Kabanata 8

156 27 3
                                    

S-Siraulo ba ito? Alam niya kaya ang mga sinasabi niya?

“Mag-aral ka na lang diyan, ‘no!” Ilag ang tingin na sambit ko.

Nahihirapan akong ipakali ang sarili ko sa ideyang kasama ko na nakaupo si Kerwin sa ilalim ng matayog na puno.

Simula nga nang magkrus ang landas naming dalawa, hindi na maialis sa katawan ko ang pakiramdam na laging kabado ‘pag ganitong nakakasama ko siya at nakakausap.

“Hindi ako nag-aaral ngayon,”

Kunot-noong nilingon ko siya. “Ano pala ang ginagawa mo sa librong hawak mo?”

“Ito?” tiyaka inangat ang hawak niyang libro.

“English novel ito, Devyn. Mahilig kasi akong magbasa ng mga novels, lalo na ‘pag English.

Minsan ay nag-aaral ako rito, pero kadalasan ay nagbabasa lang ako ng mga binili kong novels sa bookstore. Mas nakaka-enjoy kasi magbasa sa ganitong lugar; tahimik at mahangin.”

Kabaliktaran ko naman siya. Ni minsan ay hindi ko naging libangan ang pagbabasa ng kahit anong libro.

Una sa lahat, wala naman akong pambili ng libro at hindi ubrang manghiram ako ng libro sa paaralan dahil hindi naman ako isang estudyante.

Tiyaka isa pa, hindi rin ako marunong magbasa, lalo na ‘pag English ang salita.

“Saan ka pala nag-aaral?” Ikinabigla ko ang kanyang itinanong.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil sa pagkabigla, isa pa ay nilamon ako ng kaba at hiya na baka ‘pag sinabi ko sa kanyang hindi ako nag-aaral ay iba ang maging tingin niya sa akin.

“Sa---”

“Huwag ka mahiya sa akin na magpakatotoo, Devyn. Mapagkakatiwalaan naman akong tao, hindi mo na kailangan pang magsuot ng magarbong maskara ‘pag ako ang kausap mo.”

Napahinga ako nang malalim.

“Mahirap lang ako, Kerwin. Ako ang nagtatrabaho para sa pamilya ko, ang kapalit nga lang no’n ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makapag-aral.” Dala na rin siguro ng sinabi niya ay tuluyan na akong napaamin.

“I’m sorry to hear that,”

“Hindi! Huwag mo ako kaawaan, Kerwin. Ayokong isipin mo na kinakausap lang kita ngayon para maawa ka sa akin at bigyan mo ako ng pera.

Aminado naman akong mahirap lang kami, pero ang ganyang bagay ay malabo kong gawin.”

“Mukha ngang kahit pilitin kita ng 100 times para i-accept mo ‘yong tulong ko, talagang magmamatigas ka pa rin hanggang dulo.” Bahagya siyang natawa.

Gusto ko sanang sabihin na sa pang-sampong beses na pipilitin niya akong tanggapin ‘yong tulong niya ay rurupok ako.

Marupok ako, e. Doblehin pa kaya ‘yong 10 times?

“Sige na, ipagpatuloy mo na ang pagbabasa mo ng libro. Mauuna na ako sa iyo, huh?”

Nakakailang hakbang pa lang ako paalis sa lugar na ‘yon nang magsalita siya.

“Sabihan mo lang ako kung gusto mong matuto. Handa naman akong i-share ang mga natutunan ko sa school para sa iyo.

Friends na tayo, ‘di ba? ‘Wag kang mahihiya na lumapit sa akin, okay?”

Dahan-dahan ko siyang nilingon, sinipat siya ng may pagtataka. “G-Gagawin mo ‘yon?”

“Oo naman, ‘no? Sabay tayong mag-aaral.”

Dahil siguro nagustuhan ko ang sinabi niya, napangiti na lamang ako bago muling nagpatuloy sa paglalakad.

Parang magandang ideya na kasabay niya ako na mag-aaral, at mukha ring mas matutuwa si Ysay na tatlo na kaming mag-aaral.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon