“B-Boss, bakit kami ni Ysay? Hindi ba pwedeng iba na lang ang gumawa---”
“Kumpara sa mga tauhan ko, mas may tiwala ako sa inyong dalawa.” Pagputol ni Boss sa dapat ay sasabihin ko.
“Mas may aasahan ako kung kayo ang sasabak sa mahalagang misyon na ito. Hindi n’yo naman siguro ako bibiguin, hindi ba?”
Nanatili kaming walang-imik ni Ysay, malamang ay tatahimik kami dahil alam kong pareho kami ni Ysay na tutol sa pinagagawa sa amin ni Boss.
Iisipin ko pa lang, parang hindi ko na kaya. Sobrang hirap ng misyon na ito, baka ito pa ang maglagay sa amin sa peligro.
“Hindi kayo pwedeng tumanggi,” muli siyang nagsalita. “dahil ‘pag hindi n’yo ako sinunod, papatayin ko ang pamilya n’yo.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Boss.
Talaga bang gusto niya kaming ipitin sa sitwasyon para lang mapasunod niya kami sa gusto niya naming gawin?
Bakit naman kailangan ay idamay niya pa ang pamilya namin ni Ysay?
“Boss, ‘wag n’yo naman sanang idamay rito ang pamilya namin. Labas sila sa usaping ito, parang awa mo na.” Kinapalan ko na ang mukha ko at lumuhod ako sa harap niya upang magmakaawa.
“Kaya nga sumunod na lang kayo sa pinagagawa ko sa inyo, ipinapangako kong hindi madadamay ang pamilya n’yo.”
Pilit niya akong pinatayo mula sa pagkakaluhod. “Pero sa oras na mabigo kayong dalawa na nakawin ang Golden Buddha, pasensyahan tayo.”
Sinenyasan niya kami ni Ysay na lumabas na kaya naman si Ysay ay hinatak na ako palabas sa lugar na ‘yon.
Talaga ngang wala na kaming iba pang choice kung hindi ang gawin ang misyon para sa kapakanan ng pamilya namin.
“Wala na ba talaga tayong ibang magagawa para hindi tayo ang sumabak sa misyon?”
Umiling sa akin si Ysay. “Ang kailangan nating gawin ay tanggapin na lang ang kapalaran natin… at ito na ‘yon, Devyn.
Ito na siguro ang pinakamalaking kasalanan na gagawin natin sa buong buhay natin. Kailangan nating ayusin ang trabaho, okay?”
“Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Ysay? Talaga bang gagawin mo ang misyon? Nanakawin natin ang Golden Buddha?”
“Kailangan nating gawin, Devyn.” Seryoso niya akong pinakatitigan.
“Kung ayaw mong mawalan ng pamilya, gagawin natin ito nang magkasama.
Kailangan nating makuha ang Golden Buddha at maibigay ‘yon kay Boss. Maliwanag?”
“Pero---”
“Devyn, hindi ito ang tamang oras para makonsensya ka! Buhay na ng pamilya natin ang pinag-uusapan dito, pipiliin mo bang magpaapekto sa konsensya mo?
Kasi kung oo, pwes ako ay hindi ko kaya!”
Pinili kong itikom na lamang ang aking bibig dahil sa biglang pagtaas ng tono ng boses ni Ysay sa akin.
Wala na rin naman akong magagawa para baguhin ang desisyon niya, gano’n niya siguro kamahal ang Nanay niya kaya ayaw niya itong mawala.
Ako rin naman, mahal ko ang mga magulang ko kahit na gano’n ang ugali nila. Mahal ko rin ang mga kapatid ko kaya hindi ko sila hahayaang mapahamak.
“Dadalhin ko bukas sa bahay n’yo ang magiging uniform mo,” nabasag ang katahimikan nang magsalita si Ysay. “dahil sasailalim tayo sa misyon, magpapanggap tayong estudyante sa Hamilton.
BINABASA MO ANG
Heart-Rending Fantasy
Teen Fiction(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) Note: Complete version of this book, including 2 special chapters, will be available to read on the book version. A collaboration: [Defiant Youth Series #4] A street children criminal, Devyn, totally accep...