Chapter 18

26 5 0
                                    

           Chapter 18

Ja's Pov

Sa inis ko nasuntok ko mga kaibigan ko. Sila ang sinisi ko sa lahat ng nangyari sa amin ni Cie. Kung hindi nila ako niyaya hindi sana mangyayari ito sa amin ni Cie. Sana pala naniwala na ako kay Tres.

"Kayo may pakana nito?" Sigaw ko sa kanila. Lahat sila seryoso nakatingin sa akin.

"Teka nga! Kaya mo kami sinuntok dahil sa pagbintangan mo kami. Gago ka ba! Nagulat nga rin kami sa nangyayari." Sigaw rin ni Jc sa akin. Ngayon ko lang nakita siya nagalit sa akin.

"Kahit ako wala rin ako alam diyan. Maloko ako sa babae pero hindi naman ako ganyan na kasama. Alam ko pakiramdam na niloko. Katulad mo mahirap sa akin maniwala na magawa mo iyon kay Cie. Napakabait ni Cie saiyo. Siguro ganoon nga siguro, kung sino pa mga babait ang siyang nakaranas na sakit at pighati." Nakita ko pinunasan ni Nate ang mukha niya.

"Sorry Ja, naalala ko lang kawalanghiyaan ginawa sa akin ng ex ko. Ganito rin ang nangyari sa akin noon. Pero ang pinagkaiba natin dalawa. Inamin niya na matagal na niya ako niloloko at matagal na may relasyon sila. Pero ikaw, mukhang nahulaan ko na ang nangyari." Napakunot noo ako nakatingin kay Nate.

"May kinalaman ka ba dito Leck?" Nagulat ako sa sinabi ni Nate kay Leck. Sa amin apat si Nate lang ang umuunawa kay Leck kaya alam na niya ang bawat galaw ni Leck.

"What! Sabi ko na nga ba ako pagbibintangan niyo. Para sabihin ko sa inyo, hindi ko alam! Ang alam ko lang papunta si Danica rito pero hindi ko alam na may plano siya. Teka nga, ako talaga pinagbintangan niyo.

"Oo! Dahil ikaw lang naman ang may koneksyon kay Danica."

"Gago ka Jary, daan-daan ka sa pagbibintang mo. Hindi porke't kinakausap ko, alam ko na ang lahat na galawan niya. Bakit niyo sa akin sinisisi. Bakit hindi si Ja, hindi kasi siya nag-iingat. Gawa-gawa ng kalokohan tapos sa akin ang  balik. Siya ang sisihin niyo! Hindi ako gumawa ng ikakagalit ni Cie." Sa inis ko nasapak ko si Leck.

"Gago ka ah!" Sabay sipa ni Leck sa akin.

"Pinagbigyan kita ay dahil sa nasaktan ka. Pero mali ang magbintang. Nakakarami ka na ah!" Kiniwelyuhan niya ako. Nakita ko sa mga mata ni Leck ang panglilisik.

"Kaibigan kita. Kahit na mayabang akong tao. Hindi ako iyong tipong tao na manglalaglag. Sarili mo ang sisihin mo. Alam mo na patay na patay saiyo iyong tao pero kinakausap mo pa rin. Hindi ko na kasalanan kung panay buntot niya saiyo." Umalis si Leck tsaka niya kami iniwan. Napatingin lang ako sa kanila kahit isa wala sa amin nagsalita. Natauhan ako sa sinabi ni Leck.

Naguluhan na ako sa nangyayari. Hindi ko na alam gagawin ko. Napasuntok ako sa pader. Hindi ko nakaramdam ang sakit na dumurugo sa kamay ko na para bang namanhid ang buong katawan ko. Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Gusto manakit. Tangina hindi ko kaya mawala si Cie sa buhay. Si Cie ang bumuo ng pagkatao ko. Si Cie ang tumanggap ng pagkakamali ko sa buhay. Si Cie ang umunawa sa akin sa lahat. Si Cie ang taong gusto ko kasama kahit na hindi siya pusong babae. Pero mahal na mahal ko. Tinalikuran ko sila. Hindi ko kaya na makita ko silang lahat. Hindi ko alam saan ako patungo ng makasalubong  ko sa labas si Danica. Napakunot noo ako nakatingin sa kaniya. Tsaka ko siya tinalikuran. Siya ang dahilan bakit kami naghiwalay ni Cie.

"Ja, mag-usap tayo?" Napatigil ako sa pag-hakbang.

"Ja, kung ano man ang nangyari sa atin dalawa hindi ako magagalit." Napaharap ako masama kay Danica.

"Gago ka ba? Naririnig mo ba pinagsasabi mo. Para sabihin ko saiyo walang nangyari sa atin dalawa. Tangina Danica kailan ka ba matatauhan na hindi kita mahal. Na kahit kailan hindi kita mahal. Puwede ba tigilan mo ko please lang! Dahil hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko saiyo." Lumapit pa ako sa kaniya. Galit na galit ako, pero hangat maaari pinipigilan ko may konting konsensiya pa ako natitira para sa kaniya.

"Para maunawaan mo ah! Kahit anong gawin mo sa amin ni Cie, si Cie pa rin ang pipiliin ko. Dahil sa inyo dalawa, walang-wala ka sa kalingkingan ni Cie."

"Kailan ka ba matatauhan na hindi kayo bagay ni Cie. Hindi si Cie ang dapat mong mahalin. Hindi ka ba natatakot sa pinagsasabi mo. Nagmamahal ka ng same gender na pareho lang kayong dalawa. Ako ang karapat dapat saiyo. Ako lang Ja." Tumawa ako na parang nakakainsulto.

"Wala akong pakialam sa sabihin ng iba. Magmamahal ko kung sino ang gusto ko at papasukin ko sa buhay ko. Tanging si Cie lang ang taong papasukin ko sa puso ko. So what! Kung magmamahal ako ng same gender. Ikakamatay ko ba? Para sabihin ko saiyo, hindi! Kung magkamali man ako sa mata ng diyos dahil sa pagmamahal ko. Araw-araw ako humihingi ng tawad, atleast ako marunong humingi ng tawad. Eh! Ikaw marunong ka ba umunawa! Para ka kasing bingi sa katotohanan. Hindi ikaw ang mahal ko. Hindi ikaw ang gusto ko." Sabay talikod kay Danica. Dahil sa daming nangyari sa akin nitong nakaraan.  Halos araw-araw ako na kila Cie, pero hindi niya ako kinakausap man lang. Pero hindi ako susuko para sa amin dalawa. Ngayon pa ba ako susuko kung kailan maisasatuparan ko na ang lahat. Sumakay na ako sa akin kotse pero hindi ko alam saan ako patungo.  Hindi ko alam saan ako  dadalhin ng magmamaneho ko hanggang sa napahinto ako na kung saan kami ni Cie madalas nakatambay dalawa. Nandito lang ako dinala ng aking mga paa sa aming munting paraiso. Hindi ko na pigilan umiyak. Kung kailan matatapos na bahay na  pinapatayo ko para sa aming dalawa tsaka naman may ganitong kaming pinagdaanan dalawa. Napaupo ako sa gilid ng puno na parang hindi ko na kaya. Ngayon lang ako nakaramdam ng    pagod. Naisandal ko ang ulo ko sa may puno.  Hanggang sa naipikit ko mga mata ko.

SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon