Chapter 11
Cieron's Pov
"Hindi ka pa ba babangon. Ilang araw ka na hindi pumapasok."
"Gusto ko pagsilbihan kita. Isa pa nagpaalam na rin ako sa kanila."
"Anong pinagsasabi mo. Bumangon ka na rin." Pagtatapik ko sa kan'ya. Bumangon nga si Bee nakabusangot lang ang mukha niya.
"Eh! Ayaw ko pumasok." Talaga gumawa pa nang dahilan.
"Pero paano work mo?"
"Andiyan naman ang secretary ko. Isa pa kampante ako sa secretary ko. Pakiramdam ko nga siya ang boss ko, takot lang ng mga kaibigan ko sa kan'ya." Natawa na ako sa sinabi ni Bee. Kilala ko si Tres, parang bomba na sasabog na lang anuman oras. Ang daldal niya sobra hindi nawawalan ng sasabihin, minsan na siya naparito hinahanap niya si Bee, pero ang ending nakipag-usap sa akin na kahit ano. Tuloy hindi ako makaalis noong araw na iyon. May lakad kami ng mga kaibigan ko.
"Sabagay si Tres pa ba! Saludo ako sa loyal niya saiyo. Maganda si Tres, hindi ba nililigawan ng mga kaibigan mo?" Napangiti nakaharap si Bee sa akin."
"May crush si Tres, pero hindi ko alam kong gusto siya ni Nate."
"Si Nate may gusto si Tres." Hindi ko na pigilan napalakas ang boses ko. Sabagay mabait si Nate, iyon nga lang simula ng lokohin siya na taong minsan na niya pinagkatiwalaan, ngayon ay wala na siya sineseryoso at tanging ginagawa niya ay paglaruan ang mga babae humahaligid sa kan'ya.
"Oo, crush niya si Nate, pero sa atin-atin lang ito ah! Nangako ako kay Tres na hindi ko ito pagsasabi. Pero may iba may gusto kay Tres iyon ay si Leck."
"Leck!" Napalakas ang boses ko ulit sa sinabi ni Leck. Hindi kasi ako makapaniwala sa sinabi ni Bee, ang arte ng loko at alam ko si Leck ay para sa mga sosyal lamang tapos tinamaan siya kay Tres. Hindi maipagkakaila maganda si Tres.
"Kaya wala kang ipangamba sa work ko ay dahil si Tres na bahala na roon."
"Alam mo ang suwerte mo kay Tres. Ang sipag niyang tao. Nakikita ko ang sarili ko sa kan'ya. Iyong paghihirap niya at iyong pagmamahal niya sa mga magulang niya na para lang mapunan ang mga pangangailangan ng mga kapatid niya. Alam mo ang saya kausap si Tres at lagi niya sinabi sa akin. Na suwerte raw siya, na siya ang pinagkatiwalaan mo at siya ang pinili mo sa libo-libo ng mga aplikante."
"Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang pumili sa kan'ya. Kasi nga aliw na aliw ka sa tuwing nagsasalita siya." Natawa ako naalala ko nga.
"Paano hindi ako mapangiti sa kaniya, hindi pa nga natin tinatanong siya na unang ang nagsalita tapos hindi pa siya maawat, pero napabilib niya ako. Ang tapang niya at hindi siya natakot na harapin ang agos ng buhay na pinagdaanan niya. Kaya doon ako napahanga sa kan'ya. Teka bakit si Tres ang pinag-uusapan natin. Iniiba mo ang usapan."
"Sinusulit ko lang araw na nagleave ako. Isa pa 7 days lang ako nagpaalam sa kanila. Pumayag naman sila sa kagustuhan ko."
"Pumayag, oh! May kapalit!"
"Kilala mo mga sila. Oo ang kapalit sila naman ang magleleave."
"Sabay-sabay!" Tumango na lang si Bee sa sinabi ko.
"Paano iyan, kaya mo?"
"Oo! Sanay naman ako nawala ang mga loko. Isa pa, hindi naman mahirap andiyan naman si Tres."
"Ikaw ah! Dapat si Tres ang magpahinga, hindi ang mga kaibigan mo."
"Kahit naman sabihin ko Cie, mas gugustuhin niya pa raw may ginagawa siya kaysa manatili sa kanila. Maiistress lang daw siya."
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...