Kabanata 19

56 13 1
                                    

"Ako? Basura? Seryoso ka ba sa mga sinasabi mo, Ysay?" Sa kabila ng bigat ng nararamdaman ko ngayon, pinilit kong tumawa.

"Ano pala sa tingin mo 'yang mga bago mo kamong kaibigan? Di hamak sa akin, mas basura ang mga ugali n'yan!"

"Hey, stew-peed! How dare you call us trash!??" may pagngangalit na tugon ni Erika, isa sa mga tangang alagad ni Sam.

Hindi ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang grupo ni Sam, nanatiling na kay Ysay ang atensyon ko.

Gusto ko siyang kumbinisihin sa kahit anong paraan para lang 'wag niyang gawin sa akin ito. Para lang 'wag niya akong tuluyang talikuran para lang samahan ang babaeng kagaya ni Sam.

"Baka nakalilimutan mo ang ginawa sa iyo ng babaeng 'yan no'ng first day natin, Ysay? Ipinahiya ka nila sa buong klase, b-in-ully!

Pinagkaisahan nila tayo noon, tapos ngayon ay gugulatin mo ako para sabihing kaibigan mo na sila? Nahihibang ka na ba talaga?!"

"E, ano naman sa iyo, Devyn? Inggit ka lang kasi wala ka ng kaibigan ngayon." Nakisabat pa nga ang bwiset na babaeng 'yon, pero muli akong nagtimpi.

"Ysay---"

"Tigilan mo na ako, Devyn! Kahit na ano pa ang gawin mo, hindi na ako magiging tanga ulit para makipagkaibigan sa iyo!" Nauna na siyang naglakad paalis sa stage at sinundan siya nina Sam para umalis na rin.

Ngunit bago mawala sa paningin ko ang grupo ni Sam, nakuha niya pa akong asarin dahil sa nakaaasar niyang ngisi.

Pinipilit kong maging matatag ngayon ngunit katawan ko na ang mismong sumuko.

Nang hindi namamalayan, umaagos na ang luha sa aking pisngi. Sobrang nasaktan ako sa mga salitang lumabas sa bibig ni Ysay… sa mga salitang binitiwan niya sa akin kanina.

Nang dahil sa isang sitwasyon na hindi ko naipaliwanag sa kanya nang maayos, naging sulutera na ang tingin sa akin ng kaibigan ko.

Kung pwede ko lang sanang ibalik ang sarili ko sa nakaraan, hinding-hindi ko na gagawin ang anumang makakasakit kay Ysay. Hindi ko na lang sana masyadong inilapit ang sarili ko kay Kerwin… edi sana hanggang ngayon, mayroon pa rin akong kaibigan.

---

Nang tuluyan akong makapasok sa classroom, naabutan kong ang dating upuan ni Ysay na nasa likuran katabi ng upuan ko ay biglang nagbago.

Naabutan ko siyang nasa first row, katabi sina Sam, habang masaya siyang nakikipagkwentuhan sa mga ito. Batid kong natigil lang sila nang makita akong papasok ng classroom.

Agad ko na lamang iniwas ang tingin ko sa kanila at ako'y dumiretsyo na sa upuan ko sa dulo.

Kung noong unang araw ng pagpasok ko sa Hamilton ay may katabi ako rito sa likod, ngayon ay tuluyan na akong naging mag-isa.

Ako lamang ang nag-iisang nakaupo rito sa likod, habang ang ilan sa mga kaklase ko ay nakaupo mula sa first row hanggang fourth row na may mga katabi… at may mga kausap at kakwentuhan.

"Okay, class. For our activity for today, kailangan n'yong umisip ng isang product at kung paano n'yo ito ibebenta o i-a-advertise.

Ilalagay sa isang malinis na papel ang inyong product at marketing strategy, okay?"

"Individual, Ma'm?" tanong ng isa kong kaklase.

"By pair ito," sagot ng guro. "You can now choose your partner."

At bahagyang nagkagulo ang klase para maghanap ng kani-kanilang makaka-partner.

Habang ako naman, nanatiling nakaupo lang ako sa sulok at walang ginagawa. Alam ko namang wala ni isa sa mga kaklase ko ang magtatangkang lapitan ako para makipag-partner sa akin.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon