Chapter 26
Ja's Pov
"Oh Ja, napadalaw ka? Tangina akala namin nakalimutan mo na kami simula ng magkita kayo ni Cie, siya na lang inaatupag mo."
"Naku, 'wag ka nga makialam sa buhay na may buhay." Napalingon ako kay Tres na ngayon binungangahan si Leck.
"Ano ba? 'Wag ka ngang maingay. Magmamana pa saiyo iyang baby boy natin."
"Hoy! Anong baby boy ka riyan."
"Lakas ng pakiramdam ko baby boy iyan. Ang magiging pangalan niyan ay Jann Leck inshort JL." Natawa na lang ako sa kalokohan ni Leck. Habang si Tres iniwan siya. Parang aso't pusa pa rin ang dalawa 'to.
"Teka nga bakit ba naparito ka? Panira ka rin ng moment namin eh! Baby time namin ni Tres."
"Gago baby time o inisin mo si Tres? Alam mo maagang makakaanak iyan si Tres sa kalokohan mo."
"Buti na iyon. Para tigilan na niya ako kabunganga. Iwan ko ba kung bakit ko siya pinakasalan." Sabay ampas ni Tres sa kaniya. Natawa na lang ako sa dalawa.
"Nakakarami ka na Tres, paalayasin na talaga kita."
"Sige subukan mo. Sa oras na pinalayas mo ako hindi mo na masisilayan ang anak mo."
"Tama iyan Tres."
"Wow ah! Proud ka pa! Teka nga ano ba pinunta mo rito?" Binato ko na lang si Leck ng remote hawak ko. Kanina pa niya sabi anong pinunta ko rito. Alam naman niya may importante kami lakad ngayon.
"Sige na. Ayos na ako rito. Alam kong may importante kayo gagawin. Nandito lang ako Ja. Alam kong mapapaOo mo si Cie. Kilala ko si Cie mabait siya. Kaya hindi ka niya matatanggihan."
"Hindi aalis si Leck. Wala kang kasama. Isa pa parating na mga iyon. Sila ang pinapunta ko rito."
"What! Nagdedesisyon ka na hindi ko alam." Sigaw talaga ni Leck.
"Anong gusto mo gawin. Iwan si Tres na walang kasama. Paano kung manganak na iyan ngayon. Eh! Walang makakatulong sa kaniya." Napaisip si Leck sa sinabi ko.
"Anong makakain natin diyan." Sabay akbay ni Jc sa akin. Hindi namin namalayan na dito na pala ang mga mokong. Sa kayabangan kasi ni Leck hindi namin namalayan nagsidatingan na ang mga loko.
"Nangyari sa mukha mo?" Napatingin ako sa mukha ni Jc. Habang si Tres nakakunot noo nakatingin sa kaniya.
Nangyari diyan sa mukha mo?" Pag-uulit ni Tres sa kaniya.
"Wala ito. "Wag mo akong tingnan. Magmumukha kamukha ko ang anak mo. Sabay gwapo naman ako. 'Wag lang diyan magmana diya sa katabi mo.
"Gago!" Sabay sipa ni Leck sa kaniya. Kaharap kasi ni Leck si Jc.
"Anong ba ginawa mo?"
"Tanungin mo si Nate. Anong ginawa ng loko."
"Hoy! Bakit ako si Jary tanungin niyo. Sa atin apat si Jary lang may kakaibang kalokohan. Tahimik ang loko pero kapag tinopak madadamay tayo."
"Pareho lang kayo dalawa. 'Wag na magsisihan. Oh siya maiwan ko na kayo. Pasok lang ako sa loob may gagawin pa ako." Paalam ni Tres sa amin.
"Wala ka pa rin katulong. Hindi ka ba nahihirapan sa ginagawa ni Tres ang laki ng tiyan. Tapos siya pa rin gumagawa ng bahay." Napaisip ako sa sinabi ni Nate.
"'Wag mo iparinig kay Tres iyan concern mo, baka iwan niya si Leck."
"Sa wala ako magagawa. Ayaw ni Tres dagdag gastos pa raw. Sabi ko naman hindi na niya alalahanin ang gastos. Ayaw ako pakinggan. Kesyo kaya naman daw niya."
"Sabagay sa dami ni Tres pinagdaanan alam ko na makakaya niya lahat nang ito."
"Asawa ko ba ang pag-uusapan natin? Panay asawa ko ang concern niyo."
"Sino ba pupuriin namin, ikaw! Sa yabang mo." Sabay tawa ni Jc.
"Gago, mayabang man ako pero hindi naman ako katulad mo basag laging ang mukha. 'Wag kasi puro sugod. Alam ng hindi kaya susugod agad. Tularan mo ako never pa nagkapasa sa mukha.
"Ngayon pa lang kung hindi ka mananahimik."
"Tama na iyan. Kailangan na natin simulan itong problema ni Ja." Napalingon na lang ako kay Jary ang seryoso ng mukha.
"Problema! Diba ayos naman kayo ni Cie?" Napatitig si Jc sa akin.
"Hindi naman problema. Ang problema lang ni Ja. Kung paano niya makukumbinsi si Cie. Simula raw ng magkita sila parang may nagbago na kay Cie hindi na raw siya iyong dati Cie. Napansin ko rin iyon. Iyong araw na magkita kami ni Cie. Parang naging mahilap na siya sa tao."
"Paanong mahilap Jary, ok naman si Cie kapag nakausap ko."
"Nakausap mo Nate!" Sabay sabi namin. Tinawanan lang kami ni Nate.
"Relax lang. Kumain lang ako sa restaurant nila. Ang sarap kasi balik balikan."
"Kasing sarap sa luto ni Jary." Binato ni Jary si Leck.
"Iparinig mo iyan kay Krizzy nang mabungangaan ka ng todo-todo."
"Sanay na iyan si Leck. May kasama ba naman sa bahay." Natawa na lang ako sa pang aasar ni Jc sa kaniya.
"Changes topic na nga lang. Ano Ja maitutulong nami saiyo?" Napaisip ako sa sinabi ni Jary.
"Gusto ko isurprise si Cie."
"Bago mo isurprise si Cie. Una mo gawin ang makausap ang family ni Cie. Teka nga nakausap mo na ba family ni Cie?"
"Oo, pero hindi kami masyado nag-uusap." Mahina ko sabi kay Nate.
"Dapat ba kasama sa plano ang family ni Cie? Puwede naman ligawan ni Ja ang family ni Cie hanggang sa mapalambot niya ang puso nito. Masasaan ba sila pa ang kukumbinsi kay Cie. Kasi base sa sinabi niyo kanina. Wala na kasi akong oras, kaya hindi ko man lang nakakausap si Cie. Alam mo ang pagbabago niya ay dahil sa family niya tapos napatunayan pa na niloko siya ni Ja. Ang hirap kasi ibalik ang pagmamahal kung naibigay na nang buong puso. Alam ko ang naramdaman ni Cie. Kahit naman kayo ramdam din ang pinagdaanan niyo. Sabihin na natin hindi sinadya ni Ja. Pero nakatatak na kasi sa utak ni Cie ang lahat ng nangyari. Kahit na sabihin natin hindi naman totoo. Tsaka sinabi naman ni Danica ang dahilan pero iba ang nagmahal ng lubos ay dahil binuhos na nila ang pagmamahal saiyo ng buo." Napaisip ako sa sinabi ni Leck. Ngayon lang siya nagseryoso na akala ko loloko-loko isang ito.
"Ngayon lang ako sasang-ayon sa sinabi ni Leck. Una natin gawin ay bago tayo mag-plano kay Cie ang makausap mo Ja ang family ni Cie" Sabay tapik ni Nate sa akin.
"Oh siya! Wala naman tayo pag-uusapan makakaalis na nga." Sabat ni Jary.
"Kita niyo kararating niyo pa lang aalis agad kayo." Paninita ni Jc sa kanila. Tumayo na kasi ni Jary at Nate.
"Gago! Ang dami ko gagawin. Palibhasa kasi pa easy-easy ka lang." Hinila ko na si Jc sa likod ko. Makikipagtalo pa kasi kay Jary. Nagpaalam na rin ako kay Leck. Sumama na ako sa mga kaibigan ko. Palabas na kami ng mapadako sila ng tingin sa akin.
"Saan ka ngayon?" Nilingon ko lang si Nate.
"Uuwi na. Magpapahinga." Tumango lang sila. Tsaka kaniya kaniya kami nagsialisan. Nakauwi na ako kahit na alam ko na maaga pa pero hindi ko na kaya nitong nakaraan buwan halos ibuhos ko ang project ko sa amin JJNL construction. Dahil sa wala naman pasok napadama ako sa kama. Hinilot hilot ko ang ulo ko hanggang sa nakatulog ako.
BINABASA MO ANG
Someday
Teen FictionSi Cieron ay isang mabait, matalino, at mapagmahal na anak. Sa kabila ng kanyang pagkatao, siya ay minahal at tinanggap ng kanyang buong pamilya. Ngunit nasira lamang ito nang makilala niya si John Andrew, na kilala bilang "JA." Si John Andrew ay ma...