oh! Alam mo Ja! Paanong nangyari? Wala ka naman lagi rito ah!"
"Oo, kaya nakabuwelo kayong lahat kapag ninais niyo gumala, gagawin niyo at iiwan na lang."
"Teka lang hindi naman sa ganoon."
"Anong hindi sa ganoon Nate, ipaliwanag mo nga!"
"Nalintikan na sinumbong na tayo ng loyal niya secretary."
"Wala kinalaman dito si Tres. Kasasabi niyo pa lang. Ang tanging walang bukang bibig si Tres, iyon ay dahil saiyo gago ka." Sabay turo ko kay Leck.
"Sabi ko na sainyo may lihim na pagtingin sa akin si Tres."
"Asa ka! Si Tres naiinis saiyo. Iyon ang kinaiinisan niya kasi sobra ka raw---. Hindi ko natuloy sasabihin ko. Baka hindi niya magustuhan ang sasabihin ko. Eh! Mayabang naman kasi isang ito, pero kahit ganoon siya, mabait naman ito at 'wag lang kontrahin sa kayabangan niya. Minsan naiinis kami sa kayabangan nito, pero nasanay na rin kami. Katulad nito tinawanan lang nila ako na hindi man lang nila ako sineryoso.
"Alam mo?" Tumango ako sa sinabi ni Jc.
"Anong kinaiinisan niya sa akin?"
"Wala," sabi ko.
"Paano mo nalaman?"
"Ang daldal niya. Kahit hindi itanong ni Ja, panigurado siya na nag-umpisa." Tanging tawa lang sinagot ko kay Jc.
"Mga gago kayo iniba niyo usapan. Anong dahilan bakit panay labas niyo?"
"Paano kasi ito si Nate, babaero. Simula ng iwan siya ng mahal niya, wala na siya siniseryoso. Tapos sa akin hinahanap."
"Gago ka Leck, kung hindi ka naman kasi tanga. Sinabi ba kasi kung saan siya nagwowork."
"Sinabi mo?" Nagulat ako sa sigaw ni JC. Napahiling na lang ako sa kanila. Sila-sila lang naman nagsisihan.
"Bukas maaga kayo, tangina sa oras na nabalitaan ko na wala kayo roon. 'Wag na kayo bumalik at hindi ko mababalitaan si Tres na sinusuhulan niyo. Maintindihan niyo?" Tanging tawa lang ginawa nila. Hindi talaga nila ako siniseryoso.
"Late na ba ako." Lahat kami napalingon. Anong ginagawa ni Danica. Anong ginagawa niya rito. Hindi ba siya makaintindi ayaw ko sa kan'ya. Nakasimangot ako nakaharap sa kanila.
"Fine! Niyaya ko si Danica may problema ba?" Hindi ko na lang pinansin si Leck. Alam ko ang dahilan niya. Tangina kung may problema siya love life niya. 'Wag niya ako idamay.
"Relax lang. Hindi kita guguluhin. Nandito lang ako para mag-relax." Nakangiti pa siya.
"'Wag mo na lang sila pansinin. Isa pa, kung magpapatalo ka sa kanila. Lagi ka nila aasarin." Sabay tapik ni Jc sa akin. May point ang loko. Hindi ko na lang sila pinansin. Nasa pinaka gilid ako pinagmamasdan ko lang mga kasama ko. Nang makaramdam ako ng antok. Nagpaalam ako sa kanila. Ang mga loko, hindi man lang ako pinansin. Pa tayo na ako ng mapatingin ako kay Danica. Tangina napaatras ulit ako. Lasing na mga kasama ko. Hindi ko puwede iwan sila rito lalo't na si Danica nag-iisa pa naman babae. Napaupo ulit ako. Hindi na ako umiinom. Napatingin ulit ako sa kanila ng may tawagin si Leck at talaga mag-order pa isang ito.
"Uuwi na tayo? Wala ng mag-oorder," sabi ko sa kanila. Lahat sila nakatingin sa akin.
"Uuwi tayo o ipapasundo ko kayo?" Lahat sila na patayo sinabi ko. Takot lang nila malaman ng mga family niya. Natawa ako mapasunod sila sa akin. Ako na naghatid sa kanila. Una ko hinatid si Leck at sumunod si Nate na magkalapit lang ang dalawa at ang huli si Danica na hinatid namin. Napagalitan pa nga siya ng yaya niya ay dahil naglasing ang alaga niya. Napag-alaman ko na wala ang parent niya rito. Nasa cebu pala ang parent niya at ang huli si Jc na hinatid ko. Mag Kapit-bahay lang naman ang bahay namin, pero ni minsan hindi kami nagkikita ng dalawa. Na animoy, hindi kami magkapitbahay.
"Lasing ka na naman." Paninita ng sister niya si Janey. Na bunso sa kanila magkakapatid na akala mo siya ang panganay kung makatalak daig pa ang nanay.
"Naku kayo mga kuya, kailan ba kayo titino? Mag-asawa na nga kayo! Ako na iisstress sa inyo."
"Tulungan mo na nga lang ako. Ang dami mo pa sinasabi." Sinimangutan lang niya ako.
"Tangina hoy! Umayos ka," sigaw mo kay Jc. Habang si Janey hirap na hirap sa kuya niya hanggang sa dinala namin siya sa kaniyang kuwarto.
"Salamat kuya. Naku ito talaga si Kuya Jc panay ang inom. Bakit ba kasi kayo mga lalaki hindi maka move on." Nakakunot noo ako sinabi niya hindi maka move on. "Ah! Hindi maka move on?" Tanong ko, sagot ko sa isip ko.
"Oo nga pala, wala ka balita buhat sa kaniya. Oo, may girlfriend si Kuya CJ mahal na mahal niya, pero kasalanan naman kasi ni Kuya eh! Nagloko na nga lang nahuli pa. Ayon! Wala na sila. Hiniwalayan na sila, pero naawa ako sa kuya ko. Mahal na mahal niya ang girlfriend niya, pero matigas ng girlfriend niya hindi siya pinatawad." Ngayon alam ko na pinagdaanan ng mga ito. Bakit sila ganito. Hindi ko alam ganito na pala sinapit ng mga kaibigan ko. Bakit parang pare-parehas ang pinagdaanan nila. Teka! Anong hiwalay na! Pinagsasabi ni Janey. Naguluhan rin ako sa sinabi ni Janey. Ang alam ko sweet na sweet ang dalawa at mahal mahal nila ang isa't-isa. Saan niya nasagap ang tsismis. Nanahimik na lang ako. Babae nga naman.
"Oh siya, kuya matulog ka na rin. Alam ko pagod ka na." Tumango na lang ako kay Janey. Nagpaalam na ako sa kan'ya. Pagkarating ko sa bahay. Tumuloy agad ako sa kuwarto. Napatingin ako kay Cieron ang himbing na ang tulog. Ang suwerte ko may taong tumanggap sa pagkatao ko. Ang suwerte ko, hindi ko nararanasan ang hirap ng mga kaibigan ko. Lumapit ako kay Cieron hinalikan ko siya sa noo at inayusan ang kumot niya. Bago ako natulog naghilamos muna ako sa mukha atsaka ako tumabi kay Cieron niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...