Alam mo yung feeling na dapat kang maging masaya pero ang bigat parin ng nararamdaman mo.
Yung feeling na naaccomplish mo na ang dapat mong gawin pero feel mo may kulang.
Yung feeling na gusto mong alisin ang sakit na nararamdaman pero yung kirot lumalaban.
Yung feeling na akala mo wala lang pero meron naman talaga.
Yung ganong mga feeling..
Ang sakit ano?
--—--—--— ***
"Ate Nilda, pakidala po."
Sinalubong ako ng mga katulong namin pagbaba ng taxi. Ang bigat naman kasi ng mga dala ko, malamang pagod ako. Lalo na yung nangyari kanina.
Sinong di mapapagod?
"Cee anak, ayos ka lang?" Napalingon ako kay Manang. "Oho." Sagot ko sabay tipid na ngiti. "Pagod lang po." Sabay masahe sa sarili kong batok.
Ang lamya lamya ko kaya ngayon. Di ko feel magsaya, di ko feel kumain, Di na nga ako nakakain. Sayang lang yung plano ko kanina, Time management yun! Tapos di lang pala matutuloy. Tsk. Bwiset.
"Kumain kana b--"
"Bat nagabihan kang umuwi?"
Tsk. Tingnan mo nga naman.. Si Hudas! Napaaga ata ang uwi aa. Kala ko ba marami pa silang mapipilihin nung Bruhang Impakta.
Oo, idagdag na sakanya ang bruha. Bagay naman diba? Psh.
"Nagsalita ang palaging maaga umuwi." Bulong ko. Nakakaloko.
Pakealam niya kung san ako nagpunta! Di ko naman siya pinapakealaman kung san ako pumupunta! Siya nga date ng date ee minsan madaling araw na umuwi pag nangba-babae. Tapos ako first time kong umuwi ng gabi at weekend pa, big deal na? JUSKOO! Sana pala kinabukasan na ako umuwi. Atleast maaga, diba? Tsk.
He just scoffed at me. "Tsk. If I know may boyfriend na yan manang."
ANO?! AKO PA TALAGA ANG MAY BOYFRIEND EE IKAW NGA TONG PUMUNTA SA MALL PARA SAMAHAN YUBG IMPAKTANG YUN! AKO PA TONG NANGLALANDI. LANGYA!
"Excuse me?" Psh. Kung kaya ko lang sabihin yung iniisip ko matagal na akong sumabog! Pasalamat ka Hudas at nagtitimpi ako. Ginagalang ko si Manang! "Ako pa talaga ang pinagagalitan mo?" Tanong kong nakakaloko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni g*go! "Sino ba tong busy samahan magshopping yung babae niya. Oops. Nadulas ako. Sorry ha." Sarkastiko kong pahayag. Sabay ngiti ng nakakaloko.
"Pakealam mo?"
"Oo nga, PAKEALAM MO RIN?"
"Teka teka-- Mga anak. Ano ba kayo? Mga bata talaga." Si Manang.
Ang totoo, alam naman talaga ni Manang lahat ng tungkol samin ni Hudas. Siya pa nga yung palaging umaawat samin ni Hudas pag nag-aaway kami. Oo, madalas kaming mag-away ni Hudas at matagal na yun. Nung masungit pa s--
Wait.. OwO
Does it mean masungit na sya.. ulit? o.O
"Teka, teka nga." Awat ko rin saming dalawa. Parang aatake si Zuma sakin ee. Bumaba na nga ng hagdan. Namumula pa yung mukha sa galit.
Anong problema nito?
"Ano bang problema mo at mainit yang ulo mo? Bakit, nag-away kayo ng Princess mo?!" Tsh. "Wow away agad? Ang bilis talaga ng pangyayari. Pati ako nalilito narin noh?"
BINABASA MO ANG
Married with Mr. Perfect
RandomMr. Perfect ?? Oh no! I preffer Mr. Goody-two-shoes! Mapagpanggap, Mapang-lait, akala mo kung sinong gwapo.. UBOD NAMAN NG SUNGIT!! Nakalimutan ko bang sabihin sainyo na IKAKASAL ako sa MOKONG NA'TO?