Chapter 13
Cie's Pov
"Kumusta ang bakasyon niyong dalawa? Ano nasabi mo na ba ang matagal mo nang lihim sa boyfriend?"
"Ano ka ba Shawn! Tanong agad!"
"Eh! Tingnan mo ang mukha niyan parang a-ano hindi masaya." Napatingin ako sa kanila.
"Oh! Ano na!" Sabay yugyog sa akin ni Krizzy.
"Parang may koneksyon pa rin sila," mahina ko sabi.
"Pa-ano may koneksyon, linawin mo nga!"
"Maaga siya na may hawak na cp! Tapos ang aga may tumatawag sa kaniya." Seryoso lang nila ako tinitigan. Habang kinikuwento ko sa kanila.
"Pa-ano ka aga?"
"Anong tanong iyan Krizzy paano ka ng paano?"
"Eh! Wala naman siya binigay na extrang oras." Sabay kamot ni Krizzy.
"4:a.m na ng may tumawag kay Bee. Nagising nga ako sa lakas ng tawag. Nagulat si Bee ng makita niya ako. Alam niyo ginawa ni Bee, pinatay niya ang Cp niya at tinago agad. Sa tingin niyo may nililihim si Bee? Nainis nga ako, iniwan ko siya pero ano ginawa niya hindi niya ako sinundan, kadahilanan ay babalik ako sa kan'ya. Paano wala naman raw ako matutuluyan kung hindi ang bumalik kung saan kami dalawa." Tinawanan lang nila ako. Sabi na eh! Kung kailan nagdadrama ako nagawa pa nila ako tawanan. Hindi ko alam seryoso ba sila o pinagtripan lang nila ako. Kita na may problema ako. Hindi ko alam anong gagawin ko.
"Kakainis naman kayo."
"Bessy, kung matagal mo na kasi sinabi sa kaniya. Eh! Di sana wala kang iniisip na ganyan.
"Hindi kadali iyon Krizzy. Isa pa kahit naman kausapin ni Cie si Bee niya sa tingin mo aamin iyon. Baka nga naging maingat pa ang loko." Napatingin ako sa sinabi ni Shawn. Naguluhan na tuloy ako. Gulong-gulo na ang isip ko tapos ito pa may maririnig ako sa kanila.
"Tingin niyo magagawa ka niya iyon?" Habang ang mga mukha nila seryoso nakatingin sa akin. Hindi ko mawari kung seryoso ba sila o hindi? Tiningnan lang nila ako.
"Sa tingin mo magagawa niya?" Balik tanong ni Shawn sa akin.
"Kung kilala mo siya, ikaw lang makakasagot na tanong na iyan.
"Sa tingin ko seryoso naman siya." Lahat kami nakatingin kay Krizzy.
"Oh! Mukha niyo." Mataray na sabi ni Krizzy.
"Ang ibig ko sabihin. Sa tingin ko hindi niya magagawa iyon base sa pagkakilala ko sa kaniya. Isa pa matagal ko rin nakasalamuha iyan si Ja at ang mga kaibigan niya. Nakita ko naman ang kabaitan ni Ja kay bessy. Di ba bessy?" Oo nga pala! Nagkakilala kami ni Ja noong nag highshool kami at naging magkaklase kami nila Krizzy habang si Shawn iniwan kami. Kaya wala siya alam sa amin. Pero dahil sa social media. Hindi nawawala ang communication namin tatlo. Bata pa lang kami magkaibigan na kami. Nalala ko noon, si Krizzy ang aming munting prinsesa habang kami naman ang escort niya ni Shawn. Pero habang lumalaki kaming tatlo. Marami na ng bago sa akin. Tanging si Krizzy lang ang una ko sinabihan na may kakaiba sa akin.
"Alam niyo nagbabago ang takbo ng buhay ng tao. Hindi sa lahat ng oras mabait siya." Napagawi tingin ko kay Shawn ang seryso niya kasi.
"Bakit ba ganyan pananaw mo? Tinatakot mo naman si Bessy. Tsaka mukhang seryoso naman si Ja. Sa tingin mo aabot sila ng ganito kung lokokohin lang siya. Ang dami na nila pinagdaaanan."
"Balimbing ka rin. Dati naman kontra ka sa kanila. Ngayon nangyari pinagtatanggol mo si Cie."
"Kasi po, kahit na tumutol tayo. Hindi naman natin maawat iyan. Inlove ang bruha." Lahat sila sa akin ang tingin. Habang ako palit-palit ang tingin sa kanila. Nag-aaway ba mga 'to.
"Hay! Naku tigilan na natin ito. Makaksira pa sa beauty mo bessy. Mabuti pa simulan na natin itong C.K.S design ng matapos na tayo at masimulan na natin ito.
"Hoy! Bakit C.K.S. Design?" Pagbabara ni Shawn sa kaniya. Paladesisyon kasi ito si Krizzy.
"C.K.S. Design meaning po Cieron, Krizzy and Shawn iyon po ang meaning."
"Eh! Bakit may Design?"
"Eh, ano ba dapat?"
"C.K.S. Mini Restaurant and Event Design. Paano tayo gagawa ng event kung wala naman Mini Restaurant."
"Restaurant ba? Akala ko flower shop itatayo natin."
"Gagi, Restaurant. Ano ako gagawin niyo rin babae?" Tsaka ko natampal mukha ko sa sinabi ni Shawn. Ngayon ko lang nagets ang pinagsasabi niya. Kapag kasi may meeting kaming tatlo tanging si Krizzy lang kasama ko sa plano. Ngayon lang namin ito nakasama at kumontra pa talaga sa plano namin. Ayos na. Pero may isang kumontra ang huli siya pa rin ang nanalo. May point naman si Shawn kaya nagsang-ayon na lang kami ni Krizzy kesya naman ito pa namin pagkaguluhan. Kilala namin si Shawn hindi rin ito magpapaawat.
"So final na ito? Ano Bessy ito na ba suggestion ni Shawn." Tumango na lang ako. Habang si Shawn tawang-tawa lang siya sa amin.
"Oh! Siya ang dami natin napag-usapan na wala naman kabuluhan. Aalis na ako." Sabay tayo ni Shawn sa amin.
"Saan ang punta mo?"
"Bakit sasama ka?" Habang nakangiti ang loko.
"Sumama ka na Krizzy. Makipagdate ka kay Shawn. Ikaw Shawn 'wag ka ng torpe." Napalingon si Shawn sa akin namumulaang mukha sa sinabi ko. Totoo naman kasi ang torpe kasi. Ayaw pa sabihin ang nararamdaman. Kaya ako na gumawa ng hakbang sa kanila. At ang loka-loka kong kaibigan ayon kinilig siya. Nagpaalam na rin ako sa kanila. Dahil sa maaga pa nagluto na ako ng dinner namin ni Ja. Lagi kasi gabi na umuuwi si Ja at bihira na lang kami nagkikita dalawa. Dahil sa friday ngayon alam ko na maaga si Ja umuwi kaya maaga ako nagluto. Habang hinihintay ko si Ja. Nanuod muna ako tv. Nang makaramdam na ako gutom napatingin ako sa orasan ko. Nagulat ako 9pm na wala pa rin si Ja. Sinubukan ko tawagan siya. Hindi niya sinasagot. Hindi ganito si Ja, lagi naman niya sinasagot agad ang phone bakit parang may mali. Dahil sa hindi ko na kaya ang gutom kumain na ako. Hinintay ko si Ja sa baba. Hanggang sa inanantok na ako.
--------
C.K.S Design
C.K.S-Cieron, Krizzy, and Shawn
C.K.S. Mini Restaurant and Event Design.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...