“Bakit ka ba nilapitan ng mga lalaking ‘yon? Ano’ng intensyon nila sa iyo?”
Naglalakad kaming dalawa patungo sa bahay namin, sinabi niyang ihahatid na raw niya ako para daw makasiguro siyang makauuwi ako sa bahay namin nang ligtas.
Ang gentleman niya talaga, idagdag pa na ang gwapo at ang bait niya rin.
“Uh, hindi ko rin kasi alam.” Pagpapalusot ko.
Hindi ko naman ubrang sabihin kay Kerwin ang totoo dahil kung sakaling malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko, baka imbes na maging kaibigan ko siya, e maudlot pa.
“Baka napagtrip-an ka lang,” huminto siya sa paglalakad.
Akala ko ay napagod siya maglakad, ‘yon pala ay huminto siya para lang harapin ako’t kausapin nang masinsinan.
“Para maiwasan mo nang maharang ng mga lalaking kagaya nila, ‘wag ka nang umuwi ng gabi. Mamaya ay kung mapano ka pa, hirap pa naman sa mga tao ngayon ay handang maging masama para sa sarili nilang pangangailangan.”
Napalunok ako ng laway dahil sa sinabi niya. Wala naman akong dapat tutulan sa sinabi ni Kerwin dahil nagsasabi lang naman siya ng pawang katotohanan.
Kagaya ko, pinili ko ang maging masamang tao sa kabila ng mura kong edad para matugunan ang pangangailangan ng pamilya namin.
Alam kong masama ang ginagawa ko pero wala na rin akong maisip na ibang paraan para kumita ng malaking halaga ng pera.
“Dito na lang ako, Kerwin. Hindi mo na ako kailangan ihatid papasok.”
Ngumiti siya sa akin, ang mas ikinagulat ko ay nang ipatong niya ang kaniyang palad sa ulo ko. “Huwag mong kalilimutan ‘yong sinabi ko, Devyn. ‘Wag ka nang magpapagabi ng uwi, hmm?”
Tumango na lamang ako bilang sagot bago naglakad palayo sa kaniya.
“Bakit ko naman siya susundin? Sino ba siya?” Bulong ko sa sarili.
Tiyaka isa pa, hindi naman maiiwasan sa isang magnanakaw na kagaya ko na gabihin ang uwi.
May mga araw nga na tuwing gabi kami gumagawa ng aksyon para magnakaw kaya ang hirap naman kung susundin ko ang sinasabi niya.
At isa pa, kakikilala ko pa lang sa kanya kaya hindi ko siya dapat pagkatiwalaan kaagad.
Kahit na ba gwapo siya at gentleman!
---
“Tunog pa lang ng pangalan niya, mukha ngang gwapo at yayamanin.” Komento ni Ysay matapos kong ikwento sa kanya ang tungkol kay Kerwin.
Inaasahan ko na rin naman na matutuwa at kikiligin siya sa oras na maikwento ko sa kanya ang tungkol kay Kerwin. Mahilig kasi ang kaibigan ko sa gwapo, ‘yon iyon!
“Kapag nagkita kami ulit, ipapakilala kita sa kanya. Talagang tatakbuhin kita sa bahay n’yo para lang makilala mo siya.”
“Sana bukas na mangyari ‘yan. Excited na akong makilala siya, Devyn!”
Natawa ako dahil sa lakas ng boses niya, ganyan kasi talaga siya ‘pag excited siya at tuwang-tuwa… nagiging maingay.
“Anyway, may raket tayo mamayang gabi. Sabi ni boss, sumama raw tayo sa mga tauhan niya na rumaket mamaya upang loobin ang isang banko.
Mag-ready ka, huh? Alas-syete raw ang call time, bawal ang ma-late!”
Napaisip naman ako sa sinabi ni Ysay. Ito ‘yong sinasabi ko na may mga araw na gabi kami rumaraket para magnakaw.
BINABASA MO ANG
Heart-Rending Fantasy
Teen Fiction(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) Note: Complete version of this book, including 2 special chapters, will be available to read on the book version. A collaboration: [Defiant Youth Series #4] A street children criminal, Devyn, totally accep...