Kabanata 13

111 15 0
                                    

“Ano kamo? Lumabas kayong dalawa ni Kerwin kahapon?”

Tumango ako. “Alam mo bang bago kami kumain doon sa Korean Restaurant, tumambay muna kami sa paborito niyang tambayan tapos tinuruan niya ako sa Mathematics.

Ang galing niya nga magturo, Ysay. Akalain mong naintindihan ko agad ang multiplication dahil sa kanya.”

“Subukan nga kita,” hinimas niya ang kanyang baba. “5 multiply by 5?”

Napaisip muna ako sandali, nag-add ako ng limang 5 sa isip ko bago ako sumagot. “25!”

“Aba, mukha ngang mahusay na teacher si Kerwin, ah!”

Bigla niyang sinundot ang tagiliran ko. “Kailan ko ba makikilala ‘yang romantiko mong kaibigan, huh? Gusto ko rin magpaturo ng Math sa kanya, ano! ‘Wag mo naman solohin!”

“Gusto nga kitang kasama na natututo habang kasama natin siya. Hayaan mo’t ‘pag natyempo na magkasama kami, tatawagin talaga kita sa inyo.”

“Puro ka pangako, Devyn! Noong nakaraan mo pa sinasabi ‘yan pero hindi mo naman ako pinupuntahan sa bahay!” Pagrereklamo niya tiyaka sumimangot, ipinapahiwatig lang sa akin na nagtatampo siya.

“Ito naman, nagtatampo kaagad!”

Nilapitan ko siya at ikinawit ang kamay ko sa braso niya. “Nawawala kasi sa isip ko na puntahan ka ‘pag alam mo na… ‘pag kasama ko na si Kerwin.”

“Gano’n? Nakakalimutan mo bigla ang maganda mong kaibigan dahil sa Kerwin na ‘yan? Grabe ka, Devyn! Mapanakit ka na masyado!”

“Hindi sa gano’n!” Ngumuso ako.

“Bigla kong nakakalimutan lahat ng mga dapat kong gawin dahil sa kanya. Gano’n kalaki ang epekto ni Kerwin sa akin, na halos hindi ko na rin maipaliwanag sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito.”

“Pag-ibig na ‘yan,” hinatak niya ako paupo sa gilid ng kalsada.

“Kapag nararamdaman mo na ‘yang mga ganyang bagay, ibig sabihin lang ay nagkakagusto ka na kay Kerwin.

‘Pag hindi mo na alam kung bakit mo nararamdaman ‘yong ganito at ‘yong ganyan, pumapag-ibig ka na! Subukan mo na i-deny sa akin na hindi mo gusto si Kerwin, uupakan talaga kita!”

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Sa isip-isip ko, siguro ay hindi naman totoo ang mga sinasabi ni Ysay.

Hindi ko pa gano’ng nakikilala si Kerwin kaya imposible naman na magustuhan ko siya kaagad.

Hindi naman ako ‘yong tipo ng babae na basta makakita ng lalaki tapos gwapo pa, ibig sabihin ay crush ko na agad o gusto ko na agad siya.

“Tigilan mo nga ‘yang iniisip mo na ‘yan, Ysay! Pwede naman na nagkakaganito ako kay Kerwin ngayon kasi first time ko kaya magkaroon ng kaibigan na lalaki.

Naninibago lang siguro ako, ‘di ba? Ikaw talaga, e! Crush agad, grabe ka ha!”

Umiling-iling siya. “Natandaan mo ‘yong lalaking nagbigay sa akin ng sampaguita noon?”

“Ahh, ‘yong lalaking binentahan ka ng sampaguita?” Nang-aasar kong sagot.

Sinamaan niya lang ako ng tingin. “Bago ko aminin sa iyo at sa sarili ko na gusto ko na ang lalaking ‘yon, napagdaanan ko ang pinagdadaanan mo pa lang ngayon.

Kagaya mo, noon ay itinatanggi ko pa sa sarili ko na gusto ko na nga ang lalaking ‘yon.

Kasi kitams? Binigyan niya lang naman ako ng bulaklak tapos gano’n kabilis ko siya magugustuhan?”

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon