Chapter 12
Ja's Pov
Ang sarap ng tulog ni Cie, kaya hindi ko siya ginising. Alam ko na gustong-gusto niyang mamasyal na kasama ako. Pero kailangan din niya ang magpahinga. Kanina pa ako na gising, hindi na kasi ako inaantok. Sa tagal namin natulog ni Cie, nawala na antok ko. Ang ginawa ko, kinuha ko ang phone ko na pinagmasdan ko ang ang mga photo na kuha ni Cie sa akin.
"Good morning, Cie," sabi ko sa kan'ya. Nagising kasi si Cie, dahil sa ingay ng tumatawag na hindi ko sinagot ang tawag ni JC. Ang aga-aga bubuwisitin lang ako ng loko ko pinsan. Ibig sabihin gising ang pinsan ko o baka nasa party pa ang loko.
"Bee, anong oras na! Bakit hindi mo ako ginising." Napa Seryoso ako nakatingin kay Cie. Hindi ko alam natatawa ako nakakunot kasi mukha niya.
"Cie, 4 am pa lang. Matulog muna tayo."
"Anong 4 am." Tumayo pa si Cie, sinilip niya ang labasan.
"Hindi mo ako ginising." Tinawanan ko lang si Cie.
"Hindi talaga kita ginising. Isa pa may isang araw pa naman tayo. Sulitin natin ang araw ngayon.
"Hindi na ako inaantok parang gusto ko mag-jogging. At ikaw matulog ka 'wag sa phone nakatutok ka." Nakasimangot si Cie, nakaharap sa akin.
"Cie, nagseselos ka na naman eh!"
"Eh! Sabay talikod ni Cie." Hala! Bakit nag-iba ang mood ngayon ni Cie. Hinabol ko si Cie, bakit ganoon siya, hindi ko na siya maintindihan.
"Cie naman, bakit ba ang sungit mo?"
"Paano ako hindi ako maiinis. Andito nga tayo para aliwin ang sarili natin, pero iba ang inaatupag mo."
"Hindi ko naman sinagot ah!"
"Pero bakit hawak mo ang phone mo."
"Bawal ba? Tiningnan ko lang mga phone natin magkasama tayo." Bigla ako nainis hindi ko mapigilan sigawan siya. Ngayon lang siya nagkaganyan simula ng bumalik kami sa Brgy. Paraiso. Tinalikuran niya ako. Napa sipa ako sa inis. Tangina problema ba niya. Nalilito na ako sa mga kinikilos niya nitong nakaraang buwan. Bumalik na ako sa loob, hindi ko na hinabol si Cie. Babalik rin iyon. Wala naman siya choice kasama niya ako. Napadapa ako sa kama ng bigla na lang may bumato sa akin, natamaan ang mukha ko. Nagpahawak ako sa jacket na binato niya sa akin. Napangiti na lang ako ng makita ko ang sign na kung saan na araw na tinawag ko siya "Mahal" na binigay ko sa kaniya ang jacket.
"Anong tinatawa mo! Hindi mo talaga ako hahabulin."
"Alam ko naman babalik ka."
"Ah, ganoon ah!" Sabay talikod niya. Mabilis ako napabangon napayakap ako sa kan'ya.
"Bakit ba ang moody mo. Sorry na Mahal."
"Ikaw kasi!"
"Eh! Bakit kasi ang sungit mo! Dahil ba sa hindi kita ginising. Eh! Paano kita gigising kung sarap na sarap ka sa pagtulog mo. Isa pa. Gabi na rin saan naman tayo mamasyal ng gano'n oras."
"Ang ganda kaya pag-gabi. Saan ka nakakita ng resort na sarado kapag gabi. Katunayan iyan ang oras na labas nila. Ang ganda kaya nang tanawin kapag gabi." Tinawanan ko si Cie, kaya naman nagtatampo kasi dahil sa gusto niya lang mamasyal. Natampal ko mukha ko.
"Sorry na Cie, sorry hindi ko naman alam na gusto mo mamasyal. Ang sa akin lang kasi masulit mo ang pahinga at mayroon naman tayo maghapon na pamamalagi kung gusto mo bukas na lang tayo maaga dalawa uuwi."
"No! May work ka."
"Teka sabi mo dalawang araw tayo rito. Isang araw pa lang ah!"
"Anong isang araw, counted na iyon kahapon pag-punta natin dito."
"Counted na ba!" Napakamot lang ako sa ulo.
"Oh! Siya, wala tayong sasayangin na oras." Sabay hila ko kay Cie. Una dinala ko siya na may natanaw ako mini restaurant kumain kami ni Cie, nang matapos na kami kumain niyaya ko si Cie. Nag around-around kami sa pamamagitan ng bike na kung saan mayroon lamang kaming isang oras. Nang masulit namin. Nilibot namin ni Cie, habang magkahawak kamay kami ni Cie. Nang dumating ang tanghali. Naghahanap kami na puwede namin kainin. Ang dami ko na order puro isda ang inorder ko may malaking inihaw na bangus sarap na sarap si Cie, at nag-order rin ako sinabawan. Natatakap ako sa sarap ng asim. Halos hindi kami ni Cie makabangon sa kabusugan. Ang ginawa ko ay habang nagpapahinga kami ni Cie todo selfie kaming dalawa. Nang banda 1 PM na. Namasyal kami ni Cie at hanggang sa dinala kami sa dagat. Nilibot namin ito nag-arkila pa kami ng boat para masulit namin ang lugar na ito. Nang magsawa na kami ni Cie niyaya na niya ako bumalik. Aayusin pa namin ang mga gamit namin.
"Thank you, Bee." Sabay yakap ni Cie sa akin.
"Nagustuhan mo ba?" Nakakunot noo ako sinabi ni Cie.
"Bakit ako tinatanong mo?" sabi ko sa kan'ya.
"Baka nakakalimutan mo. Surprise ko naman ito sa'yo." Oo nga pala! Surprise nga ito sa akin ni Cie na para naman makapag pahinga ako.
"Ako naman babawi saiyo. Hindi lang 2 days gagawin natin ito ng isang buwan. Maari ba?"
"Hindi! Alam mo may kan'ya-kan'ya tayo work. Isa pa ipagkatiwala mo sa mga kaibigan mo."
"Oo! Kung ikakasaya mo. Isa pa kahit naman loko-loko mga iyon hindi naman nila magawa sirain ang company ay dahil sa oras na sirain nila, damay ang mga loko at mawawalan sila ng kita. Pa Easy-easy lang mga iyon pero mahal nila mga work nila.
"Sabagay parang si Shawn lang sila. Si Shawn na hindi mo rin malalaman kung seryoso ba! Pero pag usapan kaibigan sa oras na gantihin mo. Si Shawn ang una makakalaban mo." Napatingin ako kay Cie. Ngayon ko lang kasi narinig pangalan na Shawn never siya nag-kuwento tungkol sa mga kaibigan niya ngayon lang.
"Tara na! Hindi tayo makakaalis nito kung panay ang kuwentuhan tayo." Natatawa na lang kami ni Cie. Bago kami umalis nagpaalam na rin kami sa kanila. Ang babait nila, todo asekaso sila sa amin. Kaya kampante kami na iwan ang gamit namin sa kanila dahil may mga nakabantay sa bawat daan at iyon ang isang bagay nagustuhan ko ang walang makapasok na iba hanggang sa umuwi kami ni Cie na may ngiti sa labi. Nagpahinga na rin kami dahil sa pagod.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...