Chapter 5

25 6 0
                                    

                Chapter 5

Ja's Pov        

"Ano pare, ready ka na bukas." Napalingon ako sa katabi ko. Anong pinagsasabi niya bukas. May usapan ba kami na hindi ko alam.

"Tangina ito na nga sinasabi ko ang layo ng utak, eh!"

"Pinagsasabi mo Leck?" Irita ko sabi sa kan'ya.

"Tangina Nate, nakalimutan na niya ang usapan kahapon." Habang ang tatlo ay tawang-tawa lang.

"Wag na umasa, lagi naman iyan ganyan sa tuwing magkasama tayo." Sa inis ko, sinapak ko si Nate. Isa pa ito makisawsaw sa kalokohan ni Leck. Kung hindi lang ako sanay. Nabugbog ko na mga ito. Ang aga-aga iniinis ako. Bakit ba andito mga ito. Wala naman ako sinabi pumunta sila rito ang tanging sinabihan ko lang ang pinsan ko na halos isang buwan ng hindi nagpaparamdam. Tangina iyon, sa amin iaasa ang work niya. Ano pa ba maasahan ko hanggang ngayon ubod ng tamad at hindi pa rin nagbabago. Napalingon ako sa lakas ng boses ang lakas ng tawa, kasi habang iyong katabi niya ay nakasimangot. Bilib rin ako sa kanila. Bata pa lang hindi na sila pinaghihiwalay at ngayon wow! Umamin din ang pinsan kong torpe na ngayon masaya ang lovelife samantala itong  tatlong ito, wala pa ako nababalitaan na may jowa ang mga ito ngayon . Ang lakas maka alaska kahit isa nga wala sila jowa siguro ay dahil sa takot na sila sumubok o takot na magmahal kaya wala na sila sineseryoso. 

"Ikaw ba nagsabi sa tatlong ito." Sabay turo ko sa tatlo na ngayon nauna pa lumanon na hindi ko alam saan nila ito nakuha. Wala naman sila dala kanina pagbaba nila.

"Eh! Sabi mo may meeting tayong barkada pag-uusapan kaya tinawagan ko sila." Natampal ko mukha ko. Hindi ba niya gets na siya ang gusto ko kausapin. Hindi tungkol sa JJNL construction ang pag-uusapan namin. 

"Naku! Ja 'wag ka na umasa sa lalaking  ito. Ang laking bobo nito. Simple messages lang hindi na gets. Nabasa ko text mo."

"What? Pinakialaman mo phone ko."

"Makareact naman 'to."

"Naku Be, may tinatago iyan."

"Gago ka Nate makaBe ka. Girlfriend mo?"

"Gago in short ng Bea, nakikialam ka sa akin." Napahiling na lang kami ni Bea at iniwan namin silang apat.

"Ang ganda ng plano niyo?"

"Pangarap ni Cie iyan. Sa katunayan hindi niya alam ito pinagkakaabalahan ko. Siya ang naging inspirasyon ko upang matupad ang isa sa mga pangarap ko ito ay ang maging Civil Engineer at kasama ng mga pasaway ko mga kaibigan na isa rin sa tinupad namin ang pangarap na kahit na magkaiba man ang aming course pero nanatili pa rin ang aming pagkakaibigan." Sa amin apat tanging si Jary lang ang naiiba sa amin. Bata pa lang pangarap na ni Jary ang maging isang na chef. Sa katunayan may restaurant na iyan at may teen bar pa na siya.

"Nakita ko nga ang paghihirap mo. Pero wala ka bang balak ipakilala si Cie sa pamilya mo." Nanahimik ako sinabi ni Bea. Si Bea isa sa nakakaalam ng sekreto ng buhay ko at siya ang tagapayo ko sa lahat ng oras. Ang lawak ng pag-unawa ni Bea at naiintindihan niya kami.

"Hoy! Anong pinag-uusapan niyo. Tangina Ja sinusolo mo Girlfriend ko." Natawa ako bigla na lang siya sinapak ni Bea. Nakasimangot lang ang loko.

"Ano na balita sa project natin?" Panimula ko sa kaniya. Tinawanan niya lang ako. Ang project namin ay iyong bahay na pinatayo ko. 

"Ano ka ba ok na ok. Isa pa anong akala mo sa akin pinababayaan ko ang project natin, na sa akin mo pinagkatiwala. Tingnan mo naman di ba maayos na." Napatingin nga ako sa paligid ko. Wala akong masabi. Isa kasi ito sa pasyalan namin ni Cieron panahon na nagtatago kami sa kanila at ito ang nagpapatunay na dito kami nagmula at dito namin nakilala ang isa't-isa. Mula noon inalam ko kung sino ang nagmamay-ari nito at napag-alaman ko na matagal na pala ito gusto ibenta ay dahil sa hindi na raw nila malilinis pa ang lugar na ito. Natatakot rin sila manirahan dito kung kaya't hindi nagdalawang isip na  ibenta ito sa amin sa kadahilan ay wala naman tao nakatira sa lugar na ito.. Kaya hindi ako nagdalawang isip na bilhin sa tulong ng aking pinsan na si Jc na siya muna ang bumili ay dahil sa sobrang higpit ng parent ko na hindi ko alam anong sasabihin ko. Hindi nagdalawang isip ang pinsan ko na tulungan ako kapalit ng double bayad. Sumang-ayon na lang ako, kasya mapasa iba pa. Ang dami siya sinabi sa akin na kahit isa wala akong nagets.

"Ibigay mo na lang sa akin iyan hawak mo at nang maintindihan ko sinasabi mo." Tangina kasi tawa ng tawa.

"Magsialis na nga kayo."

"Gago ang layo ng biyahe ko. Isa pa may kasama tayo. Andiyan na nga siya sa may gate." Nakakunot noo ako sa sinabi ni Leck.

"Sino?" Sabi ko sa kan'ya. Tinawanan niya lang ako. Hindi ko gusto sa isip ng isang 'to. Nagkatinginan kami ni Bea. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Oh andiyan na siya," sigaw ni Leck sa amin. Para ako na estatwa ng makita ko siya. Anong ginagawa niya rito?

"Hi! Everyone!! Kumusta na kayo. Balita ko success ang business niyo. Grabe ah! Hindi man lang ako invited tapos ngayon." Maarte niya tanong.

"Nakauwi ka na?" Sabay lapit ni Jc sa kan'ya.

"Yep, yep ngayon pa na andito na si Ja." Sabay tawa niya. Hindi ko na lang pinansin ang kabaliwan niya. 

"So! May balikan na magaganap na naudlot na kasalan."

"Shut up, Leck!" Hindi ko mapigilan sigawan siya. Tangina sinadya niya ito. Para ano ipilit gusto nila.

"Ano ka ba! Hindi ka ba nagagandahan kay Danica. Isa pa bagay naman talaga kayo noon pa man. Ano ba ayaw mo sa kan'ya na sukdulan na humanap ka pa sa iba."

"Anong alam mo sa nararamdaman ko. Tangina anong problema mo sa akin Leck. Ikaw ba pinapakialaman ko. Hindi, di ba! Hindi kita pinapakialaman kaya manahimik ka. Buhay mo ang asikasuhin mo hindi buhay ko."

"Teka nga! Nag-aaway ba kayo? Relax lang."

"Tangina Jc, sino hindi mag-react sa ginagawa niya. Nakikialam kasi buhay ng may buhay.

"Kakainin mo rin iyan sa takdang panahon. Mapapasakin ka rin."

"Mangarap ka, hindi kita gusto. Makasarili ka. Dapat lang takasan kita sa kasal na kayo lang nagdecide."

"Dahil bulag ka sa pag-ibig. Pag-ibig ba matatawag diyan."

"Shut up! Anong alam mo sa pag-ibig ah!"

"Teka nga! Relax lang nga kayo. Personal na ito ah!"

"Tangina kasi Jc eh! Bakit ba ayaw niyo ako tantanan." Tinalikuran ko na sila baka hindi ako makapagpigil at may masabi akong iba. Umuwi na ako, hindi ko naabutan si Cieron. Parang nitong nakaraan buwan napapadalas ang magsasama niya sa mga kaibigan niya. Sino naman ako para pigilan si Cieron. Ako nga sinuportahan niya sa lahat ng pangarap ko, at hindi niya ako pinigilan sa mga kaibigan ko. Sino naman ako para pigilan siya sa kaligayahan niya. Sa inis ko. Napadapada ako sa sopa at pinikit ko mga mata ko.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon