Kabanata 27

59 10 0
                                    

Matapos pagbantaan ni boss ang buhay namin ni Ysay, agad rin niya kaming kinalagan at hinayaang makaalis na sa lugar na 'yon.

Sa ngayon, pwede pa kaming mapanatag ni Ysay para isiping ligtas pa ang mga buhay namin.

Ngunit alam kong batid rin ni Ysay na ito ay pansamantala lamang... dahil anumang oras, muling malalagay sa alanganin ang pareho naming buhay.

At 'yon ay sa oras na... mabigo kaming dalawa na dalhin kay boss ang Golden Buddha.

"Pwede bang sa pagkakataon na ito ay kalimutan mo muna ang galit mo sa akin?" Nang tuluyang makalayo sa lugar na pinanggalingan namin, agad akong humarap kay Ysay.

"Sirang-plaka man ako na paulit-ulit na nakikiusap sa iyong makipagtulungan ka sa akin para maisagawa ang misyon, wala akong pakialam.

Buhay natin ang nakataya rito, Ysay! Buhay natin at ng pamilya natin! Pag-isipan mo naman sanang mabuti kung pipiliin mong magsarili na lang sa paggawa nitong misyon."

Hindi man lang niya ako magawang tapunan ng tingin. "Kahit anong sabihin mo, hindi magbabago ang desisyon ko.

Ano naman kung buhay natin at ng pamilya natin ang nakataya sakaling mabigo tayo sa misyon? Wala na rin namang patutunguhan ang buhay ko... kaya mas maiging mamatay na lang ako."

"Ysay!" Mariin kong hinawakan ang magkabila niyang balikat tiyaka iyon marahas na niyugyog.

"Huwag mo naman sanang isipin na magwawakas na lang ang kwento ng buhay mo nang dahil lang sa isang lalaki! Utang na loob, 'wag mo naman sanang kitiran ang pang-unawa mo!

Marami ka pang dahilan para mabuhay! Hindi lang basta sa isang lalaki mapuputol ang buhay na ibinigay sa iyo!"

Sa pagkakataon na ito, muling rumagasa ang sangkatutak na butil ng luha mula sa aking mga mata.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, idagdag pa na sobrang sama ng loob ko kay Ysay dahil sa mga naririnig ko mula sa kanyang bibig, naghalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko.

"Pangarap mong magkaroon ng normal na buhay... kagaya ng mga kabataang kasing-edad natin, 'di ba? Na mayroon silang kalayaan na makapag-aral, makipagkaibigan, maglaro at i-enjoy ang buhay.

Paano mo 'yon matutupad ngayon, Ysay... kung tinitingnan mong katapusan na ng mundo ang hindi ka magustuhan ng lalaking gusto mo?"

"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na hindi ka pinili, Devyn!" singhal nito sa akin, patuloy na nilalabanan ang kanyang sarili na hindi magpakita sa akin ang pagbagsak ng kanyang mga luha.

"Ikaw kasi 'yong gusto ni Kerwin... kaya hindi mo alam 'yong pinagdaanan kong sakit... kaya ganyan kalakas ang loob mo na magsalita na lang!

Wala ka kasing alam! Pinili ka kasi, kaya hindi mo alam kung gaano kasakit para sa isang tao na magpatuloy pa na mabuhay!

Hindi mo alam 'yong pakiramdam na kahit gaano mo kagustong mabuhay pa nang matagal sa mundo, wala ka nang mahanap na iba pang dahilan... bukod sa kanya!"

Muling nanumbalik ang panlilisik ng mga mata ni Ysay sa akin. "Kaya 'wag ka nang umasa na sa kabila ng pinagdaanan natin kay boss... ay pipiliin kong makipagtulungan sa iyo.

Walang pagbabago sa sinabi ko noon, ayaw ko nang magkaroon pa ng koneksyon muli sa isang basurang kagaya mo!"

Sa kabila ng namumula na niyang mga mata, nakuha niya pa akong ngisian. "Patutunayan ko sa iyo na kaya kong magtagumpay sa misyon nang hindi ka kasama, Devyn.

Sigurado akong tutulungan ako nina Samantha na nakawin ang Golden Buddha... at mas malaki ang tiwala ko sa kanila, kaysa sa iyo!"

Hindi niya na ako hinayaan pang makapagsalita, basta niya na lang ako nilayasan at iniwan sa lugar.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon