Kabanata 10

138 21 2
                                    

Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang tanggapin ang bagay na ibinibigay sa akin ni Kerwin.

Mapilit kasi siya, mukhang kahit anong gawin kong tanggi sa kanya na tanggihan ang inaalok niya sa akin ay ipipilit niya pa rin ‘yon at ipipilit.

“Kapag gusto mo namang mag-selfie, ito ang pipindutin mo.” Pinindot niya ‘yong maliit na camera, laking gulat ko nang makita ang sarili ko sa phone na hawak ni Kerwin.

Bale, nagkasya ang repleksyon namin ni Kerwin sa phone bilang nakapwesto siya sa akin nang malapit.

“Then, you can switch kung ano’ng filter ang gusto mong gamitin.” At iyon na nga, nagpalit-palit bigla ng kulay ang larawan naming dalawa.

“Para saan ba ‘yong filter?”

“To enhance the quality of the picture. Pwede rin naman na gumamit ka ng filter para kuminis o pumuti ka sa picture. Depende ‘yon kung saan ka ma-s-satisfied.”

Naibalik ko na lamang ang tingin sa phone. Hindi ko naman kailangan no’n, e.

Uhm, hindi ko sinasabing proud ako sa sarili ko na maganda ako. Ang akin lang, ayoko na gumamit no’n kasi hindi naman ako mahilig kumuha ng picture.

“Tapos kapag naman gagamit ka ng facebook or messenger, make sure na may load ka pang-internet. Hindi mo kasi magagamit ito ‘pag wala kang load.”

Ang tinutukoy niya naman ay ‘yong maliit na bagay sa phone na kulay blue at kulay violet.

“Ginagamit naman ‘yang dalawang ‘yan para makipag-communicate sa mga taong malayo sa iyo at makipagkaibigan sa mga taong pwede mong makilala gamit ang social media.”

“Ibig mo bang sabihin… kahit nasa ibang lugar ang taong ‘yon ay pwede ko pa rin silang makausap gamit ang mga ‘yan?”

Tumango siya. “Basta ba alam mo kung ano ang facebook account nila, mabilis mo lang silang ma-c-contact gamit ang facebook.”

Kaya lang paano ko naman malalaman ang account ng mga kapatid ko?

Baka nga sa murang edad nila, hindi pa nila alam kung paano gumamit ng social media na sinasabi ni Kerwin, e.

Pwede sanang paraan ito para makumusta ko sila, kaya lang saan ko sila sisimulang hanapin?

“Naigawa na nga rin pala kita ng sarili mong facebook account,” pag-agaw ni Kerwin sa atensyon ko.

“Palitan mo na lang ng password rito sa settings, ilagay mo muna ‘yong luma mong password tiyaka mo palitan ng bago. Gano’n lang!”

“Okay,”

“Friend na rin pala tayo,” nag-scroll siya sandali at ipinakita na siya lang ang laman ng friendlist ko.

“Ikaw na ang bahala kung sino-sino pa ang gusto mong i-add as a friend. Basta ako, inunahan na kita kasi baka mamaya ay makalimutan mo akong i-add.”

“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

“Overthinker ako minsan, Devyn.” Natatawa niyang tugon.

“Usap na lang tayo mamaya, huh? Ingat pag-uwi!” At tuluyan na siyang nagpaalam sa akin at umalis.

Ako naman ay nakalimutan na kung saan nga ba ako papunta ngayon. Nakatitig lamang ako sa phone na ibinigay ni Kerwin sa akin, hindi namamalayang napapaguhit ng isang malawak na ngiti ang aking labi.

Ito yata ang unang pagkakataon na nakatanggap ako ng isang regalo mula isa sa isang taong hindi ko naman kaano-ano.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit… pero kanina ko pa iniimpit ang kilig na nararamdaman ko habang magkausap kami ni Kerwin kanina.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon