Kabanata 22

53 10 0
                                    

Aaminin kong nagustuhan ko ang eksenang napanood ko kanina.

Tameme bigla si Sam, e. Hindi niya nagawang makasagot kay ma'am kaya sa isip-isip ko, kanina ko pa siya pinagtatawanan.

'Buti nga sa babaeng 'yon.'

Kahit na sobrang nakakahiya na pinagtawanan ako sa klase dahil sa ginawa niya, sa katapusan nitong araw na ito, ako pa rin ang sa tingin ko ang nanalo.

'Pakiramdam ko ay mas napahiya siya kaysa sa akin.'

Hiling ko lang talaga ay sana walang mangyaring masama kay Miss Santos. Sana hindi siya patalsikin sa Hamilton para man lang kahit isa sa limampung guro sa Hamilton ay magkaroon ako ng kakampi.

May isa sa kanilang limampu ang nakakaintindi sa sitwasyon ko.

---

"Defense! Defense! Defense!" 

Punong-puno ng sigawan ang kabuuan ng gym ng Hamilton dahil sa sari-saring pag-cheer ng mga estudyante sa kanilang mga pambato.

Ngayong araw kasi ay wala kaming klase para bigyan kami ng pagkakataon na panoorin ang laban ng varsity players ng Hamilton kontra sa pambato ng Immaculate Academy, na talagang dumayo pa rito sa Hamilton para sa isang showdown.

Pinalad akong makahanap ng pwesto sa harap ng bench nina Kerwin kung kaya't tanaw na tanaw ko mula rito ang kabuuan ng court.

'Yon nga lang ay medyo delikado sa pwesto ko dahil anumang oras ay pwede akong matamaan ng bola sakaling lumampas sa guhit. 

At tiyaka nakadagdag ng panganib sa akin na katapat ko lang ng upuan sina Sam at Ysay. Hindi sila nagpatalo at talagang gumawa sila ng paraan para makaupo rin sila sa harap ng bench nina Kerwin.

Mga bwiset.

"Go, Kerwin! Galingan mo!" Hindi sinasadyang napalingon ako sa gilid, napatingin kay Ysay na todo kung makapag-cheer sa kadadaan lang sa harap namin na si Kerwin.

Batid kong naagaw ni Ysay ang atensyon ni Kerwin kung kaya't nginitian siya nito.

Buong akala ko ay aalis na si Kerwin para bumalik na sa laro ngunit halos malaglag ako sa inuupuan nang tingnan niya ako, nakangiti siya tiyaka niya ako kinawayan bago siya tumakbo patungo sa gitna ng court.

Parang kiniliti ng bulate ang tiyan ko dahil sa kilig, ngunit naputol iyon nang maramdaman kong may insecure na nakatingin sa akin.

Si Ysay ang nakasalubong ng mga mata ko, masama ang tingin sa akin.

Wala sa plano ko na pagselosin siya ngayong araw pero mukhang siya na itong nagkukusa na magselos at mainggit sa akin.

'Tama lang 'yan, Ysay. Mainggit ka sa akin hanggang sa manigas ka.'

Nagsimula na muli ang laro matapos ng isang 30 sec timeout.

Tangan ng kalaban mula simula hanggang ngayon ang kalamangan, habang ang team namin ay patuloy na naghahabol ng score. May times na nakakalapit na ang team namin sa score pero sa isang mali lang na pagpasa o pag-shoot ng bola, lumalaki ulit ang lamang ng kalaban.

"Kaya mo 'yan, Kerwin! I-shoot mo 'yan!" muling sigaw ni Ysay.

Rinig na rinig ko ang boses niya dahil ilang pagitan lang naman ang layo ng upuan nila sa akin.

Kung bakit siya nag-c-cheer… kasi nasa freethrow line si Kerwin para mag-shoot ng bola.

Malapit na ngayon ang score namin sa kalaban, at 'pag na-shoot ni Kerwin ang bola nang dalawang beses, sila na ang lamang ng isa at malaki ang posibilidad na kami ang manalo, dahil na rin 3 seconds na lang ang natitira sa game clock.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon