Kabanata 9

147 23 1
                                    

Hindi ko magawang maging masaya kagaya ng mga kapatid ko ngayon.

Ang saya nina Kev at Joshua dahil sa mga laruan na binili sa kanila ni Nanay, ni hindi man lang alam ng mga kapatid ko kung sino ang nagsakripisyo para lang sa mga bagay na ‘yon.

Masasabi kong gumaan naman ang buhay namin, malayong-malayo sa buhay namin noong mga nakaraan kung saan nakadepende lamang ang pamilya namin sa kakarampot na sahod ko sa pagnanakaw.

Kumpara sa sahod ko, ‘di hamak na mas malaki nga naman ang halaga na kikitain ni Nanay sa pagbebenta ng katawan ng kapatid ko sa mga foreigner.

Dignidad nga lang ni Althea ang kapalit no’n.

Wala naman akong ibang magawa para patigilin si Nanay sa marumi niyang bisyo, maski si Tatay ay boto rin sa ginagawa ni Nanay.

Magkakasundo talaga ang dalawang ‘yon ‘pag usapang pera na, e.

“Ano na ngayon ang plano mo n’yan?” Dinig kong tanong ni Ysay.

Nagawa ko pa siyang mapakinggan sa kabila ng pagiging lutang ng isip ko.

“Actually, pwede n’yo naman gamitin ‘yong itinabi kong pera na hindi ko ibinigay kay Boss.”

Napatingin ako sa kanya. “Ano’ng pera?”

“Hindi mo na ba naaalala ‘yon? Hindi ba’t napag-usapan natin na ‘yong malaking halaga ng pera na nanakaw ko no’ng araw na ‘yon, itinabi ko ang kalahati at kalahati lang ang ibinigay natin kay Boss?”

Tinapik niya ang balikat ko. “Pwede mo naman gamitin ‘yon, Devyn. Hati naman tayo roon, e. Basta ang mahalaga ngayon ay makaalis na kayo sa poder ng Nanay at Tatay mo.”

“Ahhh,” nasabi ko nang maalala ko na ang tungkol sa pera na sinasabi niya.

“Hindi naman kasi pera ang problema ko ngayon, Ysay. Mismong si Althea ang pinoproblema ko dahil hanggang ngayon, ayaw niyang sumama sa akin na umalis na ng bahay.

Idagdag pa na ayaw na rin nina Kevin at Joshua na sumama sa akin kasi nga iba na ang buhay namin ngayon kaysa dati, e.

Dahil sa negosyo ni Nanay, nabibilhan na niya ang mga kapatid ko ng laruan at puno rin ng masasarap na pagkain ang hapag.”

“Kaya lang hindi ko magawang maging masaya kagaya no’ng dalawa… dahil alam kong galing ang mga ‘yon sa illegal na negosyo.” Dagdag ko at naiyuko na lamang ang ulo.

“Hindi rin naman nalalayo ang magiging buhay ng mga kapatid mo ‘pag ikaw ang pinili nilang samahan,” ani Ysay na ikinaangat ng ulo ko.

“Sa illegal na paraan mo rin naman sila bubuhayin, ‘di ba? Mag-stay man kayo sa bahay n’yo o hindi, wala pa rin namang magbabago.”

Sa totoo lang, ang dahilan ko kung bakit gusto kong lumayas na kami sa bahay ay dahil pagod na akong maltratuhin kami na parang patapong laruan ng mga naturingan na haligi at ilaw ng tahanan.

Makaalis lang kaming apat sa bahay na ‘yon, masaya na ako, e. Tuloy pa rin ang pagiging magnanakaw ko para buhayin ang mga kapatid ko, pero at least malayo na kami sa mga demonyo naming mga magulang.

‘Di baleng masunog na ang kaluluwa ko sa impyerno sa dami ng taong ninakawan ko, basta ang mahalaga lang sa akin ngayon ay habang buhay ako, makasama ko at maging masaya kami ng mga kapatid ko.

Gusto ko ring tuparin ang pangako ko sa kanilang babawiin ko ang mga kapatid kong ibinenta nina Nanay at Tatay.

“Tanggap ko naman na ipinanganak na akong masamang tao, Ysay. Mas gugustuhin ko pa nga na ako na lang ‘yong mahihirapan at masusunog ang kaluluwa sa impyerno.

Heart-Rending FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon