Chapter 24- like nothing happened.

142 3 0
                                    


"Please, stay."

Napamulat ako ng mata all of the sudden ng mapansin kong sentrong tumama sa akin ang sinag ng araw mula sa bintana. Grabe, sa akin pa talaga dumeretso. Shet.

Dahan dahan nalang akong bumangon sa pagkakahiga at inayos ang bintana. Baka magising pa si Hudas, may sakit pa naman yun.

Speaking of Hudas, Napalingon ako sa tabi ko at nagtaka. Hala, san na siya? He's no where to find. Empty ang kabilang side ng kama. Umalis na siya? Baka nagbreakfast na. Di man lang ako inaya. Tampo ako. Jk!

At kung nacu-curious kayo kung may kung ano kaming nagawa ni Lucas, well nagkakamali kayo. Masyadong malaki ang kama niya para sa kung anong posibleng mangyari. And FYI hindi ko isusuko ang sarili ko. Kung magiging virgin ako forever, ipu-PUSH ko yan!

"Manang si Hudas?" Tanong ko mg dumaan si manang sa harap ng kwarto.

"O 'bat nanjan ka??!" Pagtataka niya. Siyempre sino naman ang hindi magtataka na nanggaling ako sa kwarto ni Lucas. XD

"Ayy alam niyo na kung bakit manang." Pangtri-trip ko sabay ngiti ng kaylapad. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at nagtaka. Syempre, sino naman ang hindi ee bagong gising ang get up ko. Magulo ang buhok, namumugto ang mata etc.

Nanlaki naman bigla yung mga mata ni manang at hinampas ang braso ko. "Jusko ang babata niyo pa!" HAHAHA!

Tumawa nalang ako ng kay lakas. Hay Jusko. Sabay pahid ng luha sa kakatawa. "Di ka naman mabiro, manang. -- Asan na si Lucas?" Tanong ko nalang. Ee yun naman talaga itatanong ko.

"Maaga umalis." Sagot niya ng may pagdududa. Hala, sineryoso niya talaga ang biro ko. Pero san na kaya yun nagpunta. Alas 8 pa klase niya aa. Alas sais pa. =_= "Nagmamadali nga yun. Kahit yung kumakain ng breakfast, panay tingin sa cellphone parang may katext." Dagdag ni Manang sabay alis. Napahinto naman ako sa pagkamot ng ulo. Huh? May katext. Di naman yun nagtetext masyado. Palatawag yun. Kung may kailangan man siya o ano tinatawagan niya. Pero teka.. Ee sino yung katext niya kung maaari?

Patakbo kong tinungo ang kwarto ko at kinapa ang cellphone sa ilalim ng kama. Walang text. Weird. Baka.. Nagwi-wifi yun sa phone, nagche-check ng status? Pero.. Impossible, hate niyang magwifi sa phone kasi maliit daw at matataba ang daliri niya. Ayst! Ano kaba Ceena. Wala ka naman dun kung may katext siya. Labas kana dun. Pilit kong sinasabi sa sarili ko. Ee so what kung may katext siya? EDI SIYA NA MAY TEXTMATE!

*Spriiiiing*

[: One text receive. :]

Dali dali kong binuksan ang lock ng cellphone ko at chi-neck.

[: From: Sofia :]

Ayy kanya pala. Akala ko pa naman galing kay Hudas.. Wait. Bat naman magtetext yun?? Haha! Hopia lang Cee. Ikaw na!

"Edi sana masaya tayo."

Napahinto nalang ako at nablanko ang utak ko. Na-aalala ko yung pinagsasabi niya while nanginginig at tulog siya kagabi.

HAAAAAAAY!! Kung anu-ano nalang pinag-iisip ko. Bakit ba pilit pinapaalala ng utak ko ang pinagsasabi niya. So what kung ang raming kaechosan siyang sinabi? Ee sa may sakit siya at ineengkanto o ano. Baka nga kumbolsyon na yun kaya kahit ano nalang pinagsasabi. Tsk

AYY ULO!! TIGILAN MO NGA KAKAFLASHBACK SA MGA SINABI NIYA KAGABI, PWEDE BA????! May sakit lang siya kaya kahit ano pinagsasabi niya. PERIOD!

*sigh* makabasa nalang ng text.

[: From: Sofia

Guys may rave party daw ang davenflor mamaya. We need your help to set up the whole event!

Married with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon