Chapter 30

55 5 1
                                    

                       Chapter 30

Ja's Pov

Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko dahil magpopropose ako kay Cie ngayon at magkakaroon din ng house blessing para sa aming munting bahay na ipinagawa ko para sa aming dalawa."

"Relax lang Ja. Ngayon pa ba? Kung kailan ayos na lahat."  Napatingin ako kay Leck na ngayon karga niya si baby Lexie. Hindi ko napigilan manggigil kay Baby Lexie.

"Ano ba Ja! Inaano mo baby ko. Kapag ito umiyak lagot ako kay Tres."

"Nasaan si Tres?" Hindi ko kasi nakita.

"Asa ka doon! Alam mo bang tumulong siya. Nandoon sa kusina."

"What? May mga nakatoka na roon."

"Hindi maawat. Kadahilan gusto niya tumulong dahil kung hindi raw sa inyo ni Cie. Hindi raw siya aangat at hindi rin daw makakapagtapos mga kapatid niya. Akalain mo iba talaga rin trip ni Tres.

"Hayaan mo na. Ok na iyan na ikaw magbabantay sa baby mo para hindi ka makalandi." Natawa ako sa sinabi ni Bea.

"Congrats! Tara na magsisimula na." Napasunod  na lang ako kay Bea. Si Bea lang ang sinabihan ko na plano ko. Hindi ko na pinagkatiwala sa mga kaibigan ko.

"Ang ganda." Muli kong bigkas.

"Si Danica may isurprise niyan." Nagulat ako sa nalaman ko.
Nakatingin ako sa sa surprise ni Danica. Maliban sa nakared carpet may mga bulaklak sa bawat daan. Kulay pink ito. Sa bawat table naman kulay Blue at dalawang person lang. May lechon sa habang kainan. Sa gilid na kinatatayuan ko. May pasimple pa ginawa si Danica.
Congratulation.  Doon nakahanay ang mga handa. Maraming handa na hindi ko naman kilala ang iba. Hindi nakapagtaka mayaman eh! Kaya naman pala. Panay reklamo ni Bea na ang daming ginastos ni Danica. Ito pala iyon.

"Nandiyan na sila?" sigaw ni Jc.  Nagkatinginan lang kami ni Bea. Unting-unti nga pumasok sila sa pangunguna ni  Shawn at Krizzy.  Hinila na ako ni  Bea natulala ako ng makita ko si Cie. Hindi ko lubos maisip na magiging success ang lahat ng ito sa pangunguna ni Danica. Sobra kasi ganda niya, hindi ko akalain na magsusuot pa sila ng dress. Si Cie na naka pink habang si Krizzy nakablue.

"Ako na ba mauna?" Pabulong na sabi ni Danica sa akin. Tumango na lang ako.

"Relax lang, napaghahalataan ka." Sabay tapik sa akin ni Danica. Muli ako napalingon sa kanila hindi ko akalain kasama ni Cie ang buong pamilya niya. Sumaludo pa si Shawn sa akin.

"Good evening everyone!" Nagulat ako kay Danica. Nagsimula na pala siya sa tabi ko.

"Kaya mo iyan bessy, 'wag kang kabahan." Napalingon ako kay Bea. Mukha naiyak ng batiin siya ni Bea. Natuwa ako sa kaibuturan ng puso nanumbalik ang pagkakaibigan nilang dalawa. Hindi ko namalayan binigay na sa akin ni Danica ang Mic.

"Ikaw na congrats." Sabay tapik niya sa akin.  Kinabahan ako daan-daan ko kinuha kay Danica ang mic.

"Good evening." Panimula ko.

"Gusto ko lang sabihin sainyo sa lahat naririto,  taos puso ako nagpapasalamat sa lahat ng pagsubok naranasan namin. Salamat Danica sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas mo sa akin, nagawa mo pa rin ako patawarin. Sorry sa lahat ng ginawa ko saiyo. Alam ko nag-usap na tayong dalawa pero gusto ko pa rin na humingi ng tawad. Sana makatagpo ka na lalaki na mamahalin ka na tulad na pagmamahal mo sa akin. Nate, alam ko pinormahan mo si Danica. Kahit kaibigan kita Ipapabugbog kita sa oras na lokohin mo si Danica." Napalingon ako kay Cie.

"Sa akin parent na hindi ko man kayo nakasama simula ng takasan ko kayo na hinangad ko lang na "someday" na mabubuo rin tayo.  Sa akin mga kaibigan maraming-maraming salamat.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon