Chapter 21

32 6 0
                                    

            Chapter 21

Cieron's Pov

Hindi ako na alam anong mararamdaman ko ngayon araw, ngayon pa wala sa tabi ko si Krizzy. Kahit kailan kapag kailangan ko siya ang siyang wala sa tabi ko. Hindi ako handa sa muli namin pagkikita namin ni Ja. Sobra-sobra akong kinabahan.

"Hi!" Daan-daan ako napatingala sa kaniya. Tanging ngiti lang sagot ko sa kaniya. Parang kumabog ang puso ko sa muli namin pagkikita.

"Mas lalo ka gumanda." Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Hanggang ngayon bolero pa rin siya. Ito ang isang bagay na gustuhan ko sa kaniya.

"Wala ka bang sasabihin sa akin."  Bakit ang daldal niya. Hindi ko alam sasabihin ko. Ibang Ja na ang kaharap ko.

"Kumain ka na ba?"

"Ah!" Iyon lang nasabi ko. Nginitian niya lang ako. Nandiyan na naman siya sa pacute niya.

"Mukhang hindi pa. Tara!" Sabay hila niya sa akin. Napasunod na lang ako sa kaniya. Tsaka niya ako binigyan ng pagkain na siya na naglagay. Napatingin ako sa aking plato. Hindi na ako na pagkareklamo sa kaniya. Ang dami kasi nilagay niya, halos ata ng putahe nilagay ni Bee. Mauubos ko ba ito? Sabi ko na lang sa aking isipan.

"Oh! Kumain ka ng marami, mukhang namayat ka. Pinababayaan mo ba sarili mo? Hayaan mo nandito na ako para alagaan ka." Napatingin ako sa kaniya masama. Kaya ba niya ako nilagyan ng pagkain ay para laitin niya. Tsaka niya ako hinila ulit. Hindi man lang nakuha sa tingin. Dinala niya lang ako sa isang lugar na kaunti lang ang tao. Mukhang bihasa siya sa lugar na ito. Ang bilis kasi niya maglakad tila ba na alam niya ang kung saan siya patungo. Pasimple lang ako nakatingin sa paligid.

"Nagustuhan mo ba?" Nakalimutan ko magkasama nga pala kami. Muli ako napatingin sa kaniya.

"Ah!" tanging na sabi ko lang.

"Sa katunayan ng malaman ko kay Cha na magcecebrate siya ng kaniyang kaarawan, ako na ang kusang nagsuggest sa kaniya. Nitong nakaraan na buwan nagkita kaming dalawa. Ang sabi niya uuwi raw siya sa pilipinas para magkita-kita tayong mga batchmate natin, kaya noong nalaman ko nakipagdeal na ako sa kaniya na gamitin niya itong C and J Resort and Restaurant. Alam mo ba ibig sabihin ng C and J?" Seryoso ako nakatingin sa kaniya.

"Ano?" mahina ko sabi. Nginitian niya lang ako.

"Narinig mo ba sinabi ko kanina?" Oo nga pala nagsasalita siya kanina pero tila ba wala akong maunawaan. Dala siguro ng tensyon ko kanina o sadyang sa ingay na katabi ko. Kung makakilig kasi sila kay Ja akala mo artistahin si Ja. Kung ako tatanungin kahit naman hindi artista si Ja, may angkin kagwapuhan si Ja. Kaya nga ako nainlove sa kaniya. Sa dinami rami nagkakagusto kay ako pa rin ang inibig niya. Inamin ko noon habuli ng kababaihan si Ja. Hindi maipagkakaila guwapo naman talaga si Ja noon pa man hanggang ngayon wala pa rin kupas nag kagwapuhan.

"Namiss kita." Nabulunan ako sa kinakain ko spaghetti. Sa taranta ni Ja napatayo siya tsaka niya ako binigyan na maiinom ko, na hindi ko man lang tiningnan tsaka ko lang nalasahan ng nainom ko na  ay  lasang alak. Napatingin ako sa baso na binigay niya. Natampal ko ang ulo ko. Halos na ubos ko ang alak na binigay ni Ja. Alam naman ni Ja na mabilis ako malasing. Nahalata niya nakatingin ako sa baso.

"Hay! Sorry." Iyon lang nasabi niya. Para hindi siya maoffend nginitian ko lang siya.

"Kumain na tayo." Iyon lang nasabi ko. Hindi na kami nagsalita hanggang sa naubos namin ang pagkain. Hindi ko akalain na mauubos ko binigay ni Ja.

"Cie," muli bigkas ni Ja. Napatitig ako sa kaniya.

"Bumalik ako ay dahil saiyo." Ang seryoso mukha ni Ja.

"Itong C and J resort and Restaurat pinaghandaan ko ito sa muli kong pagbabalik ay dahil saiyo."  Mukhang lasing na si Ja. Kahit na ako nakaramdam na rin na hilo. Kanina pa niya binabanggit sa akin ang C and J na curious ako. Gusto ko tanungin pero wala akong lakas na boses ako magsalita.

"Bee." Bigla ako napatigil ng marealize ko sinabi ko. Napaangat si Ja nakangiti sa akin.

"Namiss ko iyan. Ako pa rin ba ang Bee mo?" Hindi na lang ako nagsalita. Kahit naman wala na kami siya pa rin ang Bee ko.

"Lasing ka na?" Tumayo na ako kahit na nahihilo, gawa sa nainom kong alak.

"Diyan ka lang. Hahanapin ko si Jary para samahan ka niya tsaka aalis na rin ako gabi na rin kasi." Patalikod na ako ng bigla niya ako kayakapin.

"Dito ka lang Cie, 'wag mo kong iwan." Naipikit ko mga mata ko. Hindi ako makaharap sa kaniya. Daan-daan ko inalis mga kamay niya. Ayaw ko saktan si Bee. Sobra-sobra sakit ang nagawa ko sa kaniya. Narealize ko na hindi pala ako dapat naniwala agad pero nagmahal lang ako. Ngayon na ok na kaming dalawa sa muli namin  pagkikita, pero hindi ibig sabihin na makikipagbalikan na ako sa kaniya. Alam ko masaya na siya sa buhay niya na wala ako. Dalawang taon na wala kaming kuminikasyon sa isa't-isa. Daan-daan ko nilapitan si Bee.

"Bee." Hindi ko napigilan ng puso ko yakapin si Bee, na kahit sa  kabuturan ng puso ko na sinasabi na tigilan ko na 'to, pero ang hindi ko magawa. Mahal na mahal ko pa rin si Bee hanggang ngayon. Siya lang lalake ang minahal ko buong puso ko. Nasaktan lang ako ng makita ko ng gabi may kayakap siya na sobra ako nasaktan. Nagkamali ako sa naging desisyon ko iwan si Bee na hindi ko man lang siya kinausap sa nangyari noon. Ako lang nagdesisyon na iwan siya.

"Mahal kita Cie." Iyon ang huli  narinig ko buhat Kay Bee bago ako nawalan ng malay.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon