Chapter 9

19 5 0
                                    

            Chapter 9

Cieron Pov



"Aalis ka na naman, linggo ngayon, napapadalas na ata alis mo." Nginitian lang ako ni Bee. Sa huli hindi na lang ulit ako nagtanong, may lakad din naman ako pupuntahan. Niligpit ko na mga kainan namin at umalis na rin ako ng maayos ko na ang dapat ko linisin.

"Nakakunot ka?" Napatingin lang ako kay Shawn.

"Wala!" mahina ko sabi.

"Anong wala, sa mukha mo pa lang hindi maipinta. Ano sinasaktan ka ba ng boyfriend mo?"

"Pinagsasabi mo. Ok lang kami ni Bee."

"Eh! Bakit ganyan mukha mo?"

"Hay naku, 'wag mo na pilitin." Napalingon kami ni Shawn kay Krizzy. Ang loka-loka kumain ng ice cream, hindi man lang kami nagawang bilhan. Isa pa ang aga-aga ice cream agad ang loka-loka.

"Buntis ka ba?" Ewan ko bakit iyon ang nasabi ko. Araw-araw kasi may ice cream ang loka-loka habang si Shawn tawang-tawa sa sinabi ko.

"Mukha ba ako buntis! Paano ako mabubuntis, wala nga ako boyfriend. Ano ito nabuntis ng ice cream!"

"Akala ko kasi naglilihi ka." Tinawanan lang nila ako.

"Alam mo linggo ngayon, hindi kaya mamasyal na lang tayo para naman kahit papaano marelax tayong tatlo. Isa pa hindi pa tayo nakapag relax."

"Agree ako saiyo. The best ka talaga Shawn." Sa huli nagkasundo kaming tatlo sa aming plano. Namasyal kami sa paraiso na kung saan isa sa mga mall pag-aari ng family ni Bee.

"Kumain muna kaya tayo, bago tayo maglaro."

"Anong laro? Ano ka bata?" Basag trip ni Shawn kay Krizzy. Madalas kasi sinisita ni Shawn si Krizzy, pero ang lakas ng pakiramdam ko may lihim na pagtingin si Shawn kay Krizzy hanggang ngayon.

"Mabuti pa mga kumain muna tayo." Pagsang-ayon ko kay Krizzy. Napa Sunod lang sa amin, si Shawn. Sa huli siya pa rin ang nag-order habang kami ni Krizzy naghihintay sa kaniya.

"Ang cute pa rin ni Shawn noh." Napatingin sa akin si Krizzy.

"Cute ba iyon!"

"Cute kaya. Isa pa bagay kaya kayo." Nabulunan si Krizzy sa kinakain niya mani. Kanina pa kasi siya kumakain hanggang ngayon, hindi pa rin matapos-tapos. Napatayo ako nataranta. Ginawa ko sa katabi namin kinuha ko ang juice na hindi pa rin ginagalaw ng lalaki tsaka ko binigay kay Krizzy Todo inom rin siya."

"Salamat," mahinahon niya sabi. Bigla ako ng hina sa sinabi niya. Napakapit ko sa upuan ng katabi ko.

"Ok ka lang." Nilingon ko siya tsaka ako tumango sa kan'ya.

"Oh! Cie nangyari saiyo? Nakipag-away ka ba? Ang gulo ng buhok mo?" Napakapa ako sa buhok ko. Kagagawan kasi ito ni Krizzy. Nang maalala ko ginawa ko. Napatingin ako sa lalaki. Buti na lang, hindi siya nagalit sa ginawa ko. Lumapit ako kay Shawn. Kinuha ko Juice ko na para sa akin tsaka ko binigay sa lalaki.

"Pasensiya na po kanina. Ito na po pala ang juice." Nginitian niya lang ako. Ang cute ng dimple ng lalaki.

"Ok lang, saiyo na iyan."

"Paano po kayo?"

"Sa girlfriend ko. Di ba love." Tumango ang babae sabay bigay niya sa boyfriend niya. Ang sweet nila titingnan. Ako kahit na super suwerte ko kay Bee pero isang bagay ang hindi ko magawa sa public iyong ang maging sweet niyo sa isa't-isa, lalo kapag nagsusubuhan sa public na animoy wala kayong pakialam na kahit may iilan na naiinis kapag super sweet niyo sa isa't-isa. Ako kasi gustuhin ko man pero pinipigilan ko lalo na kasama ko si Bee. Ayaw ko siya madamay sa panghuhusga ng nga tao. Ang mundo kasi natin ngayon ay punong-puno ng panghuhusga. Husgahan ka base sa nakikita nila. Hinuhusgahan ka ay dahil iba sa kanila. Pero sa huli, hindi ko na lang sila pinapansin at hanggang sa umiwas ay iiwas na lang ako.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon