Chapter 19

20 4 0
                                    

Chapter 19

Cieron's Pov

"Cie, kausapin mo naman ako." Sigaw ni Bee habang nasa labas siya.  Kahit na ano sabihin ni Krizzy sa kaniya hindi pa rin siya umaalis. Nakatanaw lang ako sa kanila habang kinakausap siya ni Krizzy.

"Cie, kausapin mo naman ako." Patuloy pa rin sigaw ni Bee. Tinalikuran ko na sila. Bumaba na lang ako.

"Bessy kausapin mo na si Ja, hindi ka ba naawa sa kaniya. Kanina pa siya riyan sa labas, inabot na nang gabi. Mukhang hindi pa siya kumakain." Tiningnan ko lang si Krizzy. Bakit nag-iba na siya pananaw. Dati naman kontra siya sa amin.

"Bessy alam ko iniisip mo. Hindi naman sa kinakampihan ko si Ja. Maaawa ka roon sa tao. Kausapin mo."

"Wala na kami dapat na mag-usapin. Sapat na nakita ko Krizzy.  Ang sakit-sakit." Umiiyak na ako nakaharap sa kaniya.

"Fine! Pero hindi ka ba naawa sa kaniya. Hindi mo ba aalamin ang katotohanan."

"Para ano pa Krizzy. Para saktan ulit si Cie." Napalingon ako biglaan pag-sulpot ni Shawn.

"Gago iyon kung hindi mo lang ako inawat. Hindi sana nakaganti ako."

"Bahala kayong dalawa. Ang hirap niyong pagsabihan." Napatingin na lang ako habang palabas si Krizzy.

"Kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito. Kumain ka?"

"Busog pa ako," mahina ko sabi. Tinawanan niya lang ako.

"Busog! Halos hindi ka na kumakain."

"Wala akong gana. Sa tingin mo may gana pa akong kumain. Hindi ko na alam ang anong nangyayari sa buhay ko. Bakit ang hirap-hirap magmahal? Bakit parang ang dami balakid sa pagmamahal ko. Hindi ba ako karapat dapat na mahalin? Una sa family ko na hanggang ngayon ang hirap nila unawain ako. Ang hirap nila tanggapin kung ano at sino ako. Ngayon nawala ang taong mahal ko. Di ba iyon naman ang gusto niyong lahat ang maghiwalay kami ni Bee. Ito na oh!  Ito na, wala na kami ni Bee."

"Dahil ayaw ka lang namin saktan. Ayaw ka lang namin mahirapan. Ayaw namin na mangyari ito pero ngayon ito na  kinakatakot namin. Nasaktan ka." Napatingin lang ako kay Mommy. Ginagawa nila rito.

"Sorry pakiramdam mo na hindi ka namin mahal. Mahal ka namin Cie, hindi namin kaya na masaktan ka. Cie. Bumalik ka na sa amin." Natawa akong mapakla sa sinabi ni mommy.

"Bakit dahil ba wala na kami ni Bee. Kaya ngayon madali na lang sainyo ang lahat ng ito." Sa inis ko tinalikuran ko family ko. Ayaw ko may masabi ako iba hanggat maari umiwas ako.  Lumabas ako nang makita ko si Ja na may pasa ang mukha. Hinila ko si Ja. Kahit na nasaktan niya ako. Hindi ko kayang nasasaktan siya ng iba.

"Sa paraiso tayo?" mahina sabi ko sa kaniya. Habang si Bee natulala sa akin nakatingin.

"Sabi ko sa paraiso tayo." Mataray ko sabi sa kaniya.

"Sasama ka ba o maiiwan dito?" Sabay talikod ko. Paalis na ako ng yakapin niya ako.

"Cie, mahal na mahal kita." Kusa ko inalis ang pagkayakap niya.

"Tara na!" sabi ko sa kaniya.

"Saan ka pupunta?" Napalingon ako kay Krizzy.  Hindi ko na lang siya pinansin. Sumakay na ako sa motor ni Bee. Tahimik si Bee nagdadrive habang palapit na kami sa paraiso. Napakurap kurap ako. Hindi kasi ito ang inaasahan ko mangyari. Parang may mali.

"Nasa paraiso ba tayo?" Mahina ko sabi. Wala akong narinig buhat kay Bee. Maya-maya nakarating na rin kami. Bumaba na ako. Hindi ko na hinintay pa si Bee. Galit ako sa kaniya. Habang palakad ako na may natanaw akong isang malaking bahay.

"Nagustuhan mo ba? Surprise ko sana iyan saiyo, kaso mapilit ka ngayon." Napatingin lang ako kay Bee.

"Alam mo nangarap tayo di ba na magsasama habang buhay. Ito ginawa ko para sa ating dalawa na panahon na lagi akong wala na pakiramdam mo na binabalewa na kita." Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Kaya lang galit ka sa akin. Bee, galit ka ba?"  Napayuko ako nakatingin kay Bee.

"Bee, mahal na mahal kita. Ayaw ko magkahiwalay tayo." Hindi ko napigilan umiyak sa harapan niya.

"Bee, hindi ko na alam ang nangyayari sa atin dalawa. Bee, hindi lang isang beses nakita ko kayo. Nagsinungaling ka Bee. Natandaan mo noon, maaga kang umalis ang sabi mo may tatapusin lang kayo ng kaibigan ko, pero nakita ko Bee, nakita nang dalawa kong mata na magkasama kayo ni Danica ang sweet niyo pa noon. Ito ang patunay Bee." Sabay abot ko sa kaniya ng phone ko.

"Nakunan kita noon nang kukuhanan ko sana si Shawn at Krizzy na para naman may picture ang dalawa pero nahagip ka sa camera. Tinanong kita noon Bee nagsinungaling ka."

"Kaya ba noon naging mahilap ka sa akin. Cie, alam mo naman na ikaw lang bukod tanging minahal ko. Sana sinabi mo sa akin. Sana nilapitan mo ako para naman ma-explain ko ang side ko."

"Kapag ginawa ko iyon. Gulo lang ang mangyayari. Kasama ko noon si Shawn. Muntik ka nga masapak noon pinigilan ko lang."

"Sana ginawa mo nga. Para malaman mo ang totoo. Kilala mo ba talaga ako Cie?"

"Iyon na nga Bee, ang hirap na akong magtiwala sa ngayon. Alam mo naman ang dami mata nila sa atin pero binigyan mo ako ng isang bagay na puwede natin ikasira."

"Ganoon-ganoon lang kadali saiyo? Mahal mo ba ako?"

"'Wag mo kuwestunin ang magmamahal ko saiyo. Alam mo mahal kita. Handa kita ipaglaban hanggang kaya ko. Pero sa ngayon gusto ko muna mapag-isa."

"Makikipaghiwalay ka ba Cie?" Hindi ako nakahimik.

"Maghihiwalay ba tayo, Cie?" Tumango lang ako.

"Shit! Bakit Cie, hindi mo na ako mahal?"

"Mahal kita kaya ayaw kitang nakikitang nasasaktan. Kung hindi mo ako titigilan hindi ko kayang nakikitang ganyan ang mukha mo." Sabay turo ko sa kaniya.

"Gusto ko muna hanapin ang sarili ko. Naniniwala ako sa takdang panahon. Kung para tayo, para tayo. Sa ngayon gusto ko muna hanapin ang sarili ko. Hanapin mo rin ang sarili mo Bee. Dahil buong buhay mo sa akin ka nakatingin. Kaya gusto ko hanapin mo sarili mo. Ako pa talaga para saiyo o isang fairy tale lang sa atin dalawa. Bee, may maganda future ka pa makakasalamuha. May maganda buhay ka pa makikilala at bubuo sa buhay mo. Paalam Bee. Nandito lang ako para kausapin ka." Tinalikuran ko na si Bee tsaka ko siya iniwan. Masakit pero kailangan ko ito gawin.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon