Kabanata 6

192 36 2
                                    

"Ate, ano na pong gagawin natin kay Ate Thea? Hindi ba natin siya tutulungan?" Nag-aalang tanong ni Kevin.

Hindi ko rin alam kung paano ko siya sasagutin.

Nasa labas lang kami ngayon ng bahay dahil iniutos ni Tatay kay Nanay na palabasin kami, marahil iyon ay dahil sa ginawa kong pagpalag kay Tatay para subukang 'wag ituloy ang binabalak niyang panggagahasa sa kapatid ko.

Napakabata pa ni Althea para maranasan ang gano'ng bagay. Paano nasisikmura ni Tatay na gahasain ang sarili niyang anak?

Wala na ba talaga siyang natitirang awa o pagmamalasakit sa mga anak niya?

"Paano 'pag nabuntis siya? Edi siya na ang magiging Nanay natin---"

"Hindi mangyayari 'yon, Joshua!" Pagputol ko sa sinasabi ng kapatid ko. "Umaasa ako na hindi 'yon mangyayari dahil hindi pa naman dinadatnan si Althea." 

Ipinapangako kong ito na ang una't huling beses na mangyayari ito.

Alam kong kulang na kulang ang pera na mayroon ako sa ngayon para ilayo ang mga kapatid ko sa impyernong ito.

Pero kung pipiliin kong manatili pa kami rito, baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. 

"Matulog na kayo," utos ko roon sa dalawa. "Nakapaglatag na ako ng karton, humiga na kayo roon."

"Kami lang ang kasya rito ni Kevin, e. Paano ka, Ate?"

"Pwede naman akong hindi matulog. 'Wag n'yo na akong isipin." 

Kaya ko namang matulog kahit nakaupo lang, titiisin ko na lamang ang gabing ito bitbit ang konsensya at awa para sa kapatid kong si Althea. 

Bukas na bukas din, magpapaalam na kaming apat sa impyernong tinirhan namin ng mahabang panahon.

---

"Nababaliw ka na ba, Althea? Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin?" Muli kong tanong sa kapatid kong babae.

"Hindi ko iiwan sina Nanay at Tatay rito," 

"Althea---"

"Kung gusto n'yong umalis, umalis kayo! 'Wag n'yo ng pilitin na isama 'tong si Althea. Kitang ayaw ngang sumama sa inyo, oh!" Bulyaw ni Tatay.

Pinanlisikan ko siya ng mata. "Tinakot n'yo siguro kaya ayaw sumama?"

"Wala akong dapat ipaliwanag sa iyo, Devyn. Maluwag ang pintuan kaya't umalis na kayo kung aalis kayo!"

Lumabas na ito ng bahay, umaalingawngaw ang kanyang mala-demonyong halakhak.

Nagawi naman kay Althea ang tingin ko, lumuhod ako sa harap niya upang makapantay ko siya.

"Kung anuman ang ibinanta sa iyo ni Tatay, 'wag kang matakot sa kanya. Akong bahala sa inyo, huh? Umalis na tayo rito."

"Dito lang ako,"

"Althea naman---"

"Dito nga lang ako, Ate! Hindi ako sasama sa inyo!" At tiyaka siya nagtatakbo patungo roon sa sulok at nagmukmok.

Hindi kayang tiisin ng konsensya ko kung kami lang nina Joshua at Kevin ang aalis sa bahay na ito habang si Althea ang nag-iisa rito sa bahay kasama sina Nanay at Tatay.

Ayokong siya ang pumalit sa akin para gawing punching bag ni Tatay. Ayos ng ako ang nasasaktan para sa kanila, kayang-kaya ko 'yon tiisin.

"Matutuloy pa ba tayo, Ate?" Tanong ni Kevin.

Dahan-dahan akong umiling. "Siguro sa susunod na araw na lang. Hintayin nating magbago ang isip ni Thea para sumama sa atin, huh?"

Ibinalik ko sa ayos ang mga gamit namin bago ako nagpaalam sa mga kapatid kong aalis muna ako. Kailangan kong doblehin ang pagkayod nang sa gayon ay mapabilis ang pag-alis namin sa bahay. 

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon