Chapter 19- Terror

647 4 0
                                    

"O sya, balik na kayo sa mga trabaho niyo." Rinig kong utos ni Manang.

Agad kong tinungo yung door para makalabas ng bigla akong may natapakan. Nakayapak lang kasi ako, carpeted naman ang floor ng room ko. Kahit hallway namin carpeted din. Parang hotel lang. haha.

Pinulot ko yung maliit na envelop para mabasa but then tinamad na ako. Mamaya nalang. Baka isa lang 'to sa mga love letters na natatanggap ko mula sa mga fans ko. Nahulog lang 'to mula sa study table ko. Di ko pa kasi natatapon. Tinatamad akong basahin ang mga letters nila. I know it's just one of those confession letters na gusto nila ako, na pakasalan ko na sila o kaya ang gwapo gwapo ko. And hey, I know that! So kinuha ko nalang yung iba pang letters at tinapon sa basurahan. I think it's just a waste of time, even though I know na pinaghirapan yun nila. Basta, ayoko lang. Nakakapang-ubos oras sa dami. Ako na talaga ang pinakagwapong maraming fans. Haha!

Binuksan ko ang pinto at lumabas upang makaharap sila ni manang, Ate Myla at iba pang maids. "Di pa pala kayo umalis nung naliligo ako?"

"Nag-aalala po kasi kami sir." Sagot nung isang maid na parang nagpapa-cute pa. okay.. Isa siya sa mga fans ko. Pero kinikilabutan ako. Nagtinginan lang sila tapos tumingin sila kay Manang na tinataboy na sila palayo. si Manang naman, masungit.

"Sabi ko bumalik na kayo sa mga trabaho niyo." dagdag pa ni Manang at tuluyan nang nagsialisan ang mga maids. Hanggang kaming tatlo nalang ni Manang at ate Myla ang naiwan. And well, wala si Cee. No sign of her. Well I guess she didn't really care.

"Oh, ba't nandito ka pa?" Tanong ni Manang kay Ate Myl. Di pa kasi umaalis hanggang ngayon sa kabila ng pagtaboy ni Manang. Ang sungit talaga ni Manang ngayon may period ata, Haha! Menopause naman ata si Manang sa edad niya 58. Batang bata.

"Kukunen ko pu ang mga madudumeng damet ni Ser." Sagot pa ni Ate Myla with her walang kupas na Visayan accent.

"Wow. Benangongot talaga kayo ng grabi ser." Napatingin ako kay ate Myla. "Namamaga pu kase ang iyong mga mata." Ganun ba talaga kalala? Kahit naligo na ako namamaga parin.

"Grabe, ansama ng Panaginip ko." Sagot ko habang kinakamot ang braso, na-sprain ata. Nakatingin lang si Manang at Myla sa akin. Anong problema?

"Halata nga, tawag ka ng tawag kay Cee ee." Sagot ni Manang in monotone. Pagkatapos noon ay naglakad na siya paalis, babalik ata sa kusina. "Bumaba kana para makakain ka na." Utos niya bago siya naglaho sa kanto ng hallway.

Ito talagang si Manang minsan di mo gets. Argh. Inis na inis ako sa sarili ko, dahil narin dun sa bwiset na panaginip na 'yon. Bat pa kasi nadamay si Princess, maganda na sana ang scene. Never in my wildest dreams din na pinagpantasyahan ko si Princess, I know she's pretty but I just can't find a reason to like her. I know her attitude and her misbehaviors kaya din siguro'y di ko siya magawang magustuhan.

Hinarap ko ulit si Ate Myl at nagtanong. "Tinatawag ko talaga si Cee?" Tanong ko ng may pagtataka. Di ko akalain na naririnig pala nila ang sinasabi ko sa panaginip ko. Pati kaya Princess narinig nila? No-o.

"Opo ser, lage kayo sumesegaw ng Cee! Cee! Na parang hinahabol niyo siya-- ganoon ba nasa panaginip niyo, ser?" Sagot naman ni Ate Myl but I didn't respond and sighed, di ko talaga akalain na naririnig pala nila. "Alam neyo Ser, may mga panagenep na maaareng manyare. O kaya yung panagenep neyo'y may kahulugan." Maaari nga. Di ko na tuluyang sinagot si Ate Myla at bumaba nalang sa Kusina para mag-almusal. Kung sakaling may kahulugan talaga yun at maaaring magkatotoo ay sana namay pwede kong baguhin. Iwasan na ang kailangang iwasan.

Alas onse na pala. Bulong ko sa sarili ng mapansin ang malaking orasang nakasabit sa Salas na nadaanan ko. Napagtanto kong puyat na puyat ako kagabi. Ang ingay-ingay kasi sa labas ng kwarto. Yung tipong parang may pabalik-balik sa pagtakbo, di ko rin naman macheck sa labas dahil busy'ng-busy ako sa Blue print na ginagawa ko, which is project sa school at malapit na ang deadline kaya pupusan na ang paggawa.

Married with Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon