“Hindi.” Mariing tugon ni Nanay habang masasamang tingin ang kanyang ipinupukol sa akin.
“Ilang beses ko pa bang kailangan ulitin sa iyo ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang mga ito Devyn… para lang maintindihan ako niyang makitid mong utak?!”
“Ikaw ang hindi nakakaintindi, Nay!” hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay ni Thea na alam kong ngayon ay natatakot na dahil sa pagsasagutan namin ni Nanay, dito mismo sa loob ng ospital.
“Hindi mo ako naiintindihan, hindi mo naiintindihan ang nararamdaman namin ng mga anak mo sa pinaggagagawa mo!” at sa pagkakataon na ito, tuluyan na akong naging emosyonal.
“Ganyan ka na lang ba habambuhay, Nay? Magiging makasarili ka na lang ba? Kailan mo ba kami uunahin… bago ang pera?!”
“Tumigil ka sa kaartehan mo, Devyn!” itinulak niya ako nang malakas, tiyaka siya tumayo.
“Hindi na kailanman magbabago ang isip ko. Mayamaya lang din ay iuuwi ko na ‘yang si Thea…” muli ay tiningnan ako ni Nanay ng masama.
“Subukan mong tutulan ang desisyon ko, baka palayasin na kita sa bahay at hindi mo na makasama ang mga kapatid mo!” aniya bago tuluyang lumabas ng hospital room.
Nanghihinang bumagsak ang paningin ko sa sahig… iniisip na kahit siguro ano ang gawin ko, wala talaga akong laban sa mga magulang ko.
Sila at sila pa rin ang talagang masusunod, habang kaming mga anak ay mukhang taga-sunod lang ng magulang.
“Hindi na alam ni Ate kung ano ang gagawin niya,” sambit ko tiyaka nilingon si Thea.
“Itakas na lang kaya kita kay Nanay? Umalis na tayo sa bahay, Thea. Okay ba ‘yon?”
Dahan-dahan niyang iniling ang kanyang ulo. “Hindi ako pwedeng sumama sa iyo, Ate Devyn. Dapat ay sa bahay lang ako.”
“At bakit hindi ka pwedeng sumama? May nagbabawal sa iyo? Si Nanay?”
“Hindi, Ate.” Sa ikalawang pagkakataon ay inilingan niya ako.
Nakayuko siya ngayon, nakikipagtitigan sa kumot na nakabalot sa kanyang binti. Hindi mapakali ang kanyang mga kamay, bakas ito ng panginginig.
“Huwag kang matakot na sabihin sa akin kung sino, hmm? Mapagkakatiwalaan mo si Ate Devyn.” Muling pangungumbinsi ko kay Thea.
Iniangat niya nang dahan-dahan ang ulo niya, tinagpo ang mga tingin ko sa kanya, bakas sa kanyang mga mata ang pangamba.
“Ate… naalala mo ‘yong araw na ginalaw ako ni Tatay?”
Muling sumariwa sa alaala ko ang araw na ‘yon, kung saan ang tanging nagawa ko lang ay tumayo at pakinggan ang panaghoy ng kapatid kong inaabuso ng aming ama.
Muling nanumbalik ‘yong sakit, ‘yong pagsisisi ko noon na pinili kong tumayo na lang sa isang gilid imbes na sana ay gumawa ako ng ibang paraan mailigtas lang ang kapatid ko sa kamay ng demonyo naming ama.
“Sakaling ayain mo raw ako na lumayas sa bahay, ‘wag raw akong sasama sa iyo. Sinabi niyang ‘pag sumama raw ako sa inyo, papatayin daw niya si Nanay.”
Aminadong nagulat ako sa narinig ko mula kay Thea, ngunit akin na lamang iyong isinawalang-bahala.
“Ano ka ba, Thea? Mas maigi na magpatayan ang dalawang demonyo na ‘yon!
Ikatutuwa ko pa kung isa man sa kanila ang mawala, dahil hindi naman natin sila kailangan.
Ang kailangan natin ay ang isa’t isa, hindi ang mga magulang natin na makasarili at ni minsan ay hindi inaalala ang kapakanan natin!”
![](https://img.wattpad.com/cover/280116182-288-k59627.jpg)
BINABASA MO ANG
Heart-Rending Fantasy
Dla nastolatków(PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) Note: Complete version of this book, including 2 special chapters, will be available to read on the book version. A collaboration: [Defiant Youth Series #4] A street children criminal, Devyn, totally accep...