Kabanata 17

70 13 4
                                    

Palabas na sana ako ng classroom at handa na sanang umuwi para hanapin na rin si Ysay ngunit humarang si Sam sa dinaraanan ko.

Nanlilisik ang mga mata niyang tinitingnan ako na para bang anumang oras ay susunggaban niya na ako para punuin ng sugat at pasa ang buo kong katawan.

“Hindi mo ba alam na binastos mo ako kanina? Ano’ng karapatan mong hampas-lupa ka?!” aniya na batid kong pinipigil lang ang sarili na ‘wag lakasan ang tono ng pagkakasabi n’yon.

“Pwede ka namang magsalita pa o sagutin ang sinabi ko kahit naupo na ako kaagad, e.

Pakikinggan naman kita habang nasa upuan ako,” nginisian ko siya, “kaso ikaw itong hindi na nag-aksaya ng laway na depensahan ang sarili mo laban sa akin.

Kasalanan ko pa ba ‘yon kung napahiya ka man kanina?”

“Ano’ng sinabi mo---”

“Kung wala ka nang importante pang sasabihin, ‘wag kang haharang-harang sa daan.” Kinabig ko siya patungo sa gilid bago ako tuluyang makalabas ng classroom.

Sa pagkakataon na ito ay pinili kong lakasan ang loob ko na labanan ang mga bully sa school na ‘to, at isa ang Sam na ‘yon sa kanila.

Tulad ng nabanggit ko, pagod na akong mapagkaisahan, pagod na akong masaktan at higit sa lahat, pagod na akong matalo sa isang laban nang hindi ako lumalaban.

Para naman maging patas na ang laro ngayon, lalaban na ako lalo’t alam kong kailangan kong depensahan ang sarili ko at ‘wag hayaang magpaapi na lang sa kagaya nilang mayayaman.

Ang dapat ko na lang na isipin ngayon ay kung paano ko makikita at makakausap si Ysay.

Mula nang malaman niya na magkakilala kami ni Kerwin at… malaman din niyang nililigawan ako ni Kerwin ay hindi ko na siya nakita’t nakausap.

Ang naisip ko ay kung hindi ko siya nakita sa buong Hamilton ay malamang, umuwi na ‘yon sa bahay nila.

“Kailangan naming magkaayos sa lalong madaling panahon,” ang naibulong ko sa sarili habang tinatahak ang daan patungo sa kanila.

Dapat ay magkaayos na kaming dalawa ni Ysay dahil kung hindi, pareho kaming lintik kay Boss.

Sakaling tumagal pa ang alitan sa pagitan namin, baka mas lalo kaming mahirapan na gawin ang misyon… ang pagnanakaw sa Golden Buddha.

Kailangan ay pagtulungan naming dalawa na gawin ‘yon dahil nakasalalay sa misyong ito ang buhay naming dalawa.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” walang-emosyon niyang sambit, ilag na ilag ang mga mata niya sa akin.

“Pag-usapan natin ang tungkol sa kanina, Ysay. Hayaan mo akong magpaliwanag---”

“Para saan pa na pakikinggan ko ang paliwanag mo? Para pakinggan ko ang kasinungalingan mo, Devyn?!” matatalim na tingin ang ipinukol niya sa akin.

“Ngayon ay alam ko na ang dahilan kung bakit hindi mo ako maipakilala kay Kerwin… kasi alam mong siya rin ang lalaking gusto ko, ‘di ba?!”

“Hindi ko talaga alam na siya ang lalaking tinutukoy mo---”

“Malamang ay hindi!” aniya. “Kasi Jerwin ang pakilala niya sa akin, sa iyo naman ay Kerwin.

Kahit na sabihin ko man sa iyo ang pangalan niya, malamang ay iisipin mong ibang lalaki ang tinutukoy ko na lalaking gusto ko… pero siya rin ‘yon!

Nandito na, e. Iisa lang ang lalaking gusto natin, Devyn. At hindi ko alam kung paano ko ‘yon tatanggapin…” maluha-luha ang mga mata niyang tiningnan ako.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon