Chapter 23

22 5 0
                                    

                Chapter 23

Cieron's Pov

"Oh! Anong nangyari diyan sa mukha mo?" Napatingin lang ako sa mga kasama ko. Inarapan ko lang sila. Akala na nila hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sa akin.

"Hoy! Halos isang buwan na oh! Galit ka pa ba sa akin?"

"Tsk! sabi ko kay Krizzy.

"Eh! Kahit naman ako nagulat sa nangyari noon."

"Tsk!" sabi ko ulit sa kaniya.

"Bahala ka diyan. Tara na Shawn."  Napatingin ako sa dalawa. Talagang iiwan ako.

"Iiwan talaga ako ah!"

"Sa hindi mo naman kami kinakausap ni Shawn."

"Paano naman kasi-----." Hindi ko masabi ang sasabihin ko. Alam ko na tatawanan lang nila ako. Paano ba naman kasi itong si Ja, sobrang kulit. Tinataguan ko na nga nahahanap pa rin niya ako ay dahil sa mga kaibigan ko na pinagpalit ako. Ewan ko ba bakit parang may mali. Kampi na kasi sila kay Ja na ako naman ang best friend nila.

"Cie, sasama ka ba sa amin? O maiiwan?" Napakunot noo ako nakaharap kay Shawn.

"Sasama! Bakit saan ba tayo pupunta?"

"Mamasyal para naman mabawasan iyan init ng ulo mo at mapatawad mo na kami ni Shawn." Nginitian lang ako ng dalawa. Parang may kutob ako puwede mangyari. Sa huli napahiling na lang ako sa kagustuhan nilang dalawa.

"Magpapaiwan ka?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Shawn. Tsaka pagkakataon na nila umamin sa isa't-isa para naman sumaya ang lovelife nila hindi iyon nakabuntot ako sa kanila.

"Oh! Siya umalis na kayo, kung aalis kayo. Isa pa sanay may maganda kayong kuwento sa akin bukas." Ngitian ko lang sila. Habang ang dalawa nakasalubong ang dalawang kilay nila. Iniwan na ako ng dalawa. Ako na lang ang natira. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa ng mangalay ako sa kakaupo. Ngayon nakatutok ako  sa aming munting Restaurant. Iniwan  ko ang buhay ko dati na maging isang event planning. Napatayo ako na animoy nag-exercise. Nang makarinig ako palakpak. Napalingon ako nakatitig sa kaniya. Ang guwapo niya sa suot niyang polo t-shirt.

"Hindi ka pa ba tapos, anong oras na?" Napakunot noo lang ako sa kaniya.

"Uuwi ako kapag gusto ko?"

"What! 'Wag mo sabihin may balak ka magstay dito at 'wag mo sabihin dito ka na matutulog?"

"Hindi! Tsaka maaga pa naman ah! Teka nga bakit ka ba nandito?" Tinitigan niya lang ako.

"Sinusundo ka."

"Bakit?" Iyon lang nasabi ko.

"Anong bakit? Sinusundo kita kasi po gabi na at wala kang kasama. Nasaan na mga kasama mo?"

"Umalis na."

"Nagpaiwan ka?"

"Oo! May tinatapos lang akong pirmahan."

"Hindi ba iyan puwede ipag-bukas." Hindi na lang ako nagsalita pa. Hindi ako matatapos sa ginagawa ko kung makikipag-usap pa ako kay Bee.  Umupo ulit ako. Ipagpapatuloy ko ang aking naudlot na kanina ginagawa ko ng bigla kunin ni Bee ang ballpen ko. Ang seryoso niya. Tsaka niya inayos ang mga gamit ko. Ako naman nakatingin lang sa kaniya.

"Tara na. Kanina pa ako nagugutom. Kung hindi ako makatimpi  ikaw ang makain ko." Napatingin bigla ako kay Bee. Ang seryoso niya. Sa hiya ko nauna na ako. Tinalikuran ko na siya. Naramdaman ko na nakasunod siya sa akin na alam ko nakatawa ang loko. Muli ako napaatras naalala ko. Iyong pintuan. Tiningnan ko kung naisara ni Bee.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon