Chapter 10

18 5 0
                                    

Chapter 10

Ja's Pov

"Ok ka lang?" Nginitian lang ako ni Cie. Napapansin ko nitong nakaraan buwan mailap siya sa akin. Inunawa ko na lang siya ay dahil sa pagod siguro siya work. Napagdaanan ko na rin ang sitwasyon ni Cie katulad ko dalawang pinagkakaabalahan ko sa ngayon ang business namin na JJNL Construction Company at ang Bahay na pinatayo para sa amin ni Cie. Si Cie naman ay may sariling C3 event planning na kung saan siya ang may-ari at may bago rin siya pinagkakaabalahan na kasama naman ang mga kaibigan ito ay ang C.K.S. Mini Restaurant Company na ngayon sinimulan na nilang gawin katulad ko na halos ibuhos ko ang oras sa aking munting bahay na kung saan na pangarap namin ni Cie ang magkaroon ng sariling bahay at bubuo ng pamilya.

"Ang tahimik mo." Napatingin lang siya sa akin. Ang weird, hindi ako sanay na tahimik lang siya.

"May sakit ka ba Cie." Hinawakan ko ang noo niya. Hindi naman siya mainit.

"Wala akong sakit. Kumain na nga lang tayo." Napa Seryoso lang ako nakatingin sa kan'ya. Ang tahimik kasi ni Cie. Naguguluhan na ako sa kinikilos niya. Kumain na lang muna ako tsaka ko siya usisain. Hindi puwede ganito kami na pakiramdam ko may pinagdadaanan si Cie sa akin.

"Ako na rito," sabi ko sa kan'ya.

"Ako na rito, isa pa! Ikaw na nga nagluto para sa atin." Hindi na lang ako ulit ako nagsalita. Tinalikuran ko si Cie. Lumabas muna ako para magpahangin. Ang sarap kasi tumambay lalo na sa ilalim ka ng puno. Nakaupo lang ako nakasandal nakatingin sa kawalan. Ang dami na namin ni Cie pinagdaanan ngayon pa ba ako susuko. Iniisip ko pa rin bakit iba ang pakikitungo ni Cie sa akin.

"Narito ka lang pala, kanina pa may tumatawag sa phone mo."

"Sino?" Sabi ko sa kan'ya.

"Ewan ko! Hindi ko naman tiningnan baka importante," sabi niya sa akin. Sabay talikod niya.

"Cie, may problema ba?" Sabay kapit ko sa kamay niya. Humarap siya sa akin. Ngayon kita ko sa mga mata niya pamumula ng mukha niya.

"May problema ba?" Pag-uulit ko sa kan'ya. Umiyak si Cie nakaharap sa akin.

"Mahal mo pa ba ako?" Nakakunot noo ako nakaharap sa kan'ya. Pinagsasabi niya.

"Anong tanong iyan! Alam mo naman di ba! Ikaw ang pinili ko."

"Oo! Ako nga pinili mo, pero matagal na panahon na iyon. Ngayon pa ba mahal mo pa rin ba ako?" Hinawakan ko magkabila niya kamay at hinarap ko siya sa harapan ko.

"Cie, mahal kita! Walang nagbago ang pagtingin ko sa'yo. Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil sa pakiramdam mo na wala na ako gusto saiyo. Ano ba sinabi saiyo ng mga kaibigan mo?"

"Wala kinalaman dito mga kaibigan ko. Kahit kailan hindi sila nakialam sa personal buhay ko, kaya 'wag mo sila husgahan."

"Hindi ko naman sila hinuhusgahan, pero kasi! Iba pakikitungo mo ngayon. Parang bang may nagbago, simula ng maging busy ka na. Nagsasawa ka na ba sa akin?" Umiyak siya ng todo na kinataranta ko.

"Cie, hindi kasi kita maintindihan. Hindi mo naman kasi sa'kin sinasabi ang problema mo."

"Pakiramdam ko kasi, na hindi mo na ako mahal. Wala ka na nga oras sa akin. Nagkikita na nga lang tayo tuwing Sunday, pero minsan nasa galahan ka kasama ng mga kaibigan mo. Tapos ngayon may tawag pa sa iyo. Sino? 'Wag mo sabihin trabaho. Eh! Sunday ngayon na dapat wala kang hinihintindi."

"Akala ko pa Ok lang sa'yo?" mahina ko sabi sa kan'ya. Nakatalikod si Cie.

"Nagseselos ka ba?" Ramdam mo na umiiyak pa rin siya. Kahit na hindi siya nakatingin.

"Cie." Sabay paharap ko sa kan'ya. Nakatingin lang si Cie sa akin.

"Bee, kung may mahal ka na iba! Sabihin mo lang sa akin. Kahit mahal kita handa kita pakawalan, 'wag lang na ganito na pakiramdam ko na may tinatago ka sa akin." Napakunot noo lang ako sinabi ni Cie. Pinagsasabi niya. Wala akong ibang gusto kundi siya lang. Ilang beses ko ba sasabihin sa kaniya ang mga kataga ito. Na wala akong ibang mamahalin kundi si Cie lang. Si Cie lang ang gusto ko makasama habang buhay.

"Cie, ano pinupunto mo. Alam mo naman di ba na ikaw lang ang mahal ko. Cie, kung ano man iyan na sa isip mo. Puwede ba alisin mo iyan sa utak mo. Hindi kita lolokohin at hindi ako magmamahal ng iba. Ikaw lang ang mamahalin ko. Hindi ako magsasawa bigkasin ang katagang ito mahal kita noon, ngayon magpakailanman at habang buhay na tayo magsasama hanggang sa pumuti ang ating buhok. 'Wag ka naman ganyan oh! Hindi ako sanay." Niyakap ko si Cie.

"Talaga hindi mo ako iiwan." Nginitian ko lang si Cie. Na ngayon ay nakangiti na rin siya.

"Para mawala iyan selos mo. Gusto mo ba magpicnic tayo." Tumango lang si Cie. Tsaka ko siya hinila.

"Teka! Hindi ba tayo magbibihis."

"Bakit ba! Tayo dalawa lang naman ah! Tsaka hayaan mo sila sa ganda ng mahal ko." Hindi na lang nagsalita si Cie. Sumakay na ako mabilis ko pinaandar ang sasakyan hanggang sa nakarating kami sa aming munting Paraiso. Bumaba na nga kami. Nang mapatingin si Cie sa akin na ngayon naguguluhan ako.

"Kamamadali natin wala man lang tayo dala. Picnic ba ito?" Natampal ko mukha ko. Oo nga! Pala wala kami kahit ano dala. Nilapitan ko si Cie. Puwede ba iyon. Kinuha ko ang phone na matugtog ako ng favorite namin song ito ay ang Okey Lang ba? na kinompose isa sa favorite namin singer at composer ay si Che Reblando at ang alam ko ay kapatid niya ang nag-compose habang siya lang ang kumanta.

Nandito ako, umiibig sa'yo.

Nandito ako, naghihintay sa puso mo.

Araw-araw ikaw minamasdan

Nguni ikaw may gustong iba

Paano na ang pagmamahal ko sa'yo, sinta?

Chorus:

Okey lang ba? Kung maging tayo

Okey lang ba? Kung ako na lang ang mahalin mo

Buong puso kong ibibigay ang pagmamahal ko sa'yo.

Akin ka na lang, kung okey lang ba?

Oh, oh, oh, oh, okey lang ba?

Oh, oh, oh, oh, okey lang ba?

Na maging pangalawa sa puso mo

Masakit man isipin na hanggang

Kaibigan lang ang kaya mong ibigay.

Ngunit tinitiis ko

Dahil mahal kita

Okey na sa akin makita kang masaya sa piling ng mahal mo

Basta't alam mo mahal kita

Repeat Chorus

Ito lang ang masasabi ko.

Kung tapos ka na magmahal

Ako naman ang mahalin mo.

Giliw…..

Repeat Chorus 2x

Nilagay ko sa bulsa ang phone at maingat ko kinuha kamay ni Cie. Nagsasayaw kaming dalawa na animo'y na wala kaming pakialam sa paligid, sabay kaming dalawa lang ang tanging saksi, ang mga ibon na lumilipad, at ang mga puno na sumayaw sa agos ng hangin lahat ng ito saksi nila. Nang makaramdam kami ni Cie na pagod. Sumilong muna kami sa ilalim ng puno na kung saan dito kami nakaupo kapag nandito kami. Nagpahinga muna kami habang si Cie, nakasandal sa akin.

"Thank you, Bee; thank you, sa lahat ng ito."

"Para saiyo, gagawin ko ang lahat para saiyo. Ayaw kasi kita nakikita malungkot."

"Mahal mo nga ako."

"Ikaw, kasi panay duda ka sa akin."

"Natakot lang ako. Tara na bee, uwi na tayo. Isa pa nakapag relax na ako. Pahinga na rin tayo." Tumango ako mapasunod kay Cie. Bumalik na nga kami sa aming muntik bahay. Nagmadali si Cie pumasok sa bahay na may ngiti sa kan'yang mukha. Napalapit ako aking sopa at naipikit ko mga mata ko.



SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon