Matapos naming pag-usapan ang tungkol doon ni Denver, sinimulan na namin 'yong activity na ipinapagawa ng teacher.
Ngayong araw rin kasi ipinapapasa 'yon, binigyan lamang kami nito ng isa at kalahating minuto para tapusin.
"May naiisip ka na ba?" rinig kong tanong sa akin ni Denver.
"Wala pa nga, e." Humugot ako ng hininga, tiyaka 'yon ibinuga. Bumaho tuloy sa loob ng classroom. "Ano ba ang naiisip mong product na patok ngayon sa mga mamimili?"
"Pagkain, panghanda sa Noche Buena." Bigla akong napaisip sa isinagot ni Denver, noon ko lang din naalala na ilang araw na lang pala ay magpapasko na.
Isang mahalagang okasyon na naman ang hindi namin ma-c-celebrate na magkakapatid… isang mahalagang okasyon na naman ang lilipas na watak ang pamilya namin.
Mukhang hindi na talaga ako dapat umasa na mabubuo pa ang pamilya namin… dahil sobrang imposible no'n mangyari.
"May naisip na ako," ani ko. "Feeling ko ay papatok sa mga tao, panghanda sa Noche Buena ang Graham-Ube-Leche Flan Cake."
"Ano'ng klaseng pagkain 'yan, Devyn?" tanong ni Denver habang nakakunot ang kanyang noo. "Ngayon ko lang narinig 'yan, ah?"
"Pauso ko lang." At natawa ako. "Kung baga, three-layer cake ang mangyayari, tapos iba-iba kada layer. Halimbawa, ang unang layer ay graham, pangalawa ay ube at pangatlo ay leche flan."
"Sa tingin mo, okay lang? Pang-Noche Buena ba ang dating?" alanganing tanong ko.
"Ahh." Tumango-tango siya. "Tingin ko, okay lang naman. Mukhang pati ako na magbebenta ng sarili nating product ay mapapabili, e."
At nambola pa nga 'tong si Denver. Ginawa na niya sa isang malinis na papel ang drawing ng magiging product namin, inilagay niya rin doon ang name ng product at description.
Sa likod ng papel naman ay maikling talata kung saan ipinaliwanag namin doon kung papaano namin i-m-market 'yon sa mga tao.
Nang makalipas na ang mahigit isang oras, nagpasa na kami ni Denver sa teacher. Nakakagulat nga na kami ang pares na naunang magpasa, samantalang ang iba ay nagagahol sa kani-kanilang inuupuan sa pagmamadali dahil malapit na mag-time.
Ang ilan sa kanila ay nahihirapan sa pag-d-drawing, samantalang si Ysay na ang kapares ay si Erika ay wala pang nasisimulan. Mukhang wala pa rin silang maisip na product.
Gusto ko sanang lapitan si Ysay at tulungan siya, ngunit ang mga masasakit na salitang binitiwan niya sa akin kanina ang pumipigil sa akin na gawin 'yon.
Kahit na hanggang ngayon ay may pagmamalasakit pa ako sa kanya bilang kaibigan niya, kailangan kong pigilan ang sarili ko na maging mabait pa rin sa kanya.
Kailangan niyang matututo… kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. Higit sa lahat, kailangan niyang maranasan na mahirapan sa circle of friends ni Sam para siya na ang kusang lumayo sa mga ito.
Bumalik ako sa upuan kahit na sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kailangan kong tiisin ito lahat, para din naman sa kapakanan ni Ysay kung bakit ko 'to ginagawa.
Sana lang talaga ay gumana itong suggestion sa akin ni Denver. Sa lalong madaling panahon, sana ay bumalik ang tiwala sa akin ni Ysay… bago pa mahuli ang lahat.
---
Bilang parte ng plano, sinadya ko si Kerwin sa room kung nasaan siya ngayon. Napag-alaman ko kay Denver na iba ang year level ni Kerwin sa akin, bale mas matanda pala siya sa akin ng isang taon.
Si Denver din ang nagturo sa akin kung nasaan si Kerwin, at ngayon nga ay nasa tapat ako ng classroom nila… hinihintay na matapos na ang klase niya.

BINABASA MO ANG
Heart-Rending Fantasy
Roman pour Adolescents(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) Note: Complete version of this book, including 2 special chapters, will be available to read on the book version. A collaboration: [Defiant Youth Series #4] A street children criminal, Devyn, totally accep...